Missed

8 2 0
                                    

Calvin

Nakangiti ako habang tina-type sa aking cell phone ang sinasabi ng nasa kabilang linya.

"Copy na Doc?"

"Yeah. Thank you so much. I owe you one."

"Of course. Pero balang araw na ako maniningil?"

"Ay may bayad pala yun? Kala ko ba libre." I know that the person on the line meant it as a joke so I joked back.

Humalakhak siya. "Well, sabi nila there's no such thing as free lunch. Libreng checkup at pagamot lang naman Doc. Pero matagal pa naman yun, kapag doctor ka na." Tumawa pa siya bago tuluyang nagpaalam.

Tumuloy na ako sa address na nakuha ko pagkatapos ng aking last class sa gabi. Medyo may kalayuan pala sa pinapasukan kong medical school pero hindi ko na ininda yung layo. Inisip ko na lang na worth it naman yung taong pupuntahan ko kahit malayo.

Nag-door bell ako sa gate pagdating ko sa address na ibinigay sa akin. Napakatahimik ng paligid. Sabagay nasa isang exclusive na subdivision kasi itong bahay kaya wala masyadong gumagala kahit hindi pa naman kalalalimam ng gabi. Pinindot kong muli yung doorbell. Wala pa ring lumalabas upang pagbuksan ako. Confident naman akong ito yung bahay dahil ultimo yung kulay at design ng gate at fence ay ibinigay sa akin ng aking reliable source.

Pero wala atang tao sa bahay or baka tulog na. Ipinaandar ko na sana ang kotse upang umalis na lang sakto namang bumukas yung gate. Then lumitaw yung taong sadya ko.

"Good evening." Bati ko sa kaniya. Bakas ang malaking gulat sa kaniyang mukha nang mapagsino ako.

"H-Hi. Good evening din." Sumagot naman siya na may kasamang isang tipid na ngiti. "Ah-ahh kanina ka pa? Sorry ah. May ginagawa kasi ako sa kusina kaya hindi ko agad narinig yung doorbell. Anyways wala si Dad dito. May out-of-town conference sila sa Tagaytay."

"Ha? Your Dad?"

"Yeah. Di ba siya sinadya mo rito?"

"Ahh hindi. Actually, I came here for you." Pagtatama ko sa iniisip niya na lalong nagpalito sa kaniya.

"Why? May kailangan ka ba sa akin?"

"Ouch!" I said, trying to look hurt. I even held my chest.

"Sorry.  I didn't mean it that way. Well let me rephrase that. Meron ba akong maitutulong sayo Mr. Reyes?"

"Yeah."

Naa-amaze ako sa babaeng nasa harapan ko ngayon. I wonder how she manages to look apologetic but fierce at the same time. Yung malambing ang sinasabi niya pero may angking authority ang ekspresyon niya. Sa unang sulyap nga'y masasabi mong suplada siya pero ubod pala ng bait kapag nakilala mo na.

"Okay. Halika. Pasok ka muna sa loob. Kumain ka na ba? I am about to have dinner. You can join me." Niluwangan niya ang pagkakabukas ng gate para patuluyin ako sa loob ng magara nilang frontyard.

"Ah hindi na. Medyo late na rin. Sige na pasok ka na. Aalis na rin ako."

"Eh? How about yung sinasabi mong tulong?"

"Ah wala yun. Well the truth is dumaan lang talaga ako para makita ka." I did not let go of her eyes while saying it. Gusto kong makita kung ano yung magiging reaction niya sa sinabi ko.

Last time I have already confessed about how I feel for her. Alam kong ang bilis nung nangyari. Parang nung isang araw lang kami nagkita ni Max then the following day ay mahal ko na siya. I don'tknow either how it happened.

I got rejected. Pero naintindihan ko naman si Maxine. Ako nga'y nabibilisan sa mga pangyayari. It's barely three weeks now since we first met on her Dad's birthday. Kaya ganun rin siguro yung nararamdaman niya.

She rejected me yes. Pero hindi naman ibig sabihin nun na wala ng chance. And I just missed her kaya gumawa na ako ng paraan para makita siya.

I asked from her closest friend, Marg for her number nung minsang magkrus ang aming landas sa school. I tried to call her once but she didn't pick her phone or maybe she did it on purpose. I guess she was even avoiding me. Maybe she felt guilty after rejecting me. Nakumpirma ko nang magkasalubong kami sa hospital the other day.

Napuno ng kaniyang halakhak ang paligid. Halos maluha-luha siya sa katatawa.

"You're funny Mr. Reyes huh. I like that side of yours." Sabi pa niya.

"I like you too. I love you Max and I just missed you."

Maxine

Sinubukan kong gumawa ng aking lesson plan para sa submission sa makalawa pero walang kahit na anong ideyang pumapasok sa utak ko.  Kanina pa akong nakatingin lang sa laptop. Para akong lantang gulay. Hindi ko alam kung epekto ba yun ng overexposure sa radiation ng computer o sadyang lutang lang ang aking isipan.

I searched for my phone but it did not help either. Binalik ko lang din agad sa loob ng aking bag. Palagay ko'y malapit na akong mawala sa katinuan. I have to do something to keep me occupied. Ayoko ring pumuntang caf. I'll just end up stress-eating. Masisira ang diet ko.

Bumalik ako sa pagta-type ng lesson plan pero wala talaga akong maisip na maganda. Then nag-vibrate ang phone ko. Dali-dali kong hinalungkat yung aking cellphone na halos ikapunit pa sana ng aking bag. My God! This is an orginal one from Michael Korrs for God's sake.

Lalo lang akong nangitngit nang mapagsino yung nag-message.

I made a deep sigh.

"Ms. Lae, may load ka pa? Pwedeng paload ako ng 100php?" Reloader kasi iyang si Lae.

Inabot ko na ang bayad kay Lae then I immediately subscribed for an unlicall and text.

I am now considering to go for postpaid next time. Mahirap pala yung every now and then ay ite-text ka ng network na expired na subscription mo. Dati kasi di ko naman masyadong kino-consider na need ang load. Hindi naman ako palatext or pala-call. Kapag kailangan ako ng mga kaibigan ko, alam na nila ang gagawin.  They should call me to know my reply dahil pag naghintay sila sa aking reply, baka after one week pa or worse wala talaga. Pag ako naman ang may kailangan sa kanila, I'll use the landline or makikitawag ako kay Lae.

Wait! Eh para saan nga ba yung pagpapaload ko ngayon? What difference does it have with before?

Tsk!  Bahala na nga. It's now or never.

I opened the message icon and started typing. However I am having a second thought whether to press send or not and just forget about it. But this feeling is killing me. And I can't stand another sleepless night.

Ano ba naman yan Maxine Agatha? You're no longer a high school student. Stop the immature act and pull yourself together.

So I ended up sending the message.

Lose You To Love MeWhere stories live. Discover now