Chapter 31 [Nice to meet you..again]

946 24 0
                                    

A Perfect Lovestory

Elizabeth POV

Napatigil ako sa paglalakad nang hawakan ako ni Sir Jerod sa braso. Ang manager ng restaurant na pinagtatrabahuhan ko.

"Ah..s-sir, ikaw pala! Ano pong ginagawa niyo dito?" Tanong ko

"Sinusundo ka..diba may usapan tayo? Magdadate tayo pagkauwi mo galing sa tacloban." Nakahawak pa rin siya sa braso ko at hihigitin na niya sana ako nang pigilan ko siya.

"Teka, sir! Wala akong natatandaan na magdadate tayo..atsaka..ah..hindi po ako pwede ngayon kasi..ano.."

"Kasi ano?"

"Kasi..may pupuntahan po ako e. Importante. Kailangan ko lang po siyang makausap. Hindi ko po pwedeng ipagpaliban ang pag-uusap namin kasi hectic ang schedule niya kaya next time nalang po sir..s-sige po, magsisix-thirty na. Malalate na ako."

"Next time hah! Pangako mo yan!"

"I won't promise it but I'll try!" Sagot ko atsaka dali-daling umalis sa harap ni sir.

Kung hindi ko lang talaga kailangan ng trabaho. Matagal na akong nakapagpasa ng resignation letter sa kanya. Tsk! Bakit kasi ako pa ang napagdiskitahan nila? Hay! Sa tuwing sumisingit si sir..napapasubong ako na makipagkita. Nung papunta akong tacloban, ganito din ang nangyari. Hindi naman talaga ako pupunta dun eh kung hindi dahil sa kanya at ngayon naman na wala akong balak na makipagkita ay napasubo ako ulit.

May balak talaga akong indiyanin ang prinsipe kaso nga eto ang nangyari..mukhang tinutulak nga ako papunta sa kanya.

"Take me as you are

Push me off the road

The sadness

I need this time to be with you

I'm freezing in the sun.."

Kinuha ko ang aking cellphone at tiningnan kung sino ang tumatawag. Agad ko naman itong sinagot nang makita ko ang pangalan ni Anylle..

[Anylle..salamat naman at napatawag ka. Kamusta?] Sabi ko subalit wala akong narinig na sagot kundi iyak lang.

[Anylle..okay ka lang ba?]

[I'm not okay, Aly. Pwede ka bang pumunta dito?]

[Nasaan ka ba?]

[Bar.]

[Err..?]

[I need to talk with..please, be here Aly.]

[O-okay. Hintayin mo ako diyan.] Sagot ko. Naglakad lang ako papunta sa bar na sinasabi niya tutal malapit lang din naman 'yun.

Ilang minuto lang ay nakarating na ako at naabutan ko siyang nasa counter. Nakaupo doon habang umiinom ng alak at nakikita ko din na umiiyak siya.

Kokonti lang ang taong andito at buti naman hindi mausok at maingay.

Umupo ako sa tabi niya na ikinakuha ko ng atensyon.

"Did you know why I'm crying? Ha, because of that martin."

"Bakit? Nagbreak na kayo?" Tanong ko.

"Hindi. Sabi niya sakin hindi niya daw ako kayang mahalin kasi mahal pa rin niya ang kanyang ex niya."

"ano? Loko pala siya e. Bakit ka niya liligawan kung hindi ka rin naman niya kayang mahalin?"

"Panakip-butas lang daw ako.." dagdag pa ni Anylle na lalo niyang ikinaiyak

"At bakit? Sa tingin niya ba babalik ang kanyang ex sa kanya na nabuntis ng kapatid niya? Tsk. Better break his heart para hindi kana masaktan."

"No. I won't do that.."

A Perfect Love StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon