CHAPTER 16: MAKE OVER

236 16 0
                                    

ATHENA'S POV

Matapos naming kumain ng agahan. Umalis na kami ni Zoey. Papunta palang kami ng mall ng makaramdam ako ng sobrang kaba. JUICE COLORED! HINDI KO ALAM ANG GAGAWIN EH. Makalipas ang 45 minutes, nakarating na kami sa mall. Nasa harap palang kami ng pinto ng mall, pakiramdam ko parang umiikot ang sikmura ko sa sobrang kaba. KALOKA! Alam mo yung feeling na parang may humahatak saakin pauwi ng bahay. Hindi ko alam kung tama ang ginagawa ko pero aatras pa ba ako? BAHALA NA NGA!

"So ano? Hanggang dito nalang ba tayo sa labas ng mall? Kung sinabi mo lang sana ng maaga na tatambay lang tayo sa labas ng mall, edi sana hindi ako nag damit ng bongga." sabi ni Zoey.
"Eh bakit sinabi ko ba kasi na magdamit ka ng ganyan ha? Bes mall ang pupuntahan natin, hindi PROM NIGHT! Tsaka bakit ba kasi naka gown ka ha?" tanong ko.
"Wala trip ko lang bakit? Ikaw nga di pa naman August pero yung damit mo pang BUWAN NG WIKA na eh." sagot ni Zoey.

NANG BIGLANG...

"Ano miss papasok ba kayo o hindi? Kasi kung hindi pwede ba umalis kayo sa harap ng entrance. Ang haba na ng pila oh." sabi nung guard.

Lumingon ako. JUICE COLORED! Ang haba na nga pila. KALOKA! Kanina pa pala kami nag uusap dito.

"Ay sorry po. Eto na papasok na oh?" sagot ni Zoey.

Hinatak ako papasok ng mall ni Zoey. KALOKA! Parang may humahatak sa mga paa ko na wag na tumuloy.

"Bes, what if kaya kung wag na tayo tumuloy? Kinakabahan ako eh." sabi ko.

Tinignan ako ng masama ni Zoey.

"Ngayon pa ba tayo aatras? Eh nandito na tayo oh. Sayang naman ng outfit ko. Kaya ituloy na natin to okay? Tsaka wag kang kabahan bes. Akong bahala sayo." sabi ni Zoey.

Hindi na nalang akong sumagot at sumama nalang kahit saan ako dalhin ni Zoey. Pumunta kami dito ni Zoey para magpa facial, magshopping, magpa rebond at magpa nail art. Hindi ko alam kung tama ang mga naging desisyon ko pero kinakabahan parin ako. Kaya ko ba ito? Sigurado ako HINDI. JUICECOLORED! Ito kasi ang second time ko na pupunta sa salon eh. Takot ako na baka pag tawanan nila ang buhok ko. Nasanay kasi ako na si mama lang ang pumuputol ng buhok ko. KALMA LANG ATHENA. KALMA LANG!

*INHALE.. EXHALE.. INHALE.. EXHALE..*

Pumunta na muna kami sa korean outfit store para mamili ng mga damit.

"Sure ka ba dito bes? Baka wala ka nang pera ahh. Di mo na kailangan gumastos ng sobra sobra. Nakakahiya na eh." sabi ko.
"Ano ba bes. Wag kang mag alala. Wala akong ginagastos dito noh. Galing lahat to sa sponsor mo." sabi ni Zoey.
"Huh? Seryoso ba yan? Sinong sponsor ba yan tinutukoy mo?" tanong ko.

Tinignan lang ako ni Zoey at hindi na niya ako sinagot. Hindi ko alam kung babagay ang lahat ng damit dito saakin. Sexy naman ako eh pero di kasi ako maganda. HIPON KASI AKO EH. GANDA KATAWAN, TAPON ULO. GANON! CHARING! Hahahaha!

Nang makarating na kami sa Korean outfit store, sinalubong kami ng sales lady. Hala siya. Baka isipin niya SHOPLIFTER AKO NG DAHIL SA ITCHURA KO. KALOKA!

"Good morning ma'am, how can I help you?" -Saleslady.

KAKAIN MISS, KAKAIN! BOBO BA SIYA? DIBA BILIHAN TO NG DAMIT? KAYA NANDITO KAMI PARA MANAHI. NAKAKAHIYA NAMAN SAINYO EH BAKA PAGOD NA KAYO EH. MALAMANG BIBILI NG DAMIT. MGA BOBO! CHAROT! HAHAHA.

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Where stories live. Discover now