Gabi

61 4 7
                                    

               Ika 7:00 ng gabi. Nakita ko ang mga pangitain sa mga sandaling ako ay na alimpungatan sa pagkatulog na may magaganap na hindi inaasahan. Lalo na sa mga tao at sa lahi na pinagmulan namin, na ang sinasabi ng aking puso na maraming tao ang ma papahamak at ang mga kalahi na masasangkot sa kaguluhan. Lalo na sa nakikita ko mula sa himpapawid at maging sa kalupaan na may mangyayari na hindi maganda sa mga tao at sa mga nilalang na kasama sa aming lahi ay magkakaroon ng isang pagbabago.

              Pagbabago na maaring maganap, ang kinatatakutan ng lahat.
Hindi ko alam kung anuman ito, ang tanging alam ko lamang ay nag papahangin ako sa labas ng aming terasa at base na rin sa aking nakikita sa kalangitan nag-iba ang kulay ng ulap at tila nagbabadya na umulan at sa pag lamig ng simoy ng hangin. Ang siyang labas ng mga nilalang nagbuhat sa kadiliman, nakatayo at nakatingin sa kalangitan. Hanggang sa napag desisyunan kong pumunta kung na saan ang mga kasama ko, na sinasabi na kapamilya ko sila.

         Orfeo
            "Oh iha, andyan ka na pala! Halika ka. Tayo ay mag hahapunan na."Nabigla ang dalawang magkapatid  sina Draven at Keres tanging nasabi na lamang "siya ba papa?"  Alam ni Keres na nung ito ay na nasa school nila ay may kutob siya na kapareho ng mga mata ang nakita niya tulad ng kanilang bunso. At gayon na lamang ang kanyang tuwa ng makita ito, hindi siya nag-alangan na tulungan ito sa mga bullies ng kanilang school. Ika nga ng mga mortal sa kasabihan ang lukso ng dugo ang siyang magpapatunay na malakas ang kumpiyansa na may koneksyon ka sa isang tao. Kaya heto ako naka masid lamang sa kanya at na pangiti na lang dahil sa nakita ko sa aking na kakabatang kapatid na mas maganda pa siya sa akin, Kaya natuwa ako talaga. Siyempre gusto ko sana na iyong edad niya lamang. Dapat ang na susunod kaya lamang hindi ko alam, kung paano nangyari ang ganitong sitwasyon.

          Maging ang panganay na si Draven ay hindi maka paniwala sa kanyang nakikita ngayon sa harap ng hapag kainan. Kaharap niya ay si Angel o Angeni at katabi naman niyon ay ang ikalawa sa panganay si Keres habang kaharap niyon ang kanilang ina si Thana at ang sa dulo ng Mesa ay kanilang ama si Orfeo. Hindi makapaniwala ang binatilyo na mas matangkad pa sa kanyang ate si Keres. NASA isip nito na "hindi ko akalain na siya iyong maliit at bunso naming si Angeni, bakit tila nag-iba ang kanyang wangis at ang katawan nito ay tulad ng kanilang edad?"

               Hindi alam ng binatilyo kung paano naging dalaginding ang naka kabatang kapatid nito samantala ang kanyang mga magulang ay hindi maka paniwala sa nangyayari sa kanilang bunsong anak. Hanggang sa may nag door bell sa kanilang gate. At nakita ni Keres isang matandang lalaki at kahawig ng kanyang ama si Orfeo.

                Keres

                   "Pa! May matanda po sa labas ng gate."
 

        Orfeo
                    "Oh ganun ba! Anak, Draven pwede mo bang pag buksan mo ang Lolo mo."Hindi makapaniwala sa sinabi ng kanilang ama na dumating ang kanilang Lolo mula sa lugar kung saan nagmula ang lahi nila na mga bampira, ang bansang Russia. Sumunod si Draven sa ipinag utos ng ama na puntahan ang matandang V sa labas ng kanilang tahanan. Kaya laking gulat nito na makita ang matanda. Ang tanging alam ni Draven ay lubhang matanda na ang kanyang Lolo at hindi na maari pang magbiyahe ng malayuan, Pero sa tingin niya ngayon parang hindi matanda ang kanyang kaharap. Kung hindi nasa edad lamang ng kanyang mga magulang.
              Orfeo
                  "Oh dad! Napa aga naman ang pag bisita mo sa amin?'

Vampire FamilyWhere stories live. Discover now