Paglantad

41 2 0
                                    

Another Person

Handa na ang isang nilalang na magpakita sa kanyang mga kasama, at habang pinaghahandaan ang kanyang pagbabalik sa mga dating kasama, napa paisip kung paano niya makukuha ang para sa kanya. Ito ang bumabagabag sa kanya ngayon, abala ang lahat sa mga kanya-kanyang gawaing nakalaan. Ito ang mga nakikita sa mga dating kasama, at tanging nasa isip nito na makuha ang dapat para sa kanya.

Ikatlo ng hapon nagpasya kong magmasid sa labas ng aming tahanan, nakita ko ang pagbabago nito. At ito ang unang nakita ko na maraming nabago simula ng mawala ako.

Ang dating bungalow na bahay, tila naiba na sa aking paningin. Nag-iba ang disenyo at iskultura sa kanilang labas ng tahanan. At ang mga bakod nito na medyo hindi mababakas na ganun pa din ang kanyang disenyo, at tanging naiba lamang ang mga nasa loob ng tahanan na kanyang sinilangan at ngayon ang paligid nito na maraming mga puno ang nasa paligid nito. Mababakas mo na sa paglipas ng panahon nag-iiba ang paligid maging sa mga naninirahan dito.

Habang naroon siya hindi niya akalain na ang dating mga kasama niya ay nakikitang nasa labas ng katanghalian may mga ginagawa at abala sa mga trabaho na hindi niya maunawaan sa mga sandaling iyon. Para bang naghahanda sa pakiki digma ang mga ito. Iyon ang kanyang nakikita sa mga oras habang siya ay naka full leather jacket ng itim at ang kanyang mukha ay nababalutan ng isang half mask na kulay itim at hindi siya matamaan ng sikat ng araw. Maging ang kanyang mga mata ay may suot na contact lens nang sa ganun ay makakita siya ng maayos kahit tirik ang araw. At sa kanyang pagmamasid sa dating tahanan ng kanyang mahal.

At sa pagkakataong inaaral ko muna ang mga kilos at galaw ng aking mga kasama. Hanggang sa napukaw ang aking mga paningin sa isang pamilyar sa akin, na nakita ko ang isang nilalang na kamukha ng aking nakita sa restaurant M.

Nais ko sanang lapitan ang nilalang na ito, ngunit nagdadalawang isip ako na hindi niya pansinin ako sa mga sandaling iyon. At alam ko sa sarili na kakaiba din ang aking nararamdaman sa taong nakikita ko.

May kakaiba sa kanya, Hindi ko man alam kung ano ang kanyang natatanging kapangyarihan, alam ko sa sandaling iyon hindi siya katulad ng nakita ko sa restaurant na malakas ang kapangyarihan taglay.

Ito ay kakaiba tila maamo, ang kanyang mukha at maganda tingnan ang kanyang mga mata. Kung pagmamasdan mo mala anghel ang kanyang ganda, iyon ang aking obserbasyon sa aking nakikita ngayon.

Pansin ko lamang na marami ang mga nabago, dahil sa pakiramdam ko ng araw na ito. May pakiramdam ako na kakaiba hindi ko maipaliwanag sa mga sandaling iyon at napansin ko na lamang sa mga oras na tirik ang araw at nasa labas sila ng tahanan at nakikipag-usap sa mga tao.

Oo, tao na mortal as in may buhay. May sariwang dugo na dapat iniinom na mga tulad kong bampira.

Hindi ako makapaniwala sa lahat ng aking nakikita. At ang isa pa nakakapag taka na kaya nilang makipagsabayan na humawak ng isang bagay na alam namin na masasaktan kami, sila na kasama ang iilang bampira na katulad ko ay hindi man lang na galusan ng anumang uri ng pilak na bagay.

At iyon ang hindi ko alam, Kung anong nangyayari sa aking mga kasama.

Hanggang sa.......

Napukaw ang aking mga mata na aking nakikita ay ang babaing dapat ko iibigin ay kasama pala niya dito ang taong kinamumuhian ko.

~~~~

Angeni

Mababakas sa aking mukha ang pagtataka sa mga sandaling ito, marahil sa kakaibang nararamdaman ko ngayon. May kakaiba na nagmamatyag sa aming pamilya. Ang aking hinuha ay isang kalaban na nagmula sa pamilya Apollyon. Bagamat wala akong maramdaman sa mga sandaling iyon na galit, sa halip isang pag-aalala lamang sa taong may kapangyarihan taglay na tulad namin.

At ang ipinagtataka ko sa mga sandaling iyon para bang kilala niya kami at habang pinakikiramdaman ko ang kanyang presensiya habang pinagmamasdan niya ang lahat ng Tao sa labas ng aming tahanan at maging ang mga kasama namin na mga bampira ay kanyang pinag-aralan ang bawat kilos nito. Para bang nagtataka sa kanyang mga nakikita na nakikipag sabayan sa init ng araw ang mga ito kasama ang mga Tao sa labas ng aming Hardin. At nabasa ko sa kanyang isip na medyo nagtataka marahil sa kanyang nakikita na kayang humawak ng isang bagay na maari kaming ikamatay sa oras na iyon. At ang hindi mawari ng kanyang isip sa mga sandaling iyon.

-----

Alam ng ama ni Orfeo na dumating ang araw na pinaka hinihintay ng kanilang lahi na magkaroon ng isang mamahala sa kanila. Dahil batid niyang malapit na magtagpo ang dating magkaibigan na pinaglayo ng tadhana. Dahil sa iisang nilalang na kanilang inibig. At iyon ang kanilang paghandaan ang naturang pagsapit ng ika anim na Linggo na pagsapit ng kabilugan na buwan. Magiging malakas ang kalaban sa pagdating ng isang nilalang magbalak na magbalik sa piling na kanyang mga kasama. At iyon naman ang kinatatakutan naming mga PHKAV na magkaroon ng gulo o sanhi na manggulo ang mga kapwa bampira nilang kasamahan.

Dahil sa oras na makarating ang naturang na nilalang sa poder ng Apollyon magiging malakas sila kumpara sa mga Tao at kalahating bampira dahil ayon na din sa naka takda na propesiya na iisa lamang ang dapat mangalaga sa kanila. At iyon ay nagmula sa isang may dugo na bampira sa katauhan ng isang nilalang may dugong bughaw.

At iyon ang kanilang hinahanap sa mga sandaling iyon. Dahil sa oras na makita ng kalaban ang naturang takda ang siyang pagbagsak ng kanilang lahi.

Ito ang nalalaman ng ama ni Orfeo na si BALDASSER isang dating namumuno ng mga mabubuting bampira. At taga sunod ng kanilang Reyna at Hari ng Vampire Family.

"Alam kong nagtataka sa aking mga naisip ngayon. Dahil isa sa mga araw na ito, ay makikita na ng lahat ang itinakda ng mga bampira."

Narrator :

Iyan ngayon ang pinaghahandaan ng magkalaban na mga bampira ang paghandaan na makilala ang nasabing takda ng lahat na ilaban at ibagsak ng iilang mga namumuno.

So mag-abang ang lahat sa darating na itinakda ng nasabing bampira na maging isa ang lahat. O magkawatak watak muli ang dalawang partido.

Sa tingin niyo, sino ang naka takda maging lider ng kanilang lahi tao ba o bampira na kayang supilin ang masasama na nilalang na nagpapadumi sa lipunan.

Abangan ang susunod na storya ng Vampire Family.

Vampire FamilyWhere stories live. Discover now