CHAPTER 41: MR. & MRS. LEE

126 9 0
                                    

ATHENA'S POV

*RING... RING... RING... RING...*

Tawag sa cellphone ko ang gumising saakin. Sino ba kasi yung tumatawag saakin ng ganito kaaga? Istorbo naman eh. Natutulog pa yung tao. Agad kong kinuha yung cellphone ko at tinignan kung sinong ang tumatawag. Kung si Calyx to, sorry but not sorry. Pero unexpectedly, unkown number yung tumatawag.

"Hello? Sino to?" bungad ko.

["Hello. Ito ba si Ms. Athena Salvador?"]

"Ako nga po. Sino po sila?"

["Ahm this is Stella Medina from Dragon Empire Enterprises. Narecieve po namin yung resumé mo for part time job kahapon."]

"Dragon Empire Enterprises? Yung sikat na Mall?" gulat na tanong ko.

["Yes ma'am. Are you ready for the interview today?"]

Kung sinuswerte ka nga naman. Imagine? May interview ako ngayon sa pinaka sikat na mall sa bansa for my part time job. Wala nang keme to noh. Aarte pa ba ako? Kaloka!

"Yes! Im on my way there. Thank you!" sagot ko.

Nang matapos na yung tawag, napansin ko yung text ni Calyx. Hindi ko pinansin yung text at nagprepare nalang para sa interview ko. Nakakaloka! Ang sakit sakit ng ulo ko. Hindi ko akalaing mauubos ko yung isang bote ng wine ng isang lagukan. JUICECOLORED! LASINGERA NA DIN BA AKO? HAY ANO BA YAN! -____-

Makalipas ang 30 minutes, natapos na akong magprepare para sa interview ko. Paalis na sana ako ng makita ko sa Calyx sa labas ng pinto ng bahay namin.

"Good morning Athena." Bungad ni Calyx.

Tinignan ko siya ng may blakong reaction sa mukha at hindi ko nalang siya pinansin.

"Athena iniiwasan mo ba ako?" tanong niya.

Bigla akong napahinto sa pag lalakad at tinignan siya.

"Hindi Calyx. Nag mamadali lang ako kasi may interview ako ngayon para sa part time ko." sabi ko.
"Athena about pala sa nangyari kahapon....."
"Ah sorry Calyx pero wala akong naalala sa nangyari kahapon. Sorry but I have to go. Malalate na ako sa appointment ko eh." sabi ko habang nag mamadaling maglakad.

Paalis na sana ako, nang biglang hinatak ni Calyx yung kamay ko.

"Gusto mo ba na ihatid na kita sa pupuntahan mo? Para masigurado ko narin na safe ka makakarating doon." sabi niya.
"PWEDE BA CALYX! TIGILAN MO NA AKO! KAYA KO NAMAN YUNG SARILI KO EH. HINDI KO NA KAILANGAN ANG TULONG MO, LALO NA YUNG PRESENCE MO. KAYA PLEASE LANG, LUBAYAN MO NA AKO PWEDE?"

Hindi ko na hinintay ang sagot ni Calyx at nagmadaling umalis nalang. Makalipas ang 45 minutes, naka rating na ako sa Dragon Empire Enterprises.

"Hello ma'am ako po si Athena Salvador. Nandito po ako for interview."
"Oh you may take a sit Ms. Salvador." -office manager.
"Thank you ma'am. Ano po ba yung available na job?" tanong ko.
"As of now, nasa sick leave kasi yung mascot namin eh. So pwede ba ikaw muna yung pumalit sakanya for the mean time hanggang sa bumalik siya?"

WHAT? MASCOT?? NAKAKALOKA! GUMISING PA AKO NG MAAGA PARA MAGING MASCOT LANG? JUICECOLORED! PERO AARTE PA BA AKO? EH SAYANG NAMAN YUNG TRABAHO! HINDI NA AKO KEKEME NOH! PAPATUSIN KO NA LAHAT. HANDA AKONG GAWIN LAHAT PARA SA PANGARAP KO.

"Sige po maam. Kailan po ba ako mag sisimula?" nakangiting tanong ko.
"Ngayon na mismo." -office manager.

Biglang nanlaki yung mata ko ng dahil sa sinabi niya.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Where stories live. Discover now