Chapter 14 [Speak Now]

943 32 5
                                    

A PERFECT LOVESTORY

"Maraming salamat po!"

Walang katumbas ang sayang nararamdaman namin ngayon. May puso naman pala ang mga pulis. Inuna nilang imbestigahan ang kaso ni tatay at napatunayan nilang wala itong kasalanan. Ang saya lang ng nararamdaman ko dahil nauunawaan nila ang kalagayan namin.

"Magpakabait kayo mga bata!" Sabi ng chief of police at nagbabye kami sa kanya.

Nakalabas na kami sa police station kasama namin ang aming ama. Didiretso na kami sa hospital.

"Ang swerte-swerte ko sa aking mga anak. Hindi ko na kayo pababayaan. Pangako."

Sumimangot ako kay tatay.

"Wag ka ng mangako Tay. Promises are meant to be broken. Ayaw kong mangako ka samin, gusto ko gawin mo."

"Oo nga Tay." Sang-ayon ng mga kapatid ko sa aking sinabi.

Nakarating na kami sa hospital at nasa kwarto na kami ni nanay. Kumpleto ang aming pamilya. Nakangiti samin si nanay.

"Kumpleto na rin tayo. Pwede na akong matulog."

Yung mga kapatid ko, humihikbi na pati na rin ako.

"Matutulog na ako mga anak. Masaya na akong makita kayo at ang ama niyo."

"Sherley, mahal kita."

Bigla akong humagulgol ng iyak nang sinabi ni tatay ang mga salitang 'yun.

"Mahal din kita zardo. Hihintayin kita." Sagot ni nanay.

"Nay." Niyakap naming lahat si nanay. Kita ko sa mga mata niya na gusto na niyang matulog. Gusto na niyang ipikit ang kanyang mga mata at hindi na niya muli itong imumulat. Hindi ko kayang makita siyang ganito.

Naninikip ang dibdib ko. Ayaw ko siyang pakawalan.

"Alagaan mo ang kapatid mo. Ang bilin ko sayo, wag..mong kalimutan. Mahal ko ikaw at ang mga kapatid mo. Magpapahinga na ako Aly.."

"NAY!!"

Parang gripo ang mga mata ko. Walang tigil sa pagtulo ang luha. Ang sakit ng nararamdaman ko. Bigla nalang siyang mawawala kung kelan okay na. Ang bigat sa pakiramdam na wala kang magawa bilang isang anak para sa iyong ina na nahihirapan. Hindi ko pa nasasabi sa kanyang Mahal kita nanay. Hindi ko pa nasasabi ang mga salitang 'yun kahit na ramdam niya ang pagmamahal ng binibigay ko sa kanya. Hindi ko pa nasasabi ang dapat kong sabihin sayo Nay.

Dapat pala kapag kasama mo ang isang taong napakahalaga sayo, you should SPEAK NOW, wag na dapat palipasin pa ang mga oras dahil nasa huli ang pagsisisi. Dapat nasabi mo ang dapat mong sabihin pero huli na, wala na. Kung kasama mo ang mga magulang mo ngayon, nasabi mo na bang mahal kita? Naparamdam mo ba sa kanya ang pagmamahal mo? Nasuklian mo na ba ang pagmamahal nila sayo? Sabihin mo na ang dapat mong sabihin bago mahuli ang lahat. Speak now. Say it now. Wag kayong matulad sakin, hindi ko nasabi sa ina ko na mahal ko siya at sobrang napakasakit para sakin ang hindi masabi ang salitang mahal kita nanay. Hindi na niya maririnig ang mga salitang iyon.

Nakayakap pa rin kami sa katawan ng aming ina samantalang si Tatay ay nakatingin lang samin, umiiyak din.

Lumapit si Johnny kay tatay at dito yumakap. Kinarga siya ni tatay at pinunasan ang luha. Patuloy pa rin sa pag-iyak ang mga kapatid ko.

-------------------------------------------------------------------------------------

Speak now. Not later nor tomorrow but today. Iniwan mo ang salitang dapat mong sasabihin kaya ikaw ngayon ang nasasaktan.

A Perfect Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon