Chapter 50 [The Last Kiss and Goodbye]

990 22 7
                                    

Final chapter

A Perfect Love Story

ELIZABETH

Inalalayan niya akong tumayo. Hawak niya ang magkabila kong braso subalit hindi ko siya tinitingnan, nakatungo lang ako. Hinalikan niya ang noo ko atsaka niyakap ng mahigpit.

"Elizabeth, how can I get your smile back?"

I don't know. You hurt me so much Zach.

I heard him sighed.

"Okay, kumain muna tayo bago tayo mamasyal." Dagdag pa niya. Hinawakan niya ang kamay ko at lumabas kami ng hotel. Nagpunta sa isang italian restaurant at kumain.

Bakit ba ginagawa pa namin ito? Wala na kaming rason para magsama pa.

"Pagkatapos nito..babalik na ako sa Pilipinas." Wika ko.

Tumingin siya sakin.

"Hindi na natin kailangan pang magsama. Wala ng rason. Wala naman na diba ang forever. Let's just separate, Prince Zach. Thank you for being a part of my life." Dagdag ko at tumayo na mula sa pagkakaupo. Lalakad na sana ako pero pinigilan niya ako.

"I love you."

Huminga ako ng sobrang lalim. Paano niya nasasabi ang mga salitang 'yan, ikakasal na siya. I wiped my tears.

Masakit. Ang sakit.

"Nagpunta ka dito dahil nakikipagbalikan ka. Hindi pa tayo break, Elizabeth. Hindi mo ako pwedeng iwan." Sabi niya. Inalis ko ang pagkakahawak niya sa kamay ko at humarap sa kanya.

Mas lalo mo lang akong pinahihirapan.

"Break na tayo." Sabi ko atsaka tumalikod sa kanya at naglakad patungo sa hotel.

"Ang gulo, Elizabeth. Hindi kita maintindihan." Sabi niya habang sinusundan ako sa paglalakad. Tumigil ako at muling humarap sa kanya.

"Bakit hindi mo ako maintindihan? Ikaw ang hindi ko maintindihan. Tanggapin mo nalang kasi ang pakikipagbreak ko para hindi na tayo mahirapan. Zach, ikakasal kana kaya tanggapin mo na." Umiiyak kong sagot.

"Ayoko."

Gusto niya pa bang lumuhod muli ako sa harap niya?

"We will not break unless I said it." Dagdag niya at hinawakan ang kamay ko at dinala ako kung saan.

Dinala niya ako sa magandang tanawin na sinasabi niya tapos kung saan-saan pa kami nagpuntang tindahan. Sinuotan pa nga niya ako ng sumbrero tapos pinicturan niya ako kaso hindi ako nakatawa dun. Sinuotan niya din ako ng kwintas na dream catcher. Meron din siya. Parehas kami ng kulay.

Kailangan ko bang maging masaya dahil kasama ko siya?

Marami pa kaming pinuntahan at almost seven o'clock in the evening na kami nakabalik sa hotel. Nasa bathroom siya ngayon, nagshashower. Katatapos ko lang.

Dito siya matutulog? Hindi siya uuwi sa palace?

Huminga muli ako ng malalim. Pinatutuyo ko ang aking buhok. Nagulat ako nang mapatingin ako sa kanya. Topless. Inalis ko agad ang aking tingin sa kanya. Umupo siya sa tabi ko.

"Magdamit ka na nga." Sabi ko.

"Sorry." Sagot niya at agad na nagsuot ng t-shirt na kulay blue.

Favorite color niya ay blue. He told me that.

"Hindi ka uuwi?" Tanong ko. Maayos na akong nakakatingin sa kanya.

"I'll stay here..with you." Sagot niya atsaka tumayo at nagpunta sa living room. Lumabas din ako. Nilagyan niya ng champagne ang wine glass na nasa lamesa atsaka nagtungo sa balcony dala ang inumin.

A Perfect Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon