Hunter

31 2 0
                                    


               Isang nilalang buhat sa lipi ng lobo, tinagurian na Hunter. Kapamilya niya ang kalahating bampira na mga pula at kalahating lobo. Mga magulang nito ay mga pangkaraniwang lamang, mga nilalang ng lahi na bampira at Lobo.

                Sinasabi ng kanilang lahi na ang lobo ay mag sisilang ng isang nilalang na sisira sa mundo ng matatapang na bampira. Buhat sa lahi ng Lobo at Bampira ang magiging sanhi nito pagsapit ng kalahating buwan ng taon 1890 ay sisimbolo na hugis duyan ang magiging simbolo nito, na batang isisilang. At sa taon ding iyon ay hudyat na masisira ang lahat ng plano ng pinuno na mga bampira, kalaban sa ibang mga mahihina na mga kalahing bampira. Ang siyang sisira sa nakagawian na batas ng mga bampira pula sa kanyang mga nasasakupan. At siyang papatay sa pinuno nito.

                Ito ang itinakda ng mga babaylan ng kanilang lahi. Lalo na ang kinikilalang Apo ng kanilang lahi na mga Bampirang Pula. Ipina hanap ng Hari ang mga buntis na kasalukuyang nagdadalantao ng 8 buwan hanggang 9 na buwan. Upang sa ganun tipunin niya ang lahat para malaman nila, kung sinong sanggol ang magiging Takda na sisira sa lahat ng mga plano ng Hari.  Sa paghahasik ng lagim sa mundo ng tao.

              Lahat ng mga buntis na nagdadalantao na mahigit sa buwan na itinakda ay kanilang nilipol sa pamamagitan ng pagkulong nito sa malaking tahanan na may nangangalaga na iilang mga doktor ng kanilang lahi. Titingin kung sino ang magsisilang sa batang tinaguriang Hunter.  Ang magiging palatandaan na isisilang sa buwan na hugis suklay ay mismong sa araw ng kalahating buwan na kanilang pag-aalalay ng maraming buhay sa kanilang panginoon na si Chernobog ang hari ng bampirang pula.
        Hindi nalalaman ng iilan sa mga taga sunod ng hari na isa sa kanyang mga damma ang nagdadalantao dito. At may kakayanan na itago ang pagbubuntis.

           Hanggang sa makakita ng pagkakataon na maka takas ang Damma sa mga nagbabantay sa mga  daanan ng mga kapwa niya na mga utusan ng palasyo na tumakas, at magtago sa mga gwardiya ng palasyo  ng kanilang hari.

             Makalipas ng 18 taon tuluyang hindi nakita ang babaing buntis na nagdadalantao sa buwan ng suklay. Sinasabing sisira sa lahat ng plano sa pagsalakay sa mundo ng mga tao. Hindi nakita ng mga taga bantay ang tumakas na kalahi nito na bampirang pula. 

           Hanggang sa ang iilan mga buntis na kanilang nilipon ay naging alay sa kanilang Haring Pula na bampira.  Ang mga ina naman ay naging alipin sa loob ng tahanan ng kanilang Hari. At ang iba pang mga mahihinang babae na nanganak ng isang babae ay pinatay mismo sa harap ng kanilang Hari.

               Lahat ng nasasakupan ng Haring bampirang pula ay takot sa kanilang pinuno. Simula ng nagising ito at ng may isang dalagang birhen na dinala sa loob ng kanyang pamamahala na pinamumunuan ni Apollyon.  Dito nagsimula ang lahat ng kaguluhan ng mga bampirang pula sa ilalim ng pamumuno ni Apollyon. At ngayon ay gising na ang Hari na bampirang pula, ang siyang iwas at tago ng iilan na nasasakupan ni Apollyon. Upang umalis sa puod ng mga bampirang pula. Sa oras na malaman ang buong katotohanan ang siyang magsisimula ng kaguluhan sa mundo ng mga bampira at maging sa mundo ng tao.

---------

Keres

            Alam ko na may dumating sa aming tahanan na isang bisita ng aming pamilya. Batid ko din na may naka tagong lihim ang panauhin namin sa araw na ito. Kakaiba ang kanyang presensiya habang kami ay papasok sa aming tahanan, hindi mo makikita sa mga mata nito na maghinala sa iyong kaharap.

             Parang may itinatagong kapangyarihan taglay sa amin ng aking kapatid na si Draven. Bagamat isa sa amin ay pang karaniwan  lamang ang araw na ito,  ang makasalamuha ng mga kagaya na nilalang sa aming tahanan. Alam din namin na itinatago nito ang tunay na kapangyarihan sa aming magkapatid.

Vampire FamilyWhere stories live. Discover now