Dumbfounded

6 2 0
                                    

Maxine

Tanging lipstick na lang ang nalagay ko sa labi bago kumaripas ng takbo palabas ng faculty room.

"Max, let's go." Kanina pa ako pinagmamadali ni Marg.

Sa kaniya ako sasabay ngayon dahil tumirik yung kotse ko kaninang umaga habang papasok sa trabaho. Pina-tow ko na lang kanina sa towing service and unfortunately hindi ko pa makukuha dahil marami pa umano silang nakalinyang sasakyan na aayusin. Wala rin naman akong choice kundi maghintay at makisakay muna pansamantala.

Dadaanan ko sa school si Calvin kaya nakiusap na lang muna ako kay Marg na ihatid ako kahit sa labasan man lang. Sasakay na lang ako papuntang school ni Calvin. Natiyempo rin kasing may aasikasuhing importante si Marg kaya di niya ako maihatid hanggang dun kay Calvin.

"Ms. Aragon!" Kahit nagmamadali'y nilingon ko yung tumatawag sa akin. Isa pala sa mga guards.

"Yes po Kuya. May problema ho ba?"

"Uy Max! Bilisan mo na!" Si Marg yun na ngayo'y nakapameywang nang nakatingin sa akin. Sinenyasan ko siyang maghintay saglit. Kakausapin ko lang si Kuya Guard.

"May gusto pong kumausap sa inyo. Mahalaga po ika niya."

Wala naman akong inaasahang bisita.  Wala rin naman akong pinatawag na parent. "Lalaki po ba Kuya?" Pagkumpirma ko. Baka kasi si Calvin ang naghahanap sa akin. Napansin kong bagong nakatokang guard si Kuya.

Tumungo naman siya. Sinenyasan ko si Marg na mauna na't baka masyado ko na siyang maabala pag nagpahintay pa uli ako.

Tinakbo ko yung main gate at dumiretso sa waiting area kung saan naghihintay ang lalaki sa akin ayon na rin sa sabi ng guard.

Sa isip-isip ko'y balak rin akong sorpresahin ni Calvin. Babawi siguro. Sana ay nagsabi siyang susunduin niya ako ngayon eh si sana'y di ko na pinaghintay si Marg kanina.

Pero iba ang nadatnan ko sa waiting area. Definitely not Calvin. Isang taong hindi ko na inaasahang makita pa.

"Hi. Sorry at naabala kita. Di kasi kita mapuntahan sa bahay ninyo kaya naglakas-loob na akong abangan ka rito sa school."

"What is it this time Charles?" Sinadya kong ipakita at iparamdam sa kaniya ang pagkadisgusto kong makita at makausap siya. Higit pa sa dismaya ang naramdaman ko nang malaman kong siya yung taong gustong kumausap sa akin.

"Nagugutom ka ba? Halika. Merienda muna tayo."

Tumawa ako nang pagak. "Cut the bullsh*t Charles. Anong sadya mo sa akin? You're not the type to come all the way here for some freaking snacks." Kahit halos pabulong kong sinabi dahil sa presensiya ng mga parents na sinusundo ang kanilang anak, tiniyak kong may diin ang bawat salitang sinabi ko.

"Mag-usap tayo Max. Please hear me out. I know this is so untimely but I need you to hear me out." Nakikiusap ang kaniyang anyo. Garalgal ang kaniyang boses.

Tinalikuran ko siya at lumabas ng school campus. Ginawa ko yun upang iwasang maging talk of the town kinabukasan. At this condition, we're likely to make a scene kung nagtagal pa kami dun sa waiting area kung saan naghihintay yung mga parents ng mga grade school students.

I know he is following me. Mas mabuti nga sana kung hindi na siya sumunod. Tumigil ako sa harap ng mga kainan sa tapat ng campus. Pumili ako ng lugar na kung saan madalang ang taong kumakain. Pumuwesto ako sa isang sulok malapit sa bintana.

"Thank you at pinaunalakan mo ako Max."

I didn't bother to but in nor say anything. Ipinukol ko rin ang aking tingin sa malayo. Parang isang pangit na tanawin ang nasa aking harapan na ayaw kong tapunan man lang ng kahit isang sulyap.

"I'm sorry Max. Alam kong nasaktan kita nang sobra. But I had no choice back then. I love you so much. Totoong minahal kita Max but I had to hurt you then. Between you and her, alam kong ikaw ang higit na matapang, higit na makakaunawa, at mas may kakayahang magpatuloy kahit wala ako. So I chose to break you. But it broke me more dahil araw araw kong pinagbabayaran yung ginawa ko sa'yo. Akala ko'y magagawa kong magmahal ng iba kapag nakita ko na ang anak ko. But without you, I was never happy Max. Kaya ngayon hayaan mo akong ayusin ko ang lahat ng sinira ko. Please let me fix everything Max. I want you back."

He stopped as if he was waiting for my response. Wala na akong gustong sabihin sa kaniya. He tried to hold my hand pero iniwas ko yung kamay ko. How dare him touch me with the same hands he used to touch his woman.

Pagkatapos niya akong iwan dati sa mismong araw ng aming kasal, araw-araw kong tinatanong ang sarili ko kung bakit niya nagawa sa akin yun. Kinukuwestiyon ko yung sarili ko noon kung saan ako nagkulang sa relasyon namin samantalang ang ginawa ko lamang ay mahalin siya nang sobra sobra. Inisip kong hindi ako sapat kaya marahil naghanap siya ng iba. Inisip ko rin na masyadong mabilis yung mga pangyayari sa amin. Hindi pa marahil siya handang magpatali sa buhay kasama ako. We just graduated from college. We were just 21 then.

Ang dami kong iniisip noon. Natutulog ako at gumigising akong dala yung mga katanungang yun sa isip ko, dala yung sakit sa dibdib ko.

Araw-araw akong naghintay na bumalik siya sa akin...na sabihin niya sa aking nabigla lamang siya. Kahit anong oras ay handa ko siyang tanggapin uli noon. Naghintay ako ng kasagutan sa mga tanong ko. Pero lumipas ang ilang araw, ilang buwan hanggang sa naging isang taon. Hindi siya nagparamdam sa akin. Minsan inisip kong pagod na akong mabuhay. Gusto ko na lang magpahinga habang buhay.

Umalis ako. Napunta ako sa isang lugar na walang nakakakilala sa akin. Tumawid pa ako ng isla para magpakalayu-layo.  Gusto ko munang kalimutan yung buhay ko sa lungsod.

Habang naroon ako sa isla,  may isang pamilyang naging malapit sa akin. Ang mag-asawang Tang Caloy at Nang Salve at ang kanilang mga anak. Simpleng maybahay si Nang Salve at mangingisda naman si Tang Caloy. Mahirap ang kanilang buhay. Pero masaya naman silang namumuhay. Dahil marami sila sa pamilya at sa laot lamang sila umaasa para sa ikabubuhay nila, madalas ay kulang ang kanilang kinikita para sa kanilang mga pangangailangan.

Isang araw ay nahihirapang makahinga ang panganay na babaeng si Rica. May sakit umano ito sa puso at kahit kailan ay hindi pa naipapatingin sa doktor dahil salat sa salapi.

Agad namin siyang itinakbo sa ospital sa bayan. Nagpaiwan muna si Tang Caloy dahil kailangan niyang madala ang mga huling isda sa talipapa para may panggastos sila sa pagpapagamot ni Rica. Nag-ambag ambag naman ang mga tagaroon upang madala agad sa ospital si Rica.

"N-nang, a-ayoko pa pong m-mamatay."

"Hindi ka mamamatay anak. Gagawin namin ng Tang Caloy mo ang lahat para gumaling ka." Hawak ni Nang Salve ang kamay ng umiiyak na si Rica.

"Doc, pagalingin ninyo po si Ate Rica. Parang awa niyo na. Doc, gawin ninyo po lahat para mabuhay ang kapatid ko." Pakiusap ng bunsong si Rowena sa doktor na tumingin kay Rica.

Namatay rin si Rica sa araw ring iyon. Labis ang hinagpis ng buong pamilya sa nangyari.

Ang pagkamatay ni Rica ay nagsilbing eye opener sa akin para bumalik ako sa realidad. Pagkatapos maayos ang burol ni Rica, umuwi ako sa amin. Bumalik rin ako agad upang iabot ang tulong sa pamilya ni Rica. Hinintay ko lamang na maihatid siya sa kaniyang huling hantungan. Nagpasya akong bumalik na rin sa buhay na iniwan ko. Mapalad pa rin ako dahil meron akong pamilya, trabaho at kaibigang babalikan.
 
I made a deep sigh as I reminisced the past. For the last time, I didn't bother to look at him. Ayoko nang maalala pa ang mukha ng taong minsang minahal ko. But all he did was wreck me. No, he somehow redirected my life to something I could've not experienced if he did not walk away from my life that moment. I grabbed my bag and left him dumbfounded.

Lose You To Love MeWhere stories live. Discover now