Redemption

283 3 2
                                    


Maxine

"There you go Maxi. You look great." I affirmed the image I see in front of me. Pinalitan ko yung dark shade ng lipstick na nasa labi ko ng something light para fresh lang tingnan at hindi yung parang trying hard na magmukhang okay. Gusto ko yung something na natural lang dahil ok naman talaga ako and I want to mean it. Yung tipong "Okay" at it's finest.

Muli kong pinasadahan ng tingin ang aking kabuuan sa full length mirror. Satisfied naman ako sa imaheng nakikita kong nakatingin rin sa akin. I like the new glow on her almond brown eyes. Hindi mo na mababakas ang mga matang naglabas ng ilang litrong luha kamakailan lamang.

Nag-spray ako ng favorite kong scent ng Victoria Secret bago tuluyang hiniwalayan ang imaheng nawala rin sa aking paglisan.

"You're beautiful and you're enough Maxi." Another affirmation for a new beginning.

Affirmation. Ito ang madalas na kulang or totally wala sa bawat isa sa atin. Nagagandahan tayo sa iba and napupuna natin ang good features ng iba pero hindi nating kayang i-appreciate ang magandang bagay na meron tayo like looks kahit hindi naman masasabing perperkto sa lahat ng anggulo. Kaya ngayon sa aking muling pagbangon, ito ang isang bagay na ibibigay ko sa sarili ko for doing fine and for reaching this far.

Ang presko ng hanging sumalubong sa akin pagtapak ko sa ground ng isang private school na pinapasukan ko as a MAPEH Teacher.

"Magandang umaga po Kuya." Bati ko sa guard na nakatoka ngayon sa Gate 2 na malapit sa pinarkingan ko ng aking sasakyan.

"Good morning po Ms. Aragon." Gumanti naman siya ng bati kahit bakas sa kaniyang mukha ang pagtataka. Nginitian ko na lamang siya bago tuluyang dumiretso sa administration building.

"This is so liberating Max. You should have done this before. Bakit ang tagal mong nagmukmok at ngayon ka lang natauhan?" I told myself.

It's too early to go straight to the workroom kaya napag-isipan kong tumambay muna sa cafeteria. Parang hinahanap ng sistema ko yung aroma ng kape to kick-off an unexpected comeback.

I motioned my hand to push the door open when I heard a familiar voice from a distance.

"Oh my God Max, you're here! You can't be real!"

Halos mabuwal ako sa biglang pagyakap sa akin ni Marg. Kulang ang salitang "surprised" para i-describe ang mukha niya. Higit pa nga niya ang nakakita ng multo.

"Ano ka ba Margarita? Is that your way of welcoming a friend?" Kunwariy inis na sabi ko.

"Oh edi welcome back friend." Aniyang hinampas-hampas ako sa balikat. Pero gentle naman. Para lang pasimpleng nagpupunas ng kamay niya sa aking uniform.

"Kababalik ko nga lang eh muntik mo pa akong mapatay diyan sa higpit ng yakap mo." Biro ko sa kaniya na ngayo'y medyo nahimasmasan na pero hindi pa rin ako tinantanan ng kaniyang mga bilugang mga mga mata.

"Naku Max. Palalampasin ko ngayon yung pagtawag mo sa akin ng Margarita. Sorry. Ganun lang talaga kita namiss gaga ka.  May paleave-leave ka pang nalalaman.  Baka next time na mawala ka,  talagang mapatay na kita pag nagkita tayo. " Anito.

"I didn't file for any leave actually. Nag-absent lang talaga ako." Depensa ko nang natatawa pa rin sa reaksiyon ni Marg.

"Ha? Really? Ganun katagal? Anyways hindi lang talaga ako makapaniwalang kaharap ko ngayon si Maxine Agatha Aragon. Kasi alam mo na. Akala ko nga lang talaga kanina namamalikmata lang ako nung nakita kong nakasulat ang pangalan mo sa no.1 sa logbook eh. Sabi ko'y totoo ngang may himala." Anitong natatawa na rin.

"Himala ba talaga yung nakabalik na ako Marga--I mean Marg?"

"Himalang nasungkit mo kamo yung earliest bird sa pagpasok." Tinawanan na lang naming dalawa ang hirit ni Marg. Alam kong nagbibiro ang loka pero may halong katotohanan. 

Ganito pala ang feeling kapag maaga kang papasok sa trabaho. May time ka pang magkape. At pag kasabay mo pa 'tong si Marg may bonus pang mga chika.  At sa tingin ko ngayo'y ako muna ang flavor of the day niya.

Nakakapanibago. Pero in a positive way. Parang ginanahan tuloy akong pumasok nang maaga bukas at sa mga susunod pang mga araw. Para naman may consistency ako sa plano kong pagbabago sa buhay ko.

Being an early bird comes with several perks. One is may time ka pang magpaganda.  Hindi yung kasabay mo halos ang pag-ring ng school bell sa pagpasok. Tas aabangan mo yung terorista ninyong principal kung nasa hallway ba ng admin building. Tas kung wala o di-nakatingin sayo saka ka sisibat at didiretso sa classroom at magpapakopya na naman ng lecture dahil pumasok kang unprepared.

Hays! Those were the days. Pero hindi naman ako ganun kalala as a teacher. As a matter of fact, I'm efficient too in several aspects except siguro in terms of punctuality. Aminado naman ako dyan.

Pero it's high time for a positive change. I claim it.  I'm leaving the past behind me because life is meant to be lived forward.  Today I resurrect from a deep sleep-from a nightmare I shall say.  This is indeed my redemption.

Lose You To Love MeWhere stories live. Discover now