Chapter 7 [Zero and Game Over]

1.1K 29 0
                                    

A Perfect Lovestory
Chapter 7 [Zero and Game over]

Alyssa Point Of View

*BREATHLESS*

"ATE! ATE!" Napatigil ako sa paghuhugas ng kabundok na pinggan. Nasa restaurant ako. Waitress turned to Dish washer. Hindi ko daw nagagampanan ang pagiging waitress ko kaya nilipat ako ng manager ng restaurant na ito sa dish washer. Asar nga eh. Ginagampanan ko kaya ng maayos ang trabaho ko. Palibhasa kasi ang mga straw na katrabaho ko ang nakikita niya. Straw. Alam niyo na. SIPSIP. May bias kasi yung manager namin.

"Oh? Bakit, Vincent? Hingal na hingal ka?" Tanong ko habang pinupunasan ang aking pawis.

"Si tatay nasa kulungan."

"HA?"

"Tapos si Johnny, dinala namin sa hospital. Pagdating kasi niya galing school, suka siya ng suka."

"T-teka. Bakit daw nakulong si tatay?"

"Hindi ko alam Ate. Sinabi lang din sakin ng kapit-bahay natin." Pumunta ako sa boss namin at hiningi yung sweldo ko. Hindi ko na tinapos ang hugasan ko. Pinagalitan pa nga ako eh pero pinabayaan ko nalang. Sumama na ako kay Vincent papuntang hospital.

"Anong nangyari kay Johnny?" Tanong ko pagkarating namin sa hospital. Yung kapatid ko lang ang nagbabantay sa kanya. Yung lola ko sa nanay ko naman nagbabantay. Andito na rin si nanay sa hospital. Inaalagaan na rin siya ng mga doctor.

"Na infection ang tiyan ni Johnny dahil sa kinain niya kaninang recess. May poison ang tinapay. Pinaconfine na namin si Johnny dahil kung hindi, unti-unti siyang papatayin ng lason." Sagot ni vhea. Napaupo nalang ako sa tabi ng kama na pinaghihigaan ni Johnny at napasabunot sa aking buhok.

May pera ako pero kulang sa pambayad sa pagpapaconfine sa kapatid ko. "Dito lang kayo. Bantayan niyo muna si Johnny." Sabi ko at umalis na at pumunta naman ako sa kwarto kung nasaan si nanay.

"O Alyssa? Bakit ka umiiyak?" Tanong agad sakin ni lola pagkapasok ko ng kwarto. Inilakad ni Lola ang mga papeles ni nanay para mabigyan siya ng libreng Financial ng government. At ngayon government na ang nagbabayad ng hospital bills ni nanay subalit ang gamot na iniinom niya ay kami ang bumibili at ang pambili namin ng gamot ay ang perang binibigay ni tatay.

"Si Johnny kasi andito rin sa hospital. Nalason tapos si tatay nasa kulungan daw." Sagot ko sabay yakap kay lola.

"Ito lang ang masasabi ko sayo Alyssa. Wag kang susuko agad sa problemang dumarating sayo. Ibinigay yan dahil matibay kang tao.." sabi ni lola habang hinihipo ang likod ko.

"Matagal na akong sumuko lola pero dahil sa mga kapatid ko, nagpakatibay ako. Mahal ko sila eh." Sabi ko at kumalas na sa pagkakayakap sa kanya sabay punas ng aking luha.

"Kapag mahina ka, talo ka at kung matibay ka, hindi ka lang panalo kundi natupad mo na rin ang pangarap mo. Ipinakita mong matibay ka dahil may pangarap ka. Mahina ang mga taong walang pangarap sa buhay. Hindi nila kayang magtiis o magtimpi. Hindi sila matiyaga. Hindi nila kayang tagalan ang kahirapan kaya sila natatalo. Patibayan lang naman yan eh. Ikaw, alam kong matatag ka dahil hindi ka sumusuko." Sabi ni lola. Malapit na akong sumuko lola. Konting-konti nalang. Ang 100 percent na katibayan sa aking kalooban ay malapit ng mag ZERO. Malapit na akong mag GAME OVER. Napasinghot nalang ako ng sipon.

"Salamat po sa pag-aalaga kay nanay. Napakalaking utang na loob ko sayo lola natividad."

"Walang anuman. Parang tunay ko na kayong apo kaya wag ka ng magpasalamat." Napangiti ako sa sinabi ni lola.

She's 65 years old. At unti-unti ng pumuputi ang kanyang buhok. Since i was 10. Siya na ang itinuring ko bilang isang tunay na lola. Wala siyang asawa. Matandang dalaga yan. Sabi niya sakin dati, nung dalaga pa siya, may nanliligaw sa kanyang sundalo. Sinagot niya daw ito but it came to the point na nagkasakit ang ama niya. Kailangan niyang iwan ang kanyang boyfriend dahil ayaw din naman ng kanyang ama dun sa sundalo dahil iiwan din naman daw siya nito. Kapag sundalo may taning na ang buhay i mean, yung isang paa niya nasa hukay. Kaya kung sila ang magkakatuluyan ng sundalo. Maghihirap lang siya pero mahal ni Lola Natividad yung sundalo, napilitan lang siyang hiwalayan ito and then umalis yung sundalo at isang araw nabalitaan ni lola na namatay ang mahal niya sa gera at simula nun. Hindi na siya nagmahal. Ayaw na niya muling magmahal kasi masakit daw. Kapit-bahay namin si Lola Natividad. May ampon siya na babae at kasing edad lang ito ni vincent.

Sa Police Station muna ako nagpunta at andito nga si tatay.

"Isa siyang drug pusher. At sinampahan namin siya ng kaso na Illegal possession and fire arm protection. 2 weeks siyang makukulong at 50,000 ang piyansa." Sabi ng police sakin.

[A/n: walang katotohanan ang pinagsasabi ko diyan hah. Hindi ako sure kung yun dapat ang kaso ng isang drug pusher.]

"May death penalty po ba ang drug pusher?" Tanong ko at umiling yung police, buti naman. Democracy kaya tayo. Kaya nga naganap ang People Power para mawala na ang Martial Law pero sa tingin ko, sa ngayon, dapat may death penalty na lalo na sa mga rapist at mga murderer. Para naman magtanda ang mga may kasalanan. Yang magnanakaw dapat pinuputol ang kamay para hindi na muli makapang biktima but I know in the end. Ang pumatay ay kasalanan. Bahala na si God magjudge sa kanila.

Sa iniisip ko parang pinupush ko pa na makasalanan si tatay. Huminga ako ng malalim. Lumapit ako sa selda kung nasaan si tatay. Hindi siya makatingin ng diretso sakin.

"Tay." Mahina kong sabi. Hindi pa rin siya tumitingin sakin.

"Tay."

"Alyssa. Wag ka ng mag-abala na piyansahan ako. Mas okay ng ganito tutal hindi naman ako nakakatulong sa pamilya natin."

Masakit ang lalamunan ko dahil sa pagpipigil ko ng luha.

"Ama ko pa rin kayo. Tay kahit na Zero at Game over na ako, tatayo pa rin ako para lumaban at tay, gusto ko kasama kita sa laban na 'yun."

"Alyssa."

"Tay, hindi ko sinusumbat sayo ang ginawa mo pero alam nyo naman dibang may sakit si nanay? Bakit niyo ginawa ito?"

"Anak."

"Nangako ka sakin, samin ng mga kapatid ko."

"Pasensiya."

Pinunasan ko ang luha ko na tumulo sa aking mga mata. Tumalikod na ako sa kanya at tuluyan ng umalis ng police station.

Ipagpatuloy ang buhay. Tama! Walang susuko anuman ang mangyari. Wala pero kung sumuko ako. Doon na kaya magtatapos ang storya ko?

-------------------------------------------------------------------------------------

Walang mangyayari sa buhay kung iiyak lang.

A Perfect Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon