CHAPTER 66: CONTRACT

Start from the beginning
                                    

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHH!" sigaw ni Athena.

Bigla akong napaatras ng dahil sa sobrang gulat. At sa hindi inaasahang pagkakataon...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
NATANGGAL YUNG TAPIS NA SUOT KO SA HARAP NI ATHENA! HALA? NAKITA NI ATHENA YUNG.... O_______o

"AHHHHHHHHHHHHHHHHHHH! HOTDOG!" sigaw ulit ni Athena sabay takip sa mga mata niya.

Agad kong pinulot yung tuwalya at ipinulupot sa bewang ko.

"Ano ba kendrix! Ang bastos mo naman eh!" sabi ni Athena habang nakapikit at nagmamadali  tumakbo palabas.

NAKAKAINIS! Baka kung ano na yung iniisip ni Athena saakin ngayon. Ano ba! Kendrix naman eh. Ang tanga mo! -________-

Nang makapagbihis na ako, nakita ko si Athena na nakaupo sa sofa habang nanunuod ng TV. Lumapit ako sakanya at na upo sa tabi niya para kausapin siya. Pero taena! Ang awkward bro. Hindi ko alam kung saan ako mag sisimula. Kung sa paghingi ba ng sorry o sa pagpapaliwanag? Hay! Bahala na nga.

"Athena, tungkol pala doon sa kanina..."

Hindi ko na natapos yung sinasabi ko ng biglang nagsalita si Athena.

"NAKO! WALA AKONG NAKITA  OKAY? WALA TALAGA! PROMISE! HOPE TO DIE. KAHIT MAMATAY MAN AKO NGAYON. KAHIT TAMAAN PA AKO NG KIDLAT WALA TALAGA AKONG NAKITA HOTDOG!" sabi niya.

(A/N: SINABI YUN NI ATHENA NG WALANG PRENO. HINDI RIN SIYA NAKATINGIN KAY KENDRIX HABANG SINASABI NIYA YUN.)

Wala siyang nakita? Eh kung wala nga siyang nakita, bakit hindi niya ako matignan ng maayos? Hay ano ba kasi yan Kendrix! Hindi ko man lang siya nakita o napansin man lang. Bakit kasi kakulay ng damit niya yung sofa. Hindi ko tuloy siya napansin. Naman kasi eh! -________-

Maya maya pa, sa gitna ng katahimikan nang biglang may kumatok sa pinto.

*TOK! TOK! TOK! TOK!*

"AY HOTDOG NA MALAKE!" gulat na sigaw ni Athena.

Bigla akong napatingin kay Athena na parang ewan ng dahil sa sinabi niya.

"Oh bakit? Masama ba sa sinabi ko? Nagulat ako okay? Kaya im not expecting na masasabi ko yun. Tsaka yung sinasabi kong malaking hotdog, yung JUMBO okay? Bahala ka kung ayaw mong maniwala. Edi wag mo." sabi niya.

Napatitig nalang ako sakanya ng dahil sa sinabi niya. Ano daw? Eh bakit nag explain siya? Tinitigan ko lang naman siya ah. Bakit parang guilty siya? Nakita niya ba yung ano ko? Pero sabi niya hindi naman daw eh. Tsaka sinabi ko ba na ayaw kong maniwala sa sinabi niya? Hala siya? Nabaliw na. Nakakatakot naman tong babaeng to. May naririnig na hindi ko naririnig. Katakot! T_______T

"Ano ba? Tititigan mo nalang ba ako o balak mo naman buksan yung pinto? May kumakatok oh? Kaloka to!" sabi ni Athena habang hindi makatingin ng deretcho saakin.

Hindi na ako sumagot at nagmadali nalang sa pagbukas ng pinto.

"Good morning sir. Dito po ba nakatira si Kendrix Lee?" -tanong nung delivery man.
"Ah opo. Ako po yun. Bakit po?" tanong ko.
"May nagpadala po ng pakage para sainyo sir. Galing po kay Alexandra Garcia. Pa sign nalang po dito sir." -delivery man.

Hindi na ako sumagot at pumirma nalang. Agad kong binuksan yung pakage na pinadala ni nanay Alex. Biglang nanlaki ang mga mata ko ng makita ko na isang KONTRATA pala yung pinadala ni tita Alex. Pwede ko tong gamiting alas para hindi umalis si Athena sa tabi ko. Hehehe! Thank you nanay Alex.

"Ano yang dala mo?" Tanong ni Athena.
"Kontrata." Nakangiting sabi ko.

Bigla niya akong tinignan na parang ewan.

"Kontrata? Para saan?" Tanong niya ulit.

I look at her and I smile.

"Gumawa si nanay Alex kontrata para hindi ka daw umalis dito sa apartment natin. At ang nakasulat pa dito.. sa oras na umalis ka daw sa apartment na to, Ikaw ang mag babayad ng lahat ng renta at other expenses sa bahay na ito. At ito pa yung last na nakasulat. Pag hindi ka raw sumunod, pwede kang ipasundo sa lolo mo anytime." sabi ko.

Biglang nanlaki ang mga mata niya ng dahil sa sinabi ko.

"ANO? NAKAKALOKA! SI TITA ALEX TALAGA OH! GINAMIT PA SI LOLO PANAKOT SAAKIN. HAY! ANO BA YAN! KAINIS!" sabi ni Athena.
"Teka nga. Bakit ba parang takot na takot ka ata sa Lolo mo? Magkwento ka naman oh." sabi ko.

She look at me so seriously.

"Ako ang naaawalang apo ni Emilio Salvador, ang isa sa pinakamayaman na businessman sa buong mundo. Nung mamatay ang mga magulang ko sa isang aksidente, nagdecide siya na kunin ako at pagaralin sa states. For the past 10 years siya lahat yung nasunod that why I've decided na tumakas para matupad yung pangarap ko na maging isang sikat na artist sa Pilipinas. At pinapangarap ko din na makagraduate ako sa university kung saan nagtapos yung mga magulang ko. Oo alam ko madaming magandang university sa states, pero mas pinili ko parin na bumalik sa lugar kung saan talaga ako belong. Kaya nagtago ako sa katauhan ng isang dakilang nobody para sa mga pangarap ko. Kahit na alam ko na sobrang hirap, kinakaya ko para sa pangarap ko. At pag nalaman niya kung nasaan ako, ibabalik niya ako sa states whether I like it or not." kwento niya.

Kaya pala siya hinahabol ng mga lalake na naka itim na suit para ibalik siya sa states. Pero I think its a blessing in disguise na pagtagpuin ang mga landas namin ni Athena. Ngayon mas naintindihan ko na kung bakit ganon nalang yung pagpupursige niya sa pag aaral. Hay! Lalo tuloy akong nagkagusto kay Athena. Hehehe.

"Ganon ba? Kaya mas mabuti na wag kana lang umalis dito okay?" sabi ko.

She look at me so wierdly.

"Bakit ba ayaw mo akong paalisin dito ha? May binabalak ka noh?" sabi niya sabay takip nung unan sa katawan niya.

Tinignan ko siya tapos bigla akong natawa ng sobrang lakas ng dahil sa reaction niya.

"Hindi noh! Natatakot lang ako kay nanay Alex. Kaya ayoko na umalis ka dito. Oh sige Athena. Mauna na ako ah? May pasok pa kasi ako eh. Bye!" sabi ko sabay lakad palabas ng bahay.

Ang totoo niyan ayoko lang siya malayo saakin. Hehehe. Sobrang malulungkot talaga ako pag umalis ulit si Athena. Hindi ko alam yung gagawin ko kapag nangyare yun.

Itutuloy...

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Where stories live. Discover now