Of Truths and Goodbyes

7 1 0
                                    

Maxine

I took an absence from work today. Masama ang pakiramdam ko kaninang umaga paggising ko. Hindi na rin naman ako nag-aalala dahil patapos na ang school year. Nagri-report na lang kami sa school to submit some documents.

I decided not to take any med. Ayoko ring nagiging dependent yung katawan ko sa gamot kapag nagkakasakit ako so nag-water therapy na lang ako instead at sinamahan ng sapat na pahinga. Yan din ang madalas na pini-prescribe sa akin ng mga magulang ko mula nung maliit pa ako na sinusunod ko hanggang ngayon.

Hindi naman din ganun kalala ang pakiramdam ko. Parang hangover lang. Pero this time hindi hangover sa alak kundi hangover sa sakit ng puso.

I just stayed in my bed the whole day. Sinubukan kong matulog pero hindi ako nakatulog. Sa tuwing ipinipikit ko ang aking mga mata, parang nagre-replay sa utak ko yung mga nangyari sa amin lately ni Cal.

I have been checking my phone since this morning, hoping for a message from him pero wala akong natanggap na kahit isang text sa kaniya. It has been three days pero hindi pa rin siya nagpaparamdam.

Sa maikling panahon, nagbago ang Calvin na nakilala kong warm and gentle.

Inayos ko na ang sarili ko bago bumaba sa kusina. Bigla akong nakaramdam ng gutom. Past 7 na rin pala ng gabi. Hindi ko namalayan ang paglipas ng oras.

"Nak, kumusta ang pakiramdam mo?" Ani Nay Senya.

"Okay na po ako Nay. Huwag po kayong mag-alala, bukas po ay makakapasok na ako. Salamat po sa pag-aalaga sa akin."

"Naku mabuti kung ganun. Sa palagay ko'y kailangan ninyong mag-usap para tuluyang gumaan yung pakiramdam mo." Nakangiti niyang sambit.

Naintindihan niya siguro yung pagtataka sa aking mukha.

"Ahh hindi ko ba nabangggit kanina sa'yo? Naku, tumatanda na talaga ako. O siya, labas ka na muna roon." Pagtataboy niya sa akin.

"Ho?"

"Kako yung boyfriend mo kanina pang naghihintay sa'yo. Pinapapasok ko nga eh ayaw namang pumasok. Dun na lang raw siya sa labas maghihintay. Kako masama ang pakiramdam mo at natutulog ka pa."

Bakas sa mukha ni Nay Senya ang pag-alala sa akin. Of course hindi ko siya sinabihan tungkol sa nangyari sa amin ni Calvin pero sa palagay ko'y alam niyang may pinagdadaanan kami ngayon. Sabi nga nila, papunta pa lang tayo, pauwi na sila. And I guess ganun ako ka-transparent sa nararamdaman ko lately.

It has been three days mula nung huling pagkikita namin ni Cal sa kaniyang bahay. Ito ang unang beses na may isa sa aming nag-reachout. And I'm glad somehow Calvin took the initiative.

"Sige po Nay, magpahinga na rin po kayo. Kakausapin ko muna si Cal."

Calvin was relieved when he saw me spring from the gate. Ganunpaman batid sa itsura niya ang pagkalito. Hindi niya alam kung anong gagawin pagkakita sa akin. Sinalubong niya ako pero nilampasan ko lamang siya. Dumiretso ako sa kaniyang kotse. Dali-dali niya akong pinagbuksan ng pinto. Pumasok ako at naupo sa shotgun seat.

Isang nakabibinging katahimikan ang sumunod nang makapasok na rin siya sa loob ng sasakyan.

"How are you?" Basag niya sa katahimikan.

Sinubukan niyang sipatin ang noo ko pero agad akong umiwas.

"Okay lang ako." I said coldly.

"Salamat at pinaunlakan mo ako. Sorry ngayon lang ako nagpakita. It took me some time to figure things out."

"I see. So you suddenly had the time to figure things out?" I mocked.

Aaminin kong masaya ako sa effort niyang kausapin ako ngayon. Masaya rin akong makita siya. But I cannot also ignore the fact that what happened still pains me a lot.

"Look, Babe about what happened last time, I'm so sorry. I didn't mean it. I just got carried away."

I know he means it. Ramdam ko ang sinseridad sa sinabi niya. Pero hanggang kailan siya magso-sorry sa tuwing nagagalit siya sa akin nang ganun?

"No. This isn't just about what happened recently. This is about us Cal."

"Okay, let's talk about us."

"Let's talk right here." Pigil ko sa balak niyang pagpapa-andar sa sasakyan.

Wala ako sa mood para pumunta pa sa ibang lugar para pag-usapan namin ang mga dapat pag -usapan. Wala rin akong balak magtagal. I just want to hear the truth. Siguro ay pagkatapos nun ay maaari ko na siyang pakawalan nang tuluyan.

"I'm sorry." Aniya.

"Let's break up." I said plainly without even a blink.

Alam kong pareho kaming nakatingin sa harapan. Napasulyap siya sa akin sa huling sinabi ko. I tried to meet his eyes. I was expecting to see pain. Disagreement. But unexpectedly, his expression was quite relaxed. I tried to feel my own emotions. Ang lakas ng pintig ng aking puso.

"Mahal kita Cal. Ipinakita at ipinadama ko iyon sa'yo sa lahat ng paraang alam ko at kaya ko. Sinuportahan kita sa pangarap mo. Inintindi kita hanggang dulo pero hindi ko pwedeng gawin yun habang buhay. Paano naman ako? Sino ang magmamahal sa akin?" Nararamdaman ko na ang pangingilid ng mainit na likido sa aking mata. But I tried to hold my tears back. Ayokong umiyak dahil sa oras na umiyak ako ay hindi ko masasabi sa kaniya ang lahat ng gusto kong sabihin.

He remained silent so I went on. Ang bigat ng nararamdaman ko kaya gusto kong ilabas na lahat ngayon.

"Mahal kita pero hindi ko pwedeng ipagpatuloy itong nararamdaman ko dahil yung taong mahal ko, naroon pa sa kaniyang nakaraan. Hindi pa tapos magmahal sa iba. So let's end this here."

"I'm so sorry." Aniya na ngayon ay bahagya nang lumamlam ang kaniyang ekspresyon.

"You don't have to. I guess I'm still gonna do this kahit hindi nangyari yung nangyari three days ago."

"No. I'm sorry kasi maybe tama ka eh. I'm not yet done with my past. I haven't totally moved on yet kaya hindi ko maibigay pabalik sa'yo yung pagmamahal na ibinibigay mo sa akin. I'm so sorry Max."

With my trembling hand, I pushed the door open and made my way off the car. Sa pagkakataong ito ay nag-uunahan na sa paglandas sa aking mukha ang aking mga luhang kanina ay pinipigilan ko pang bumagsak.

So this is the truth I was dying to hear. Gusto kong malaman pero at the same time takot din akong marinig mismo kay Calvin. Masakit. Sobrang sakit. Pero kailangan kong marinig kahit masakit para makalaya ako. So this is goodbye Cal.

Lose You To Love MeWhere stories live. Discover now