continuation of Thana at Orfeo

21 1 0
                                    

          Sa panahon na iyon nagpatuloy ang hidwaan ng mga bampirang pula sa mga kaaway nito na mga kalahing lobo na may halong bampira sa kanilang lahi. Bagamat marami sa kanila ang tutol sa pamumuno ng kanilang pinuno na si Haring Apollyon na maghasik ng lagim sa mundo ng mga tao. At iyon ang tanging tinutulan ng iilang mga bampira na nasasakupan magkaroon ng sigalot sa pamumuno ng bawat paksyon ng kanilang lahi.

Sinasabi ng iilan na magiging madugo ang bawat labanan ng bawat paksyon ng mga bampira sa oras na ituloy nito ang balak na paghihiganti sa mundo ng mga mortal. Iyon ang pinangangambahan ng iilang mga kasapi ng kanilang lahi sa ilalim ng pamumuno ng kanilang hari si Apollyon.

--------

Thyia

Sa mga oras na ito, hindi ko alam kung bakit ganun na lamang ang haring bampirang pula na maghiganti sa mga taong mortal na walang kalaban-laban. At iyan ang gumugulo sa aking pangitain habang narito sa mundo namin ang isang taga lupa. 

            Hindi alam ng aming hari na isa siyang taga lupa na pumaparito sa mundo naming immortal. Hindi mo kababakasan sa kanyang mukha ang pagkatakot bagkus, ang makikita mo sa kanyang itsura ang pagka-mangha sa mga sandaling iyon. Hindi niya alintana ang mga iilang titig ng mga mata sa kanya ng aming mga kasama.

At tanging nararamdaman ko lamang sa mga oras na iyon ay masaya siya at naka kilala ng mga kagaya naming mga bampira.

---------

Callix

         Isa ako sa mga kaibigan ni Massimo na ipinakilala sa isang mortal na nakilala lamang niya ng siya ay nag aagaw buhay ng mga oras nakipag sagupa siya sa mga bampirang pula.

         At isa ako sa mga nag bantay sa kanya ng mga oras na iyon habang ginagamot siya ng mortal na taga lupa. Napansin ko sa kaibigan ng aming prinsipe si Massimo na may lihim ang kaibigan nito at tila kakaiba sa pakiramdam ang natatanging ugali.

         Hindi ko mabasa ang kanyang isipan sa mga oras iyon na nasa loob ng aming puod ang taga lupa. Alam ko marami sa amin ang nagmamasid lamang sa mga oras na ito. At batid ko na may iilang mga kapwa ko na ayaw sa kanya habang naririto sa aming puod. Hinala ng ibang mga kalahi ko na ang dala nito sa amin ay gulo at pagkawasak ng aming samahan at pagsasama bilang isang pamilya na mga bampira.

         
          Batid kong nabighani siya sa kasintahan ng aming prinsipe. Gayundin ang prinsesa ng mga amazona. May nakikita akong hindi maganda sa tatlong nilalang na malapit sa akin. At iyon ang pinangangambahan ko na masira ang pagkakaibigan na dalawa. Dahil sa iisang tao na gusto nila.

           Sa mga sandaling iyon na abala ang aking kaibigan at prinsipe na nakikipag pulong sa mga matataas na mga pinuno ng aming lahi. Sa kabila ng abala ito, hindi ko maiwasan na palaging magkausap ang dalawa na malapit sa puso nito ang kaibigang mortal at ang kasintahan ng aking kaibigang prinsipe si massimo.

           Masama ang kutob ko sa mga oras na iyon. Dahil sa isang tao na masisira ang pagsasamahan ng mga ito. Na maaring humantong sa isang kaguluhan na mananatiling magkaaway ang dalawang magkaibigan. At iyon ang pangamba ko na pinilit iwinawaksi sa aking isipan na mangyayari sa oras na matuklasan nito ang namumuong relasyon na dalawa.

---------

             May mga bagay ang tao at mga nilalang na pinagkaiba lalo na sa ugali at pagkilos. Bagamat na roon ang kanilang mga katangian na masasabing kakaiba. Ngunit nagiging isa ang kanilang pananaw sa buhay na maging pantay ang lahat na nilalang sa mundo. Iyon ang nais ipaglaban ng Prinsipe ng kadiliman na magkaroon ng pantay ang bawat nilalang sa kanilang mundo. Walang mayaman at walang mababang uri na bampira.

Vampire FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon