Chase

6 1 0
                                    

Marg

"Max, gusto mo ng kape? Ipagtitimpla kita?" Untag ko sa kaniya sa kabilang cubicle. Napansin kong kanina pa siya walang kibo. Nakatutok lamang siya sa screen ng kaniyang laptop.

"Yes please Marg.  Thank you." Sagot niya nang hindi man lang ako tinapunan ng sulyap.

I don't know what happened but I know she's going through something.

"Okay, here's your coffee Max." Inabot ko sa kaniya ang isang mug ng kape.

"Thank you Marg." Saka lang siya lumingon sa akin. Napatingin ako sa kaniyang mga matang nababalot ng lungkot. Agad naman siyang nagbaba ng tingin nang mapansing pinagmamasdan ko siya.

"Are you okay Max? May dinaramdam ka ba? Pwede ka namang mag-absent kung masama ang pakiramdam mo."

"Ahh no. Okay lang ako. Medyo masakit lang ang ulo ko but I'm fine. Huwag mo na lang akong isipin Marg. Okay lang talaga ako. Thank you sa kape." She forced a smile on her face.

"Sige. Sabi mo ah. Magsabi ka lang. I'm just a cubicle away." Then she smiled. This time it seemed genuine.

"Max, pinapaalala pala ni Madam Guidance Counselor yung materlist daw ng klase mo." Anunsiyo ng kapapasok lang na si Lae.

"Sige. Ihahatid ko na lang mamaya." Narinig kong sagot ni Max.

"Ako na Max. Ako na lang ang maghahatid." Prisinta ko tutal magsa-submit din naman ako ng report sa admin office. Idadaan ko na lang sa Guidance ang hinihingi kay Max.

Mula sa Guidance Office ay dumiretso ako sa Administration Office. Wala ang Secretary ng Principal sa kaniyang lugar kaya ipinatong ko na lang sa kaniyang mesa ang report na pinapa-submit. I was about to leave when something caught my attention.

Wala si Max sa kaniyang cubicle nung bumalik ako sa faculty.

"Kaaalis lang niya. Nasa caf ata Marg." Pagbibigay-alam ni Lae.

Bumaba ako sa groundfloor, sa cafeteria. Agad ko namang nahanap si Max. Nag-order muna ako ng pagkain dahil almost lunch na rin saka nakiupo sa tapat niya.

"Diet? Hindi ka ba kakain ng matinong lunch Max?" Puna ko sa pagkaing nasa kaniyang tray. Isang egg omelette sandwich at isang can ng fit 'n right.

"Takot akong tumaba. Saka healthy living tayo di ba?" She tried to joke.

"Naku tigilan mo ako sa linyang yan Max. Saka kailan pa naging healthy ang tinapay lang para sa main meal?"

"I had a heavy breakfast this morning. Kaya ok na kahit ito lang para sa lunch. Nagkape na rin naman ako kanina." She reasoned out.

"Seriously Max okay ka lang ba?" Sinubukan kong gawing seryoso ang ekspresyon ko. Seriously, nag-aalala ako para kay Max.

"Oo naman Marg." Tumawa siya.

"My gosh Max, you're scaring me. Umayos ka nga."

"Bakit? Mukha na ba akong sira Marg?"

"Hindi yun. I mean, ok lang namang maging hindi okay. Hindi mo kailangang mag-pretend na okay lang sa harap ko. Come on, kaibigan mo ako Max."

Tinapik niya pa ako sa balikat. "Alam mo Marg... gutom lang yan. Kaya kumain ka na. Don't worry too much about me. Okay lang talaga ako."

"Eh bakit magre-resign ka?" I finally decided to bring up what I have just discovered. Mukhang wala talaga siyang balak na ipaalam sa akin ang tungkol sa kaniyang resignation.

Curious ako sa kaniyang dahilan. Kahit hindi niya sinasabi sa akin, ramdam kong may pinagdadaanan siya.  Hindi ko lang naisip na ganun kabigat para mag-resign siya sa kaniyang trabaho.

Napasulyap siya sa akin.

"It's not what you think Marg."

"Then tell me. Swear, I'll not say a word.  Makikinig lang ako Max. Promise." I even raise my hand.

📖📖📖

Unang araw ngayon ng aming pormal na bakasyon mula sa sampung buwang pagtatrabaho.  Maaga akong nagising dahil may mahalaga akong pabor na gagawin.

"Hello! Oo, on the way na ako. I'll pick you up. Give me five minutes." Saka ko binaba ang cellphone at sinuot ang aking sneakers.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nakarating ako sa bahay niya.  Nakita ko si Max na nakaabang sa harap ng kanilang bahay.  Kasama niya ang kaniyang mga magulang at si Nay Senya.

"Hello po Nay Senya." Bungad ko sa butihing kasambahay nina Max. Tinulungan ko muna siyang ipasok sa kotse ang mga gamit ni Max.

"Good morning po Tito Max and Tita Amanda." Lumapit ako sa mag-asawa. Nagmano ako sa doctor samantalang nakipagbeso ako sa kaniyang asawa.

"Good morning Marg. Thank you for doing us a favor." Anang ginang.

"Naku, don't mention it Tita. Bakasyon naman po ngayon. Saka alam ninyo naman ako. Laging on the rescue dito sa bestfriend ko although ayaw ko po talaga siyang umalis." Biro ko sa ginang na ikinatawa naman niya.

"Salamat Marg. Ingat kayo." Sabi naman ni Tito Max.

"Walang anuman po Tito. So shall we go?" Baling ko kay Max.

Tumungo siya. Nagpaalam na rin siya sa kaniyang magulang at nagpasalamat kay Nay Senya.

"Sigurado ka na ba talaga dito sa desisyon mo Max?" I inquired her habang nasa biyahe kami. Dahil pag nagbago ang isip niya, pwede pa kaming bumalik.

"Ilang beses mo nang naitanong sa akin yan Marg.  But to answer your question, yes sigurado ako rito sa desisyon ko."

Tinapunan ko siya ng sulyap saka tinutok muli sa kalsada ang aking atensiyon. Napangiti ako. Wala na akong makitang bakas ng lungkot sa kaniyang mukha tulad ng huli naming pag-uusap.

"I broke up with Calvin." Pagtatapat niya sa akin noon.

"Ha? Bakit? Kailan pa? Paanong nangyari?"
Sunud-sunod kong tanong.

"Malaya tayong mahalin ang taong gustong mahalin ng ating puso. Pero may mga taong hindi natin pwedeng mahalin. Tulad ng mga taong hindi pa tapos magmahal ng iba." Makahulugan niyang turan sa tanong ko.

Noong una ay naging palaisipan yun sa akin.  Pero lately ay naintindihan ko na kung ano ang ibig niyang sabihin.

Alam kong may konting pinagdadaanan sila ni Calvin lately. Pero hindi ko na-imagine na mauuwi sila sa hiwalayan. I witnessed how Max cared for Calvin. Akala ko nga'y sa altar na hahantong ang relasyon nila. Kaya lang sadyang hindi talaga natin hawak ang mga mangyayari.

Ngayon ay aalis na naman siya. Pero tiniyak niya sa akin na this time hindi siya aalis para talikuran ang isang pangit na nakaraan.  Hindi siya aalis para takasan na naman ang sakit. Aalis siya para abutin din ang kaniyang pangarap. Matagal ko siyang hindi makikita.  Siyempre mami-miss ko si Max. Pero masaya pa rin ako para sa kaniya.

She's not just running away this time. She will be chasing her dream. Sounds better than to chase for love.

"Kaya mo bang mag-isa doon?"

"Oh come on Marg. I have survived two heartaches in a row. How can I not manage to survive living alone?  Besides, I'm finally chasing my dreams Marg. And in case you're missing the point, I am Maxine Agatha Aragon."

Ngitian niya ako. Ngiting abot hanggang sa kaniyang mga mata. I am truly happy for her.

"To Switzerland then!" I cheerfully declared. At pinaharurot ang sasakyan.

"Yeah! Oh Switzerland here I come!"

Lose You To Love MeWhere stories live. Discover now