Dream

6 1 0
                                    

Calvin

Malayo pa ay tanaw ko na ang babaeng naging laman ng isip ko nitong mga nakaraang araw...ang babaeng nagpalito muli sa aking puso.

Kumaway siya sa akin.  Kumaway naman ako pabalik. Nakangiti siya habang nililipad ng hangin ang alon-alon niyang tsokateng buhok na bumagay sa kaniyang mala-gatas na kutis. Pati ang kaniyang mga bilugang mga mata ay nagniningning na wari'y nakangiti rin. Isa siyang napakagandang tanawin.

Noon pa man ay maganda na siya.  Lalo lamang tumingkad ang kaniyang ganda nang mangibang-bansa siya para magpakadalubhasa sa medisina. At ngayon ay isa na siyang ganap at mahusay na doktor. Dr. Carina Agustin.

Nagkakilala kami ni Carina sa med school. Naging magkakaklase kami. Matalino siya. Hanga ang lahat sa taglay niyang dunong. Samantalang ako ay isang karaniwang mag-aaral na kailangang magdoble-sikap sa pag-aaral para makapasa. Dahil kay Carina, naging inspirado akong magtagumpay sa kurso ko kahit mahirap. Palagi kaming magkasama. Palagi siyang nakaalalay sa akin sa mga requirements namin sa med school hanggang sa nahulog ang loob namin sa isa't isa.

Sa kasamaang palad, naunang makatapos sa akin si Carina at naiwan ako.  Ngunit ipinagpatuloy namin ang aming relasyon. Dahil sa kaniya, hindi ako nawalan ng pag-asa na balang araw ay makakatapos rin ako at maususuot ko rin ang puting uniporme.  Magiging karapat-dapat din ako para kay Carina.

Hanggang sa isang araw ay nagpaalam siya sa akin para sa kaniyang pangingibang-bansa. Gustuhin ko man siyang suportahan sa pangarap niya noon, naunahan ako ng aking takot.

Natakot ako dahil matagal siyang malalayo sa akin. Natakot ako na baka makahanap siya ng higit sa akin. Takot din akong maiwan at walang Carinang aalalay sa akin.
Nasanay akong nandiyan siya lagi para sa akin. Pinapili ko siya. Hindi ako ang pinili niya noon kaya hinayaan ko siyang umalis at nakipaghiwalay ako sa kaniya.

Kahit mahirap pinilit ko pa ring ipagpatuloy ang aking nasimulan. Kahit mag-isa na lang ako, sinubukan kong pagtagumpayan din ang pangarap ko. Kaya hindi ko binitawan ang med school kahit dalawang beses na akong nabigo sa exam.

Then, dumating si Maxine sa buhay ko. Ang swerte na lalaking mamahalin ng tulad niya. Ibinigay niya sa akin ang pagmamahal niya at ang mga bagay na kahit hindi ko naman hiningi sa kaniya. Inintindi niya ako. Sinuportahan. Pero sa huli ay pinili kong saktan siya.

Ayoko siyang saktan pang lalo kaya nung nakipaghiwalay siya sa akin, hindi na ako tumutol.

"Let's break up." Ni hindi siya kumurap nang sabihin niya ito sa akin noong gabing yun.

Napasulyap ako sa kaniya dahilan para magtama ang aming mata. Nagulat man at nasaktan ay pinili kong hindi magpakita ng kahit anong emosyon sa kaniya.

"Mahal kita Cal. Ipinakita at ipinadama ko iyon sa'yo sa lahat ng paraang alam ko at kaya ko. Sinuportahan kita sa pangarap mo. Inintindi kita hanggang dulo pero hindi ko pwedeng gawin yun habang buhay.  Paano naman ako? Sino ang magmamahal sa akin?" Sabi ni Maxine.

Gusto ko siyang yakapin at sabihing mahal ko siya. Totoong minahal ko siya pero pinili kong hindi gawin yun. Alam kong lalo ko lamang siyang masasaktan. Wala akong sinabi kaya nagpatuloy siya sa pagsasalita.

"Mahal kita pero hindi ko pwedeng ipagpatuloy itong nararamdaman ko dahil yung taong mahal ko, naroon pa sa kaniyang nakaraan. Hindi pa tapos magmahal sa iba. So let's end this here." I admire her courage for letting the man she loves go. Kung pwede nga lang siya na lang talaga ang mahalin ko, sana'y naging madali ang lahat.  Sana'y masaya kami pareho ngayon.

"I'm so sorry." Sa huli, ito lang ang tanging nasambit ko.

"You don't have to. I guess I'm still gonna do this kahit hindi nangyari yung nangyari three days ago." Aniya.

Ilang dipa na lang ngayon ang layo ni Carina sa akin. Hindi pa rin niya inaalis ang matamis na ngiti sa kaniyang labi habang nakatunghay sa akin. Tila binabasa niya ang tumatakbo sa isip ko sa mga oras na ito.

Tama nga si Maxine. Wala pa ako sa kasalukuyan. Nabubuhay pa rin ako sa aking nakaraan. Nabubuhay ako sa mga alaala namin ni Carina.

Hindi pa ako tapos sa nakaraan ko lalo ngayong nagbabalik si Carina. Hindi ko pa maibibigay sa iba ang buong pagmamahal ko dahil hindi pa ako tapos mahalin siya. Siya pa rin hanggang ngayon.

"Sorry. Pinaghintay ba kita nang matagal? May dumating kasing emergency kaya natagalan ako."

Umiling lamang ako habang nakatitig sa maamo niyang mukha.

"So shall we?" She's referring to the review.

Maybe hindi ko ginawang sukuan ang med school noon kahit ilang beses akong bumagsak dahil sa kaniya. Hindi ko binitawan ang pangarap ko dahil ginagawa ko ang lahat ng ito para kay Carina. Dahil siya ang pangarap ko.

"Carina." Mahinang sambit ko sa pangalan niya.

Hinalikan ko siya nang buong kasabikan. Alam kong nagulat siya pero kalaunan ay nagpaubaya naman siya sa aking mga halik at tinugon ng parehong kasabikan. Naghiwalay lamang kami nang maalalang nasa gitna kami ng soccer field.

"I love you. I miss you Hon." I confessed.

"I love you too Hon. I still do. You have no idea how I miss you each day." She replied in teary eyes.

Niyakap ko siya nang mahigpit at hawak-kamay naming tinungo ang study kiosk para sa aming review session.  Ngayon ay higit akong nabuhayan ng loob na maabot ko rin ang mga pangarap ko. Ang pangarap naming dalawa noon ni Carina.

Lose You To Love MeWhere stories live. Discover now