Stares

7 1 0
                                    

Maxine

"Max!"

Nag-wave ako sa lalaking naghihintay sa akin sa arrival area.

"Hi Brix." Nilapitan ko siya at binigyan ng isang yakap. Para namang nabigla siya sa ginawa ko.

I stared at him for a minute. I noticed his new haircut. Suits him well. Parang palagi siyang fresh tingnan sa kaniyang gupit ngayon. He. He has also grown some beard which gives him a very manly look.

Pagkagaling sa airport ay inihatid lamang ako ni Brix sa aming bahay para iwan yung mga gamit ko at dumiretso na kami sa party.

Bukod kay Marg, isa talaga siya sa mga maaasahan ko. Napakabuti niyang kaibigan sa akin. Hindi lang naman sa akin, sa aming lahat actually. He's too good to be true ika nga.

Hindi ko nga alam kung anong pumasok sa isip niya kanina dahil ayaw niyang mauna. Ayaw rin niyang dalhin ko yung aking kotse. Sa kaniya na lang daw ako sumabay.

Hindi na rin ako nakipagtalo kay Brix. Sa kaniya na nga lang ako nakisakay. Advantage din yun sa akin dahil nakakapagod din yung biyahe tapos magmamaneho agad ako pagdating ko rito. Isa pa, baka maiwan na naman ang kotse ko sakaling may post-party na kaganapan mamaya. Who knows. Mabuti na yung advance mag-isip minsan.

Tulad nung huling inuman namin ni Marg. Nalaman kong si Brix pala ang naghatid sa akin sa bahay.

"Thanks Brix." Sabi ko.

"Don't mention it Max. Para namang ibang tao ka. Nakailang thank you ka na ah."

Tama siya. Nakailang thank you na nga ako sa kaniya. Nababaitan talaga ako sa kaniya. Napapaisip lang ako minsan kung bakit kaya wala pa siyang nagiging girlfriend hanggang ngayon. Di kaya ay meron na pero itinatago niya lang sa amin. But on the other hand he's not the type to hide someone he loves or hide his feelings for someone. But he is a man of few words. Siya yung pinakatipid magsalita sa amin. Yung pa mysterious type. Pero kung may babae nga siyang gusto, tiyak na ipinakilala na niya sa amin kung meron man.

"Have you already fallen inlove Brix?"

Napapreno siya bigla. Halatang nabigla siya sa tanong ko. Napatingin siya sa akin. Hindi maipinta ang kaniyang mukha. Pero hindi naman siya nagsalita.

"Uy Brix. Ano? Nainlove ka na ba?" Ulit ko sa tanong.

Nanatiling tikom ang kaniyang bibig.
Baka complicated kaya ayaw niyang ikwento, naisip ko.

"Daya nito oh. Imposible namang hindi." Inilapit ko ang mukha ko sa kaniya na parang kinikilatis siya. I stared at him for the second time. "Hmm gwapo. Successful na business man. Maginoo. Super bait pa. Package deal na oh. Actually hindi mo na kailangan ng effort. Tiyak na maraming magkakandarapa sa isang Brix Montenegro."

Napatingin lang siya sa akin saka ngumiti.
I don't think he has not fallen inlove yet. His stares and smile say it all.

"Aba ang ngiting yan. Wait let me guess. Nainlove ka na nuh? Sino? Kailan? Uy magkwento ka naman. Sa ating lahat ikaw talaga pinakatahimik Brix. Sina Cathy and Luke may baby Cathey na. Si Marg engaged na. Si Sandy alam ko may dini-date siya ngayong architect." Napasandig na ako sa aking upuan.

"I like someone." Halos pabulong niyang wika pero nakarating sa pandinig ko.

"Woah! Sabi ko na nga ba. And who's the lucky girl?"

Hindi ko napansin nakahimpil na pala ang sasakyan. Nakarating na kami sa venue.

Medyo marami na ngang bisita nung dumating kami sa venue ng pinagdausan ng birthday party ng anak nina Cathy and Luke.

Lose You To Love MeWhere stories live. Discover now