Surprises

6 2 0
                                    

Maxine

Periodic exam ngayon ng mga bata kaya halfday lang sila sa school. Kami namang mga teachers ay dinismiss na rin nang maaga dahil wala naman din kaming babantayan sa school. All students were already sent home para makapag-review para sa 2nd day ng kanilang exam. Yung mga kasama ko sa ibang Department ay nag-stay pa para makapag-check ng test papers. Kami namang MAPEH Department ay kanya-kanya nang bitbit ng mga papel. As usual iuuwi ko na lang din sa bahay. Sa weekend ko na aasikasuhin tutal magiging busy rin naman by that time si Calvin so magpapaka-busy na rin ako sa school works.

Naisip kong sorpresahin sa school si Calvin. Mamaya pa yung usapan namin pero dadaanan ko na lang siya bago umuwi.

I dropped by Unlimited Bites, yung snack house na palagi naming dinadayo ni Calvin dahil sa kanilang masarap na lumpiang shanghai. Hitik sa laman at hindi mamantika. Ito yung madalas naming iorder kapag kakain kami rito.

Hindi na kami makakadaan dito mamaya dahil medyo gabi na matatapos ang last class ni Calvin. Maaga kasi itong nagsasara dahil maaga ring nauubos ang kanilang paninda.

Bumili na lamang ako ng sampung piraso at pinabalot sa dalawang paper bag. Ang isa ay iuuwi ko para kay Nanay Senya. Nagustuhan din nito ang inuwi kong lumpia nung isang araw.

Hindi na ako nahirapang makapasok sa loob ng pinapasukang university ni Calvin dahil ilang beses na rin akong nagawi rito. Idagdag pang kilala na rin ako ng mga gwardiya bilang girlfriend ni Calvin.

Malapit sa mismong building nina Calvin na ako nagpark ng aking kotse. Kinuha ko yung bag ng lumpiang shanghai at umibis ng sasakyan. Sumilong muna ako sa study kiosk sa di kalayuan dahil tirik na tirik pa ang araw ng mga sandaling ito.

I called Calvin's phone but he's not picking it up. Nabanggit niya sa aking medyo magiging abala ang kaniyang schedule this week and the succeeding weeks dahil may major exam siyang paghahandaan. I tried calling him for the 3rd time pero unattended ang kaniyang cellphone.

Hahanapin ko na lamang siya. Maliit lang naman itong college niya kumpara sa ibang colleges dito sa university. I texted him about his whereabouts before I began with the search. Every now and then ay tinitingnan ko yung cell phone ko baka sakaling may reply pero wala pa rin hanggang sa makarating ako sa dulo ng hallway.

He must be seriously busy. I looked at the paperbag I'm bringing.  Iniisip ko kung nakakain na kaya ng lunch si Calvin. Baka naman sa sobrang subsob niya sa review ay napababayaan na niya yung kaniyang sarili. I know how med students review during major exams.  I've seen my Kuya Marcus do it during his med school days. Lalo tuloy akong nag-alala sa boyfriend ko.

"Ms. Aragon?" Untag sa akin ng isang lalaking nakaputing uniporme. Nakilala kong isa siya sa mga regular na nagbo-volunteer sa mga events ni Dad. Classmates din ata sila ni Calvin.

"Hi. Pwedeng magtanong Brent?" Sabi ko. Got his name from his nameplate.

Tumungo naman siya. Sinamahan niya ako sa malawak na soccer field at tinuro ang isang study kiosk sa ilalim ng isang puno ng acacia. I think it's a century old tree.

Lumapit ako sa isang grupo ng mga med students na abala sa pagbabasa. Meron ata silang group study. Ini-scan nila yung reference then may hina-highlight silang key points I guess. They were so engrossed at what they do. They didn't even notice me coming.

"Hi." Hindi ko tuloy alam kung tutuloy pa ba ako or iiwan na lang ang dala ko tas uuwi na lang.

"Calv, yung girlfriend mo." Siniko siya ng katabi niya sa mesa nang mapansin ako. 

Halatang nagulat siya nang makita ako. Nag-wave siya at ngumiti. I waved back. Iwinagayway ko naman yung dalang paperbag.

"You're favorite." I mouthed.

Nagpaalam siya sa grupo at lumapit sa akin.

"Sorry. Did you call? Busy sa review eh."

"Yeah I see but no worries babe. Dumaan lang talaga ako. I just missed you around." Sabi ko sabay pisil sa tungki ng kaniyang ilong. Pero agad siyang nakaiwas. Napansin kong napalingon siya sa grupo.

Hindi ko na lang inulit. Seems like he's feeling uncomfortable about it. Dahil siguro narito kami sa field at maraming estudyante sa paligid. I don't wanna be accused of PDA either lalo na't naka-uniform pa mandin ako.

Hindi na rin ako nagtagal. Magkikita rin naman kami mamaya after his class.

"Mamaya at 6pm ah." Paalala ko sa kaniya bago ako nagpaalam.

May dinner date kami mamaya ni Calvin sa isang bagong bukas na isang fancy restaurant. This fancy resto is all over social media and has been receiving positive feedbacks since their soft opening a week ago kaya gusto kong subukan.

I also want to treat Calvin to a good place dahil alam kong magiging super hectic ng sked niya sa mga susunod na araw. I just want him to chill for a while.  Masyado siyang worked up. Saludo naman din ako sa ipinapakita niyang dedication sa pag-aaral. He's a goal-oriented person also. Surely, he'll make a good doctor in the future.

Lose You To Love MeWhere stories live. Discover now