Chapter 17 [Stolen my heart]

958 45 0
                                    

A PERFECT LOVESTORY

A/n: Turning 17 na ako just in a few days. This chapter was dedicated to myself. Haha! Birthday gift niyo na sakin ang pagvote ng chapter na ito. LOLS!

ELIZABETH.

Breathe in. Breathe out. Ilang oras nalang ang nalalabi. Magfafashion show na. Nakaupo ako, inaayusan ako ng nakaasign sakin na make up artist. Ang lakas ng tibok ng puso ko. Kinakabahan ako. First time ko kasi ang magmodel sa harap ng maraming tao.

"First time mo?" Tanong sakin nung lalaki na medyo bakla. Silahis ata ito. Nilalagyan niya ako ng foundation.

"Oo, kinakabahan nga ako eh."

"Limang beses kang rarampa. Just assume na walang nanunood na mga tao sayo. It's a self confidence. You don't have to be nervous."

"Kanina pa nga ako nagiinhale at exhale para mawala ang kaba ko. Sa nararamdaman ko ngayon parang gusto ko ng magback out."

"Experienced comes in first time. Tumayo ka at itaas mo ang dalawa mong kamay."

Tumayo nga ako at itinaas ang dalawa kong kamay. Nakikita ko ang sarili ko sa malaking salamin.

"I called this a high-power pose means you are seeking for self confidence."

Napakunot ang noo ko. Kakaiba naman ang turo ng baklang 'to.

"Pero wag kang rarampa na nakataas ang dalawang kamay. Bago ka rumampa, gawin mo yan o kung ayaw mong nakataas ang dalawang kamay, mameywang ka nalang. High-power pose din ang tawag dun."

"Thanks for that. Ngayon ko lang nalaman ang ganyang pose."

Umupo na ulit ako at minake up-an na niya ulit ako. If I raise my two hands, I'm seeking for self confidence.

"Kapag nangangalumbaba ka naman, lower-power pose yun means tinatamad ka parang nawawalan ka ng pag-asa kaya wag kang mangangalumbaba."

Ang daming alam ng baklang 'to. Makalipas ang ilang minuto, natapos na niya akong makeup-an, inisprayan niya ng konti ang buhok ko, ang style ng buhok ko ay kalahati lang ang nakaponytail tapos ang ibaba ay nakalugay na medyo curly. Napanood niyo ba 'yung Ilustrado? Parang ganun sa buhok ni Leonora ang buhok ko ngayon.

"Ang ganda mo Alyssa." Biglang sumulpot sa likod ko si Anylle. Ngumiti ako sa kanya sa pamamagitan ng salamin. Ngayon lang nalagyan ng kolorete ang mukha ko. Nakakapanibago. Ang ganda ko pala. Feeling ko hindi na invisible ang kagandahan ko. Nagpicture kami ni Anylle. Remembrance man lang. Siguro, nak50 shots kami.

"The show will be start in 2 minutes. Be ready guys." Sabi nung lalaki na pumasok sa kwarto kung saan andito lahat ang mga kasamaham kong modelo.

"Labas na ako. God bless Aly! Kaya mo yan! Papanoorin kita. Yung mga itinuro ko sayo, wag mong kalimutan."

"And the high-power pose." Dagdag pa nung bakla na nag-ayos sakin.

Breathe in. Breathe out. I CAN FEEL THE PRESSURE. IT'S GETTING CLOSER NOW.

Nakapila na ang mga modelo at pumila na rin ako. Naghigh-power pose muna ako, SEEKING FOR SELF CONFIDENCE.

Nagstart na ang tugtog na lalong ikinakaba ko. Hooh!

Playing All about that bass by Meghan Trainor

Yeah it's pretty clear, I ain't no size two

But I can shake it, shake it like I'm supposed to do

'Cause I got that boom boom that all the boys chase

All the right junk in all the right places

I see the magazines working that Photoshop

We know that shit ain't real

Come on now, make it stop

If you got beauty beauty just raise 'em up

'Cause every inch of you is perfect

From the bottom to the top

MUSIC CHANGE TO:

Stolen by Dashboard Confessional

We watch the season pull up it's own stakes

And catch the last weekend of the last week

Before the gold and the glimmer have been replaced

Another sun soaked seasons fades away

You have stolen my heart

You have stolen my heart.....

Lumabas na ang fashion designer na naglikha ng suot namin ngayon. Siya ay si Ms. Lirah Jo Torre. Filipino fashion designer siya at ang balita ko, sikat siya sa buong mundo. Sa kanya daw likha ang mga magagarang kasuotan ng mga princes and princesses, king and queen sa Britanya.

Makalipas ang dalawang oras, natapos na ang fashion show at pagkabalik ko nga sa dressing room ay agad akong kinongrats ni Sir, yung prof ko na todo akong nakiusap para bigyan ulit ako ng chance sa pagkuha ng quiz at 'yun nga, sabi niya uno na daw ako sa quiz and recitation, maganda daw ang pagmomodel ko, maganda daw ang posture ko sa pagdadala ng filipinana dress. At hindi magiging maganda ang kinalabasan ng pagmomodel ko kung hindi dahil kay Anylle.

Isinakbit ko na ang aking bagpack. Past eight o'clock na siguro. Madilim na kasi tapos ang dami ng stars sa langit. Sa gasoline station ako magdidiretso, abot pa ako sa time ko. Palabas na ako ng school gate nang biglang may kumalabit sakin.

"May nagpapabigay po."

Kinuha ko yung bulaklak na binibigay ng lalaki. Napatingin nalang ako sa mga bulaklak. Tatanungin ko pa sana yung lalaki kung kanino nanggaling yung bulaklak kaso nakaalis na siya. Napansin ko ang card na nakalagay sa bulaklak.

If Love is the answer, what is your question?

You have stolen my heart :)

Huh?

Binasa ko ulit yung nakasulat. If love is the answer, what is your question? You have stolen my heart. Stolen my heart?

-----------------------------------------------------------------------

Kayo? Kung tatanungin..

If Love is the answer, what is your question?

A Perfect Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon