Chapter 22 [Zach Calling]

968 20 3
                                    

A PERFECT LOVESTORY

[LRAS NOTE: Taglish po ang language at mga readers, kung meron man, sana naiintindihan nyo ang story ko :) yun lang! ]

ELIZABETH.

Sabado. Walang pasok at magkakasabay kaming kumakain ng tanghalian ng mga kapatid ko. Ang ulam ay talong na pinirito na sawsawan ay toyo na may kamatis na may calamansi at pulang itlog. XD ganyan ang kinain namin sa boodle [tama ba spelling?] fight nung anniversary ng school namin.

"Kung sino ang mahuling kumain. Siya ang maghuhugas ng pinggan." --Vincent

Patapos nang kumain ang mga kapatid ko samantalang ako nasa kalahati palang ang nakakakain. Sa himoy kong kumain atsaka ninanamnam ko ang bawat kong pagsubo kaya halata namang ako ang huling matatapos sa pagkain eh.

"Ang unang matapos kumain..sasayawin ang sayaw ng pato." Sabi ko. At hindi natakot ang mga kapatid ko sa aking sinabi. Binilisan pa nila ang pagkain. Ang dali naman yata ng dare ko.

"Ibibili pala ako ng naph---"

"Walang bawian." Sabi naman ni Vhea. Si vincent ang unang natapos at sunod-sunod na silang natapos. Ako nalang ang naiwan. Madadaya.

-_-!

Naghugas na ako ng pinggan. At sa paghuhugas ko ng pinggan..may tumawag ng hindi ko inaasahan.

*cellphone ringtone playing*

I said, "oh my, what a marvelous tune"

It was the best night, never would forget how we moved.

The whole place was dressed to the nines,

And we were dancing, dancing

Like were made of starlight....

Zach calling..

OH.MY.GOD! T-teka? Anong gagawin ko? Sasagutin ko ba? Ano? Waah! Anylle, sasagutin ko ba? Hindi ako mapakali..pauli-uli ako ng lakad. Kinakabahan at hindi alam ang gagawin.

Ano ba Elizabeth! Tumatawag lang naman eh! Baka may itatanong lang sayo.. I told to myself and took a heavy breathe. Nanginginig ang kamay ko. Shet naman oh! Ipepress ko na sana ang answer botton nang maglaho na ang tawag. Hay! Salamat naman.

Pero maya-maya...tumawag na ulit. Hooh! Okay. Relax. Relax. Eto na. Sasagutin ko na. Gulp.

"Hello?"

"Hello, Aly. Si Anylle 'to. Nakigamit lang ako ng cellphone kay zach. Nagtaka nga ako, may number ka niya dito."

"Ahh. Magkatext kasi kaming dalawa."

"Good to hear that. Mamaya, ipapakilala ko siya sayo sa party. Yung susuotin mo, andiyan na sa tapat ng pintuan ng bahay mo. Wala ka ng poproblemahin, full package na 'yan. Mamaya lang pati darating na ang mag-aayos sayo."

Habang nagsasalita si Anylle. Kinuha ko yung invitation. Ngayon na pala ang party, eight o'clock ang simula. Hindi ko alam na ngayon na pala ito. Napakunot ang noo dahil dun sa address na nakalagay.

"Far far away land? Saang lugar ito? Paano makakapunta dito?"

"May susundo sayo. Ako ang fairy godmother mo diba? Gagawa ako ng kalabasang sasakyan katulad nang kay cinderella."

Natawa lang ako sa sinabi niya.

"Salamat Anylle." Sabi ko.

"Wala 'yun. Ano ka ba."

A Perfect Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon