CHAPTER 49: BANDAID

85 7 0
                                    

ATHENA'S POV

Nang matapos na ang performance ni Kendrix, nagtayuan at naghiyawan ang lahat. Kitang kita ko sa mga mata niya yung sobrang saya. Ang mga ngiti sa labi niya is so priceless. Hindi matutumbasan ng kung ano mang materyal na bagay yung saya niya ngayon. Hindi ko lubos maisip na magagawa kong magorganized ng ganito kalaking event. Buti nalang tinulungan ako ni Calyx na ayusin ang  event na to. Kasi kung hindi, siguro kanina pa ako nabaliw sa kakaisip kung ano yung magandang gawin. Hindi na nga ako nakapasok sa mga class ko tapos nasugatan pa ako sa kamay magorganized lang ang event na to eh. Kaloka diba? Pero okay lang yun. Makita ko lang na masaya si Kendrix, masaya na din ako. Tinignan ako ni Kendrix tapos ngumiti siya. Bigla niyang akong niyakap sabay sabing...

"Thank you for everything Athena. This means alot to me." Bulong niya.

Hindi na ako sumagot at ngumiti nalang. Grabe! Ang bilis ng tibok ng puso ko. Pakiramdam ko tuloy, isa na to sa pinakamagandang bagay na nagawa ko sa buong buhay ko. Yung matulungan ang isang tao na magpakatotoo sa sarili niya. He really means alot saakin eh. Kung pwede ko lang sanang sabihin yun sakanya kaso hindi pwede eh. Kainis! >_____<

Makalipas ang 30 minutes, natapos na ang event ni Kendrix. Sobrang dami ang nag pa autograph at nagpapicture sakanya. Ang poge din kasi eh. MAHAL KO NGA EH!. CHAROT! HAHAHA! ^_____^

Habang naglalakad kami palabas ng university nang makasalubong namin si Angel.

"Hi Kendrix! Grabe ang galing galing mo talaga. Hindi ko alam na sobrang galing mo pala tumugtog ng piano. Hay! Pakiramdam ko tuloy lalo akong naging fan mo." sabi ni Angel sabay yakap ng mahigpit kay Kendrix.

Nako! Akala mo naman kung sinong maganda. Eh ang arte arte naman. Jusko! For sure pakitang tao nanaman yan. May nalalaman pang payakap yakap. Ang lande eh! (Biglang sumipa si Athena sa hanging). Ayun! THE INVISIBLE FLYING KICK! KALOKA! -______-

"Ahhh nako! Maraming salamat Angel. Thank you for appreciating my takent. Hehehe." Nakangiting sagot ni Kendrix.

Aba'y mukhang gustong gusto naman ng mokong na to yung pagkakayakap ni Angel sakanya. Bakit? Kasi malaki yung hinaharap ng babaeng yan?  Kaloka! Eh lahat ng utak niyan nasa boobs niya eh. Hay! Kahit kailan talaga chickboy talaga tong lalakeng to! BABAERO TALAGA! >_____<

"Anyway, pauwi na ba kayo ni Athena? Hatid ko na kayo. Tsaka mukhang uulan oh. Tara na." sabi ni Angel.

Tinignan ako ni Kendrix tapos ngumiti siya saakin. Ano bang iniisip ng mokong na to?

"Ah sorry Angel, may dadaanan pa kasi kami ni Athena eh." Sabi niya.

Biglang nanlaki ang mga mata ko ng marinig ko yung sinabi ni Kendrix? May pupuntahan? Saan naman? JUICECOLORED! KINAKANABAHAN AKO NG BONGGANG BONGGA! KALOKA T____T

"But I insist Kendrix. Baka mapano pa kayo ni Athena sa daan eh." sabi ni Angel habang nag papacute.

Nag papacute ba siya o inaakit niya lang si Kendrix? Nakakaloka ah. Nandidiri ako eh. CHAROT! HAHAHA!

"Don't worry about us Angel. Okay lang kami. Malapit lang naman ying bus stop pauwi sa bahay nila Athena eh. Tsaka nandito naman ako para ipagtanggol si Athena noh. And I promise na walang mangyayare sakanyang masama. Diba Athena?" sabi ni Kendrix sabay akbay saakin.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng inakbayan ako ni Kendrix. JUSKO! YUNG PUSO KO! -______-

"Ahhh ta...ta...tama! Nandiyan naman si Kendrix para ipagtanggol ako eh. Hehehehe!" nakangiting sagot ko.

Bigla akong tinignan ni Angel ng may blankong reaction sa mukha ng dahil sa sinabi ko.

"May mali ba akong nasabi Angel?" tanong ko.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt