Failed

4 2 0
                                    

Maxine

After that incident, the succeeding days went on normally as expected. Normal pero may kulang. Walang Calvin na maghahatid sa umaga.  Wala ring Calvin na susundo sa hapon. Normal pero napakalungkot dahil kailangan kong tikisin yung sarili kong makita at makasama siya.

Hindi kami naghiwalay ni Calvin. Hindi pa kami nagkakausap actually. I bet wala pa rin siyang ideya na may alam na ako tungkol sa nakaraan nila ni Carina. Pero almost one week na kaming hindi nagkikita. Idinahilan kong may seminar ako sa isang hotel sa bayan at stay-in kaya hindi muna kami maaaring magkita. I was so confident he would buy that alibi. Pakiramdam ko nga'y mas magugustuhan niya yun dahil magkakaroon sila ng quality time ng kaniyang ex. They have a lot of catching ups to do I guess. Ako na muna ang magpaparaya.

I have to endure the pain. I need it also to buy myself time to think. Gusto kong makapag-isip nang maayos. One week without a glimpse of him would be enough.

Ang isang linggong pagninilay-nilay ay nagmistulang isang buwan. Pakiramdam ko ang tagal ng pagdaan ng bawat araw. Habang sinasabi ng utak ko na lumayo muna sa kaniya, nagsisigaw naman ang puso ko na tumakbo papunta sa kaniya.

Minsan ang hirap gumawa ng desisyon dahil pakiramdam mo lahat ng pagpipilian ay tama o lahat ng pagpililian ay mali. Whatever you choose, tiyak na may katapat na sakit. Tulad na lamang ng kinasasadlakan kong sitwasyon ngayon.  Whether I choose to stay away or to stay with him, masasaktan at masasaktan ako.

Sa huli, na-realize ko na hindi pala tinatakbuhan ang sakit. Hindi pwedeng pagtaguan ko na lamang ito habang buhay. Dahil habang pilit ko itong nilalayuan, patuloy lamang nito akong hahabulin. Hindi lilipas ang sakit kung ganun. Kaya ang sakit ay dapat hinaharap.


Tatlong mahihinang katok ang ginawa ko sa pinto bago ito bumukas at iniluwa ang taong isang linggo ko nang hindi nakikita.

Gustung-gusto ko siyang ikulong sa aking mga yakap at sabihin kung gaano ko pa rin siya kamahal pero pinigilan ko yung sarili kong gawin yun.

Nagpunta ako rito ngayon dahil gusto kong malaman ang lahat lahat. Gusto kong makuha yung mga sagot sa mga tanong ko.  Gusto kong marinig mismo sa mga labi niya na ako na yung minamahal niya. Na ako yung pipiliin niya.  Na ako yung mahal niya kahit hindi ako isang doktor. Na ako yung pangarap niya.

Tumingin ako sa mga mata niya baka sakaling mahanap ko ang mga sagot sa tanong ko. Napansin ko ang pamamasa ng gilid ng kaniyang mga mata. Teka, umiiyak ba siya?

"Bakit---"

Bago ko nabuo ang tanong ko, sinunggaban na niya ako ng yakap. Yung yakap na kayhigpit na tila ba natatakot siyang pakawalan ako dahil ayaw niya akong mawala.

He started crying on my shoulders. Gosh how can this man who managed to break my heart be so vulnerable like this?

Hindi ko alam kung ilang minuto kaming nanatili sa ganoong posisyon. Iginiya ko siya sa sala matapos siyang mahimasmasan. Naupo kami sa naroong couch.

"I have something to tell you." Aniyang nakatitig sa akin. Iniwas ko ang tingin sa kaniya dahil pakiramdam ko'y nanlalambot ako pag nakikita ko ngayon yung lungkot sa kaniyang mga mata. 

"Ako rin." Kalmado kong sabi.

"Okay. You go first. Tell me." Nagpupunas siya ng kaniyang mukhang napuno ng luha.

"Ikaw na muna." Para namang biglang umurong yung dila ko at naghagilap pa ako ng sasabihin.

"I'm sorry Babe. I failed the exam again." Bumuhos na naman ang kaniyang mga luha. Paanong ang isang makisig na lalaki ay iiyak nang ganito katindi para sa isang exam na binagsak. It must be really hard for him.

Inalo ko na lamang siya sa pamamagitan ng paghagod sa kaniyang likod.

"It's okay Babe. I know you've given your best." Sabi ko na lang.  Hindi ko alam kung paano ko siya papayapain.

"I'm such a big failure. Babe I'm so sorry." He said in between sobs.

I let him in my embrace. This is something new to me. Sa tanang buhay ko, ako palagi yung inaalo para tumahan. Never na ako yung umaalo. But here's this man pouring out his emotions. Wala akong magawa kundi ang i-comfort siya kahit mismong sarili ko ay nangangailangan din ng karamay at kalinga.

"Sssh. You're great Babe. And I'm so proud of you." Bulong ko na sapat lang upang marinig niya.

Sana'y ganun ka rin sa akin Calv, gusto ko sanang idagdag. Dinampian ko na lamang ng mga halik ang kaniyang ulong nakasubsob sa aking dibdib.

"What do you wanna tell me Babe?" Untag niya di kalaunan. Bumangon siya sa pagkakasubsob upang magpantay ang aming mga ulo.

"I miss you Babe. I love you." Then I planted a soft kiss on his lips. Kasabay ng paglapat ng aking labi sa kaniyang labi ay ang pagpatak ng aking luha.

"I still love you. And I guess I always will." Bulong ng puso ko.

Naramdaman kong hinapit niya ako at dinala sa kaniyang dibdib upang ikulong ako sa kaniyang yakap. Ramdam ko yung lakas ng kabog ng kaniyang puso. Hinayaan ko na lamang kami sa ganoong sitwasyon.


Maybe my purpose of coming here can wait. Maaaring nasaktan niya ako pero kailangan niya ako ngayon. Call me martyr pero kaya kong isantabi muna ang sarili kong sakit para damayan ngayon ang taong mahal ko. Dahil mahal ko siya, handa akong talikuran yung sakit na nararamdaman ko.

Lose You To Love MeWhere stories live. Discover now