CHAPTER 63: ULAN

87 8 0
                                    

ATHENA'S POV

*EARLIER...*

After the bonfire at pag kain namin ng barbeque, nag decide na yung lahat na bumalik na sakanya kanya nilang tents para makapagpahinga narin. Kasama ko si Zoey at sa kasamang palad si Angel din. Eh ano pa bang magagawa ko, eh groupmate namin siya eh. Sa totoo lang, hanggang sa ngayon, wala parin akong tiwala sa babaeng yan. Parang sobrang daming sikreto yung tinatago niya eh. Maya maya pa, nakatulog na si Angel at si Zoey habang ako naman gising na gising parin. Ewan ko ba kung bakit. Basta hindi ako makatulog eh. Lumabas muna ako at naupo sa harap ng bonfire habang nag papa antok. Sobrang ganda talaga nung lugar na to. Tahimik, malayo sa gulo ng city, malinis, maraming stars at higit sa lahat sobrang ganda nung view. Ilang oras palang kami nandito pero parang pakiramdam ko mahal ko na yung lugar na to eh.

Maya maya pa, sa gitna ng pag mumuni muni ko ng biglang dumating si Kendrix.

"Oh Athena? Bakit gising ka pa? Late na ah." sabi ni Kendrix sabay upo sa tabi ko.

Tinignan ko siya tapos ngumiti ako.

"Ah hindi pa ako inaantok eh. Ikaw ba? Bakit gising kapa?" tanong ko.
"Ganon din eh. Hindi pa ako dinadalaw ng antok eh. Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Kendrix.

Bigla akong napatingin sa dagat ng dahil sa tinanong ni Kendrix.

"Wala lang. Tinitignan ko lang yung mga bituin. Tsaka ini-enjoy ko lang yung dagat. Last time na pumunta ako sa dagat, bata pa ako eh. Nung buhay pa yung mama at papa ko. Wala naman kasing time si lolo para samahan ako eh." Kwento ko.
"Ganon ba? Edi ako nalang yung sasama sayo." nakangiting sabi ni Kendrix.

Lumingon ako sakanya tapos ngumiti ako. Biglang bumulis ang tibok ng puso ko ng dahil sa sinabi niya. JUICECOLORED! Eto nanaman tayo eh. Ano ba Kendrix! Ang lakas mo nanaman mag pakilig eh. Sasabog na yung puso ko sa sobrang lakas nung kabog eh. Pero hindi ko dapat ipahata na kinikilig ako noh. Baka kung ano pa yung isipin niya tungkol saakin. Ayoko naman na isipin niya na easy to get ako noh! Kahit marupok ako, dalagang pilipina parin to! Nakakaloka kasi tong mokong na to eh. Ang lakas lakas mag pakilig, tapos hindi naman kayang panindigan! Hay ewan! T______T

"Salamat Kendrix!" Nakangiting sabi ko.

Bigla siyang napalingon saakin ng dahil sa sinabi ko.

"Ha? Salamat saan Athena?" Pagtataka niya.
"Salamat kasi palagi kang nandiyan para saakin eh. Hindi mo alam kung gaano mo ako napapasaya. Hindi ko na nga alam kung paano ako makakabawi sayo eh sa dami ng naitulong mo saakin." Seryosong sabi ko.
"Nako! Wala yun! Wag mo na isipin yun. Diba nga sabi ko, ngumiti ka lang okay na yun." Nakangiting sabi niya.

Maya maya pa sa gitna ng pag kukwentuhan namin, biglang may dumaan na shooting star.

"KENDRIX SHOOTING STAR OH! MAGWISH KA DALI!" Sigaw ko sabay pikit ng mga mata ko at nag wish.

Nag wish ako na sa sana one day magustuhan din ako ni Kendrix. Pero paano nga yun mangyayare? Eh sabi nga ni Angel, magandang chix ang hanap ni Kendrix. Hindi naman ako maganda eh. Hay ano ba yan! -_________-

"Kendrix ano yung wish mo?" Nakangiting tanong ko.

Pero imbis na sumagot siya, he just look at me so wierdly tapos ngumiti siya na parang ewan. Ano ba ang nangyayare sa mokong na to ah? Nababaliw na ba siya? O epekto lang yan ng usok ng bonfire at barbeque kanina? Nakakaloka ah!

"Wala Athena. Kasi na tupad na yung wish ko. Ahm saglit lang Athena ha? May kukunin lang ako sa tent ko." Nakangiting sagot niya.

Pasagot na sana ako ng bigla siyang tumakbo papunta sa tent niya. Ano ba yung kukunin niya sa tent nila? Bakit parang nag mamadali at siya ng sobra? Naguguluhan na ako ah. Ano ba kasi yung nanyayare sa mokong na yun? Maya maya pa, nang biglang may tumawag ng pangalan ko.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz