Chapter 37 [Heart]

960 24 0
                                    

A Perfect Lovestory

ELIZABETH

"Good Morning :)" bati ko sa aking katrabaho.

"Good morning. Tagal mong nawala ah. Akala namin nagpasa kana ng resignation letter kay sir." Sagot ni Rowena.

"Hindi ko gagawin yun noh! Kailangan ko pa ng trabaho." Sagot ko atsaka pumuntang counter.

"Andiyan ba si sir?" Tanong ko.

"Wala. May meeting yata." Sagot niya kaya nakahinga na ako ng maluwag. Buti naman. Kapag nalaman niyang andito ako..naku alam na ang mangyayari.

"Bakit mo tinatanong?"

Medyo lumapit ako sa kanya at bumulong.

"Gusto kasi akong idate ni sir e sabi ko sayo nalang siya makipagdate."

Napakunot naman ang noo niya.

"Sakin? Bakit sakin?"

"Kasi..alam kong may gusto ka kay sir. Kahit hindi mo naman aminin. Halata kaya sa patingin-tingin mo. Kahit nung waitress pa ako. Napansin ko na 'yun." Sagot ko atsaka hinigit ako sa pinakang dulo ng counter. Hinawakan niya ang kamay ko at kita sa kanyang mukha ang pamumula ng kanyang pisngi.

"Please..wag mong sasabihin kay sir o sa katrabaho natin. Nakakahiya. Ano nalang sasabihin nila. Ang landi-landi ko."

"Ano ka ba, rowena. Ano naman kung magkagusto ka kay sir? Problema ba yun? Ang mahalaga totoo 'yang nararamdaman mo."

"HOY! ANO BA! MAGTSITSISMISAN NALANG KAYO DIYAN?!" Sabay kaming napatingin sa costumer na sumigaw. Ang haba na ng pila.

"Wag kang mag-alala sa sasabihin ng iba. Tao ka lang naman..may damdamin kaya..wala namang problema kung magkagusto ka kay sir. Wala ka namang ginawang masama. Hindi mo naman siguro kasalanan kung bakit ka nagkagusto sa kanya diba? Mahirap pigilan ang damdamin. Mas mabuti nga kung umamin ka kay sir." Sabi ko bago magtungo sa cashier.

Sa gitna ng ginagawa namin ni Rowena. Napatingin ako sa pinto kung saan pumasok si sir kaya napatingin kami sa isa't-isa ni Rowena. At nang makita ako ni sir..agad siyang napangiti at nagtungo sa kinalalagyan ko.

"Ano? Tuloy na ba tayo?" Wala na akong gagawing palusot.

"Eh.."

"Sa office tayo mag-usap. Halika." Sagot ni sir at lumakad na papunta sa kanyang opisina.

"Uy, ikaw nalang pumunta dun, Rowena. Aminin mo na kay sir 'yang nararamdaman mo." Sabi ko pero umiling-iling siya kaya napasabunot ako sa buhok.

"Ayokong pumuntang opisina niya..mangungulit 'yun. Rowena, ikaw nalang pumunta. Baka kapag umamin ka, ikaw nalang ang gawing date nun. Sige ka, sayang ang pagkakataon."

"Alyssa, ayoko. Nahihiya ako."

"Wala kang mapapala kung mahihiya ka."

Huminga siya ng malalim.

"Sige, pupunta na ako dun at aamin ng nararamdaman."

Napangiti naman ako sa sinabi niya.

"Okay, Fighting Rowena, Fighting!" Ngumiti lang siya sakin at halata ang nerbyos na nararamdaman niya.

Ilang sandali lang ang nakalipas..

"Anong nangyari?" Tanong ko.

"Wala daw siyang nararamdaman para sakin. Yun lang ang sinabi niya matapos kong sabihin na gusto ko siya atsaka nagdiretsong pumunta sa kanyang bathroom."

Lumapit ako sa kanya at siya ay niyakap habang hinahaplos ko ang kanyang likod. Naiintindihan ko siya..ang mareject ng isang tao. Alam ko ang pakiramdam na 'yan dahil once nareject na din ako. Yun bang malaman mo ang sagot niya sa likod ng iyong pag-amin, parang gusto mo ng makain ng lupa. Yun bang wag ka nalang magpakita dahil sa kahihiyan pero atleast..nasabi mo ang iyong nararamdaman and there's still a chance na one day, mamahalin ka din niya at kapag nangyari 'yun hindi mo pagsisisihan ang pag-amin mo.

A Perfect Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon