Pagbuhay sa patay

32 2 0
                                    


Sinasabi ng mga matatanda kapag bumuhay ng patay, Ang siya naman ikakagalit ng iba. At ang iba ay ikakatuwa dahil may mahal nila ang binuhay. At sa pagkakataon na iyon marahil ang iba, ay pipiliin nila ang kanilang kasiyahan keysa magdusa sila. Sa kanilang minamahal na lumayo at hindi kaylanman babalik sa kanilang piling.

Kailanman ang tao ay ninanais itong makamit, Kung ipapahintulot lamang ng poong lumikha. Kung pagbibigyan ng kalangitan na ang patay ay muling mabubuhay siguro. Lahat ng tao ay maligaya at masaya sa piling ng kanilang minamahal. Bagamat hindi ito nagiging madali para sa mga tao, ang iba ay kumakapit sa isang mahikang itim o kadalasan ito din ang nagiging sanhi makagawa ng masama sa ating kapwa.

-------------////:::::::::::::::::::;;;;;

Isa na dito ang pamilya Apollyon, na buhayin ang pinaka- pinuno ng kanilang lipi. Maraming taon na ang nakalipas naging mahirap para sa iba pang mga kalahi nila ang uminom ng sariwang dugo na nagmula sa mga buhay na tao.

Bawat araw na nagdaan naging  mahirap para sa kanilang mamuhay na walang ini-inom na dugo. Tulad na parang mga zombie. Sa bawat pag patak ng kabilugan buwan na nagiging mahirap para sa kanila, na makainom ng sariwang  dugo na nagmula sa katawan ng tao.

Ang iba'y maririnig mo ang mga alulong nito na tulad ng asong ulol na nais makagat at makakain ng karne.  Na nagmula sa katawan ng tao. Ang iilang bampira naman ay naghahanap ng kanilang bibiktimahin mapa hayop o tao ito.

Hanggang sa dumilim ang kalangitan na nagpapahiwatig ang paglalim ng gabi, na magiging hudyat ng iilang mga bampira at uri ng dilim makasilo ng mga pagkain nagmula sa katawan ng Tao.

May iilan mga by -stander ang nagnanais makakuha ng last trip ng pagsakay ng LRT. Ang siya naman punoan ang loob nito, may iilang nagpapanggap na mga mortal na tao, at kapag bababa sa madilim na bahagi ng station ng LRT, ang siya naman sasalakay ng iilang mga bampira.



--------

Nakatakda na ang araw ng pagpunta sa libingan ng mga kapamilya ni Apollyon, upang gawin ang ritual sa pagbuhay ng kanilang pinuno. Ngunit habang bina-bagtas ang daan patungo sa museleo napansin ng iilang mga sepultorero na may kakaiba,  sa mga nakakasalubong at tila ang mga mata nito parang malilikot. At panay ang tingin ng iilan sa paligid. Hanggang sa madako ang iilan sa isang dalaga na pumasok sa isang museleo na kanilang pupuntahan at habang papalapit ang mga ito sa pinasukan ng dalaga.

Ang siya naman nakita ng isa sa mga alipores ng mga pamilya Apollyon, na may kakaibang kapangyarihan ang bumabalot dito. Hindi mawari kung ito'y dala ng kanilang pangamba sa kanilang pinuno na makuha ng iba.


At habang nasa harapan ang iilang mga kasapi sa pamilya Apollyon. Napansin ng iilan na may naka paloob na kapangyarihan ang bukana ng museleo. Laking pagtataka na hindi mapasok-pasok ang bukana ng museleo Apollyon. Tila kakaiba sa kanilang pakiramdam ang kanilang nadarama sa mga oras na iyon.

Hanggang sa may isang nagwika  "Hindi maaring may ibang gumawa ng harang sa pintuan ng ating pinuno." Ngunit ang iilan ay tinangka na pasukin ang entrada ng museleo, at laking gulat na isa sa mga kasama ang tumilapon malayo sa kanilang kinaroroonan at humandusay sa mga damuhan malapit sa opisina ng sementeryo.

Napansin din ng iilan na malakas ang kapangyarihan na bumabalot dito. Sa mga oras na iyon. At ang kanilang ipinagtataka sa mga sandali, na may nakita silang pumasok sa loob ng museleo ng kanilang pinuno. At muling sinubukan ng isa pang alagad ng Apollyon na pasukin ito at gamitan ng lakas tulad ng isang mabangis na hayop. At nag wangis ito tulad ng asong ulol, hanggang sa pagkalmot nito sa lupa na maging hudyat na banggain ang nakaharang, na kapangyarihan sa entrada ng museleo agad din naman tumilapon ang naturang nilalang na animo'y asong ulol lamang.

Vampire FamilyWhere stories live. Discover now