Chapter 20 [Foggy Bridge]

1K 27 3
                                    

A PERFECT LOVESTORY

ELIZABETH.

"Yung lalaki. Sabi sakin I Like You daw." Kwento ko kay Anylle. Na ngayon ay nagtetext.

"Anong sagot mo?" Tanong niya.

"Nagtatakbo ako papalayo sa kanya. Kalokohan lang naman ang sinasabi nun."

"Baka naman may gusto talaga siya sayo. Ah, nga pala. Yung pinsan ko na si Zach. Bibisita dito sa pilipinas."

Yung katext ko na Zach?

"Ah." Yun nalang nasabi ko.

"So, asan na nga ba tayo? Ahm. Dapat sinabihan mo din na I like you." Sabi ni anylle sabay baba ng cellphone.

"Sinama lang naman niya ako sa pagtakbo dahil nga may humahabol sa kanya tapos I Like You agad?"

"What if he's your admirer for a long time then he had the chance to caught you. Kunwari may humahabol sa kanya e yun pala part ng pag amin niya sayo."

"Imposible."

Hindi naman taga rito ang pagmumukha ng lalaki na iyon. Atsaka, imposible namang magkaroon ako ng admirer.

"Do you dream impossible things?" She asked. Tumingin ako saglit sa kanya at tumango.

"Kahit impossible, pwede pa ring magkatotoo. Kapag nakita mo 'yung lalaki ituro mo sakin."

Tumango nalang ako. Tumayo na ako at pinagpagan ang aking uniform. Nakaupo kami sa ilalim ng puno.

"Una na ako sayo. May klase pa ako."

"See you later."

"Teka? Wala kang klase?" Tanong ko bago pa ako tuluyang umalis.

"Mamaya pa ang klase ko atsaka hinihintay ko si Martin."

"Ah. Okay."

Pumunta na ako sa room. At sakto ang pagdating ng professor ko.

"Guys, would you please keep your mouth shut. You're so noisy." Tumahimik naman ang kaklase ko pagkasabi ni ma'am nun.

Habang nagkaklase. Natotorete ang isip ko. Yung lalaki kagabi ay paikot-ikot sa utak ko. I remember what he said all too well. Baka naman naengkanto lang ako o kaya nagdadaydream lang ako, imagination o hallucination pero..totoo talaga siya ang kaso nga lang hindi ko matandaan ang mukha niya. Isang gabi pa nga lang nang kami'y pinagtagpo. Parang may tumulak, nanginginig ako. Natotorete nga ako.

Nagvibrate ang cellphone ko na ikinabasag ng aking pag-iisip.

Hey, What will you choose between The one you likes or The one who likes you?
~ZACH

Oh no. Lagi nalang akong pinagtatanungan nito. Ako ba ang answer, well opinion ko siguro ang tinatanong nito. Tinype ko na ang sagot ko sa tanong niya.

It's the same with The one who loves you or the one you loves. But for me, I'll choose The one I love.
~ELIZABETH

You'll hurt the one who loves you.
~ZACH

Yun na nga eh. Kaya nagkagawa ng kantang Pusong lito o Sana dalawa ang puso ko kasi hindi sila makapili sa dalawa.

Andiyan ang giving up, let go at sacrifice. Aanhin sila kung hindi mo kayang pumili.
~ELIZABETH

Natigil ako sa pagtetext ng biglang lakasan ni ma'am ang boses niya. Buti nalang nasend na yung text ko. Mamaya ko na titingnan ang reply niya.

Churvaekek.

Dismiss na ang 2 hours kong subject at agad kong tiningnan yung cellphone ko.

I want to meet you :)
~ZACH

Oh.My.God! Seryoso? Gusto daw niya akong makita. Teka? Di nga? Hindi ako namamali ng basa? Napahawak nalang ako sa aking cellphone na mahigpit at napasinghap ng malalim.

Wah! Kailangan kong sabihin ito kay Anylle. Ang pinsan nya gustong makita ako.

* * *

Hindi ko pa nababanggit ang meet you thing kay Anylle. Nung kasama ko kasi siya, kasama niya si Martin kaya ayun nakakahiyang sabihin. At ngayong pauwi na ako, kagagaling ko lang sa restaurant na pinagtatrabahuhan ko. Gabi na ako nakauwi dahil pinag overtime ako ng manager namin. Hindi na ako makatanggi tutal medyo malaki na ang sweldong binibigay nya sakin. Umupo muna ako sa duyan na nadaanan kong mini park. At ilang sandali sa pamamahinga ko, may bumunggo sakin. Maliit lang na bato kaya kahit binabato ako ay hindi naman masyadong masakit.

Madaling araw na. Siguro, One thirty o'clock palang ng umaga. Madalang pa ang nakikita kong mga tao, siguro'y papauwi pa rin lang sila galing trabaho. Tiningnan ko ang palibot ng park at wala naman akong nakikitang tao. Jusko! Baka naeengkanto na naman ako?! Kagaya nung isang gabi. Naengkanto ako nung makita ko ang lalaki. Hala! Baka kapre ang bumabato sakin tapos nagiging gwapo siya dahil may gusto siya sakin. Ew naman. Sa dinami dami ng magkakagusto sakin kapre pa.

Tumayo na ako at nagsimula ng maglakad papaalis sa park. Sa paglalakad ko feeling ko may sumusunod sakin. Ang nararamdaman ko ngayon ay 'yung ibinaba ka ng tricycle driver sa isang madilim na lugar, 'yung hindi ka nya kayang ihatid dahil malayo ang bahay mo at 'yun sa gitna ng paglalakad mo na mag isa ay may sumusunod sayong lalaki, hindi mo kilala at hindi mo alam ang maaari niyang gawin sayo. Yun ang nararamdaman ko ngayon at sa mabilis kong paglakad ay mabilis din ang paglakad nung stranger. My god!

"Elizabeth." Tinawag niya ang pangalan ko? Waah! May nagkakagusto sa aking kapre! Nagtatakbo ako ng sobrang bilis hanggang sa makarating ako sa bahay. At napatigil ako sandali dahil sa naririnig kong bulungan. Parang..sa may gilid ng bahay namin. Sinilip ko ito at nagulat ako sa nakita ko. Si hazel at vincent naguusap. At bago pa man magkiss sila ng tuluyan ay pinigilan ko na.

"Hoy! Kayong dalawa." Nagulat din sila sa bigla kong pagsasalita. Lumapit sakin si Vincent.

"Ah.eh. Ate. Magpapaliwanag ako. Pasok na tayo sa loob ng bahay. Mali ang iniisip mo." Sabi ni vincent habang pilit na tinutulak ako papasok ng bahay. Saglit pa siyang bumalik kay hazel, may binulong pa ata. At pagkapasok namin sa bahay..face to face..teeth to teeth..eye to eye kaming nagusap.

"Kapag kayo naging bagito at bagita. Naku, ewan lang sa'nyo. Magiging batang ama ka pa."

"Ate naman. Makapagsalita. Mali nga ang iniisip mo."

"So, sabihin mo sakin ang dahilan kung bakit andun kayong dalawa sa gilid ng bahay, nagbubulungan at madaling araw na. Nangiistorbo pa kayo ng mga tulog."

"Ano kasi. May usapan kasi kami ni Hazel. Maaga kaming gigising dahil pupunta kami sa foggy bridge. Gusto niyang pumunta dun kasama ako dahil gusto niyang makita kung paano maglaho ang mga hamog kapag sisikat na ang araw. Sabado naman na ngayon at wala kaming pasok kaya nakapagplano kami atsaka..ate kapag pinanood mo daw sa foggy bridge ang paglaho ng mga hamog kasama ang mahal mo. Magiging forever daw kayo."

"Walang forever. Kung ano-ano na naman pinaniniwalaan mo."

"Ang ampalaya mo. Inggit ka lang samin."

"Hindi ako inggit. Eh bakit kanina parang ikikiss mo na si Hazel."

"Baliw, inaayos ko lang ang jacket niya kasi malamig."

Kung sa bagay.

"Okay, Magpaalam ka sakin sa susunod kapag may plano ka." Sabi ko at tumayo na para kumuha ng kanin at kakain na ako, kumakalam na rin ang tiyan ko eh.

"Oo. So, pwede na akong umalis? Naghihintay na si Hazel."

"Layas na bago ko pa ipalunok sayo ang kaldero pero Vincent..aral muna kung ayaw mong maging batang ama."

"Ate naman..magboyfriend kana daw para hindi ako ang pagkainteresan mo. Sige, babye."

At lumayas na nga ang kapatid ko. Foggy bridge, bago sa pandinig ko yun ah. San kaya yun makikita? Hindi ko pa natanong kay Vincent, di bale nalang sa susunod ko nalang itatanong.

---------------------------------------------------------------------------------

Believe in forever. Believe in fairytale. Believe in happy ending.

A Perfect Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon