Passion

4 2 0
                                    

Maxine


Hinapit ako ni Calvin sa kaniyang katawan habang binabagtas namin ang mataong entrance ng isang bar. Maingay ang music na pinapatugtog sa loob na tiyak kong sinasabayan ng pag-indayog ng mga katawang tinamaan na ng ispiritu ng alak. Maingay ang paligid dahil sa hiyawan ng mga taong nagsasayawan sa dance floor at mga nag-uusap na sa unang tingin ay aakalain mong nag-aaway. Minsan nakakaumay ang ganitong paligid pero may mga pagkakataon din na hahanap-hanapin ng iyong sistema ang ganitong ingay.

It has been a while since nung huli kong punta sa bar. We used to hangout with Marg and the rest.  Pero simula nung magpakasal sina Cathy and Luke then nagkajowa si Marg, madalang na kaming magawi sa mga ganitong lugar. Naging busy na rin sa kanya-kanyang buhay. Na-busy na rin ako kay Calvin at sa trabaho. Kaya thankful akong dinala ako ni Calvin ngayon dito upang makapag-breathe din ng bagong hangin. 

Namiss ko na rin ang ganitong environment.  Namiss na rin siguro kami ng mga bars na pinupuntahan namin noon. Naisip kong itext sina Sandy at Brix.  Tiyak na tatakbo ang mga yun papunta rito pero hindi ko na lang din itinuloy nang maalala ang pinunta namin dito.

"Uy guys. Here comes our future Doctor." Malayo pa lang ay sinalubong na kami ng hiyawan ng mga kaibigan ni Calvin.

They are his high school buddies. May mini reunion sila ngayon and homecoming party rin para sa architect nilang classmate who just arrived from Australia.

Calvin tagged me along para na rin daw makilala ko naman ang kaniyang mga kaibigan. Kaya naman pala aside sa mga kasama niya sa review,  walang naipapakilalang mga kaibigan sa akin si Calvin. I mean yung parang kami nina Marg na madalas magkasama. Puro classmates niya lang from med school ang nakikilala ko. 

Malayo pala yung kanilang mga trabaho  and once in a blue moon lamang sila kung magkita. Ito pala yung itinawag sa kaniya noong isang araw habang nandon kami sa kaniyang bahay.

"Hey welcome home guys." Bati ni Calvin sa mga kaibigan. Nakipag-high five naman ang mga ito sa kaniya. Ganun talaga siguro bumati mga lalaki. Samantalang nagpaunlak naman siya ng isang matipid na "hi" sa mga kasama nilang nga babae. They are their girlfriends I bet.

"Bro ikaw na." Hindi pa man nakakaupo ay inabutan agad si Calvin ng isang baso ng alak na siya naman nitong tinanggap.

Ngumiwi siya pagkalagok sa likido. Inabutan naman agad siya ng lemon.

"Easy dude." Sabat ng isa sa kanila nang makita ang reaksiyon ni Calvin. "Paupuin ninyo muna si Calvin."

"Tama bro. Ipakilala mo muna sa amin ang magandang dilag na kasama mo ngayong gabi." Hirit naman ng isang lalaking may makapal na bigote. Sa palagay ko'y siya ang pinaka-tipsy sa kanilang lahat.  Mukha ring malakas uminom.

Napansin kong pasimple akong inirapan ng babaeng katabi nung lalaking may bigote. Hindi ko na lang pinansin dahil sinimulan na akong ipakilala ni Calvin.

"Everyone, my beautiful girlfriend here. Maxine Agatha Aragon." I love how he looks at me as he introduces me to his friends. 

"Hi Ms. Maxine. It's nice to finally meet the woman who has captured our Calvin's heart." Sabi uli ng lalaking may bigote. Tinapik pa nito sa balikat si Calvin.

Nagkatawanan naman ang iba.

Pinakilala naman ni Calvin isa-isa ang kaniyang mga kaibigan. There are actually six of them.  Sila na rin nagpakilala ng kanilang mga girlfriends. Para pala itong one-time meet and greet. I get to know them all at once. Ni hindi ko nga matandaan ang kanilang mga pangalan.


Lose You To Love MeWhere stories live. Discover now