Kaguluhan

23 2 0
                                    


              Nagsimula ang kaguluhan sa pina pasukan na school ng magkapatid na Draven at Keres maging sa bunsong kapatid nito. Lahat ay nagkakagulo maging ang iilang mga estudyante at guro. Dahil sa balita na kanilang naririnig at nakikita sa telebisyon na mga nawawalang mga kadalaghan at mga dugo na nagkalat sa mga kalsada na sanhi ng may mga malalaking halimaw na sumalakay sa mga tao.

        Kayat ang ibang mga magulang na estudyante ay pinag-iisipan na huwag muna papasukin sa kanilang paaralan ang kanilang mga anak. At maging sanhi pa ng kaguluhan at mawala ang kanilang mga anak na dalaga. Kayat minabuti mag patawag ng isang pagpupulong ng mga kinauukulan na magpalabas ng kautusan na "bawal munang lumabas ang mga bata at matanda, kung wala naman gagawin. Upang makaiwas sa kaguluhan na kinahaharap ng gobyerno."

                Kayat ang iilang mga magulang na may mga anak na nagtratrabaho sa gabi. Kanilang pinag-iingat at magdala ng kanilang proteksyon sa katawan. Upang makaiwas sa mga halimaw na gumagala sa mga daan. Ang ibang ahensya ng gobyerno, lalo na ang mga kapulisan at kasundaluhan ay nag lagay ng mga post sa mga hangganan ng iilang daraanan at pasukan patungo sa iilang bahagi ng metro manila.

            Naisip ng isa sa mga PHKAV na magtalaga ng mga sundalo at pulis sa iilang lugar na maaring daanan ng kalaban na mga bampira. Lalo na ang mga masisikip na eskinita na nagiging sentro ng iilang bampira na magtago at maghanap ng kanilang biktima.

Kaya't ang ibang mga may alam sa pagpatay sa kalaban ang siyang tutulong sa mga pulis at sundalo para magapi ang mga bampira o halimaw sa gabi.

              Maging ang mag kakapatid na Vampire na sina Draven, Keres at Angeni ay naka antabay sa kani-kaniyang silid. Habang ang kanilang mga magulang ay abala sa pakikipag-pulong sa mga kapwa kasamahan sa PHKAV na alamin ang kinaroroonan ng iilang bampira na gumagawa ng karumaldumal na pagpatay sa mga tao at sa pag-inom ng dugo nito.

----------

Krassny Vamp

               Sumalakay na ang iilang mga bampira, para maghasik ng lagim sa mga taong mahihina. At nasa isip ng iilan na mapalakas  ang kanilang katawan at matalo ang iilang mga bampira na kanilang kalaban.

                Nais nilang maging mas malakas sa Vampire Family. At matalo ito sa pamumuno at maghari ang kanilang lahi kaysa sa tao na kinakampihan ng Vampire Family. Eto ang mga nasa isip ng iilang kalahi ni Apollyon.

               May iilan na mga lobo na nakikiramdam lamang sa takbo ng storya ng mga bampirang pula at mga may dugong bughaw na nilalang. Ang lahing lobo ang masasabing walang kinakampihan sa dalawang mag-kaaway na bampira. Sila ay lumalayo sa mga bampira. Upang umiwas ang kanilang lahi sa dalawang mortal na magkalahi ang mga bampira, ngunit magkasalungat sa kanilang pinaniniwalaan sa buhay.

                Kaya ang tanging mga lobo lamang ang may tahimik na buhay sa panahon na buhay pa ang dating reyna ng mga bampira.

At ngayon sa panahon ng Vampire Family. Sinasabing ang mga lobo ay nahati na din sa dalawang paksyon. Ang isa sa mabuti at ang isa ay sa masama kumampi. Kung saan pinapalakas ng mga lobo ang kanilang natatanging kapangyarihan na kumain ng puso ng isang birhen na dalaga at mainom nito ang dugo na siyang nagtataglay ng malakas na kapangyarihan na mga lobo.

Kapag na isakatuparan ng isang lobo ang pagkain ng puso na dalagang birhen at pag-inom ng sariwang dugo nito. Itoy hudyat na mas malakas pa sa mga bampirang pula na kinatatakutan ng lahat. Tatawagin itong pinuno ng mga oroboten.

            Kayat ang ibang bampira na pula ay sumama sa lahi ni Apollyon. Upang palakasin ang kanilang abilidad at pwersa sa pakikipag-laban at sa pag-aaral na mahigitan ang kaalaman ng magkakapatid na nagmula sa pamilyang bampira.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 23 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Vampire FamilyWhere stories live. Discover now