Chapter 27 [You're Taking Me]

864 23 0
                                    


Elizabeth POV

Sa tatlong araw na pagtulong namin sa mga taong nasalanta ng bagyo naging maayos pa rin ang kalagayan namin. Humihinga pa rin naman kami kahit sobrang pagod na pero sa simpleng ngiti nila parang balewala pa rin samin ang pagod na aming nararamdaman.

Ang saya nga ng pakiramdam ko. Ang saya kasing tumulong yun bang kahit maliit na bagay lang parang yung puso mo punong-puno na ng kasiyahan.

8:30 na ng gabi. Nasa tent kami at inaayos ang mga gamit namin dahil bukas na umaga ay uuwi na kami. Napatigil naman ako sa pagtutupi ng damit nang biglang tumabi sakin si Mikka Cyrell na kaklase ko, siniko niya ang braso ko.

"Makasiko hah.."

"hehe. May itatanong lang ako sayo. May secret affair ba kayo ni Prince Zach?"

Hindi ko alam kung babatukan ko ba itong si Mikka dahil sa kalokohang sinasabi niya.

"Full moon ba ngayon? Kung ano-ano na naman pinagsasasabi mo." Sagot ko

"Che! Napansin ko lang kasi..sa dalawang araw na nagdaan tingin siya ng tingin sayo."

"WALA! Wala kaming secret affair..ngayon nga lang kami nagkita tapos affair agad? Ibang klase ka din ano?"

"eto naman..tinatanong lang. Kung wala e wala, tapos." Sagot niya atsaka bumalik na sa kanyang ginagawa at ako naman na magtutupi na muli sana ng damit nang bigla akong tawagin ng prof ko.

"Pinapatawag ka ng prinsipe.." sabi ng prof ko

"Bakit daw po?" Tanong ko pero nagkibit balikat lang siya. Tumayo na ako at bago lumabas ng tent ay napatingin ako kay Mikka na nag thumbs up sakin. Hindi ko nalang siya pinansin.

I cleared my throat before I enter through his royal tent. Pumasok na ako at naabutan ko siyang nakatayo malapit sa bintana ng tent niya habang nakacross arms sa kanyang dibdib. Nakuha ko naman ang atensyon niya kaya napatingin siya sakin.

Ngumiti siya sakin dahilan para mapatungo ako. Nakakapang init ng pisngi, jusko naman!

"Maupo ka." Sabi niya at umupo naman ako sa upuang ibinigay niya sakin. Bale, magkatapat kami at ang nasa gitna namin ay ang maliit na bilog na lamesa.

"I just want to say my sincere fullest gratitude for helping me on this past days. Without you and your group, maybe I could not do this."

"Okay lang po yun. Public servant po kami so, maliit na bagay lang po ito."

Natawa naman ang prinsipe sa sinabi ko.

"Gave my sincerest gratitude to them."

"Opo." Sagot ko atsaka tumayo na.

"Wait." Napatingin ako sa kanya.

"Do you remember me?" Tanong  niya kaya napakunot ang noo ko.

"Uhh..nothing." sabi niya.

Lumabas na ako sa tent niya at napatigil ako saglit sa may pintuan.

Do you remember me?

Nakakapagtaka naman. Nagkita na ba kami? Bakit ganun ang tanong  niya? Kilala niya ba ako? Parang Impossible naman..sa itsura kong ito kilala niya ako? Tss! Itusok mo sa buwan.

Lalakad na sana ako ng biglang may humawak na mainit na kamay sa braso ko kaya napatingin ako sa kanya.

"Teka, elizabeth.. pwede mo ba akong samahan?"

His request is my direction kaya hindi ako makakatanggi sa maharlikang katulad niya.

May hawak-hawak siyang di kalakihang box na nababalutan ng tela. Sinusundan ko lang siya sa paglalakad..buti nga wala yung mga bantay niya. Teka? E bakit nga ba sakin siya nagpasama e ang dami naman niyang alalay diyan? Siguro nagsasawa na siya sa mga mukha ng tagabantay niya.

Tumigil kami sa tapat ng pintuan ng evacuation center kung saan may naka upong bata habang yakap-yakap ang tuhod niya. Umiiyak siya kaya napatingala ako. Naaawa ako sa bata. Siguro, hinihintay niya ang kanyang mga magulang, mga kamag-anak o kapatid.

Umupo sa harap ng bata ang prinsipe. Ako naman ay nanatiling nakatayo habang tinitingnan silang dalawa na nag-uusap. Hindi ko alam kung ano ang ikinuwento niya sa bata dahil napangiti niya ito.

Matapos ang pag-uusap nilang dalawa ay pumasok na ang bata sa loob ng evacuation center. Lumapit naman siya sakin at ngumiti sabay inilagay ang kamay sa kanyang pants.

"Nilalamig ka ba?" Tanong niya kaya napatingin ako

"Hindi." Sagot ko

"Your face looks cold."

Hinawakan ko ang pisngi ko. Malamig nga siya pero hindi naman siguro ako maputla.

Nakikita kong papalapit siya sakin at nabigla ako dahil sa paghawak niya sa magkabila kong pisngi. Tumagal ito sa mahabang minuto, ang malamig ko na pisngi ay nag-init dahil sa kanyang palad na nakadampi dito.

"You're taking me.." he speaks quietly in my ear.

Bumitaw na siya sa pagkakahawak sa pisngi ko at iniwan akong..nakatulala. Natauhan lang ako nang may bumangga sakin.. hinabol ko siya at tinanong..

"Ano nga ulit ang pangalan mo?"

"Prince Zach..Dayco.." sagot niya

-----------------------------------------------------------------------------------

The day you said goodnight

A Perfect Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon