Drink/ Thirsty

38 4 0
                                    

                 "Ahhhhhhhhhhhhh, wahhhhhhhhhhhhhh ang daming bampira dito,"  habang hinihingal sa pagtakbo ang isa sa mga kaibigan ni Draven. Nakita niya ang iilang mga estudyante na nag sipagtakbuhan at ang iilan naman naghahanap na magpatataguan at isa sa kanyang nakita ang isang dalaga tulad ng anghel na nakikipaglaban sa mga bampira. Habang ang iilan estudyante ay nagkalat sa hallway na lumaban sa mga bampira, at ang ilan din naman tulad niya na estudyante ay gumagawa ng paraan na makalaban  sa mga taong dilim. Ang iba pang nakita niya na mga kapwa kamag-aral  ay mga naka handusay sa labas ng klasrum. At ang mga estudyante na lumaban sa mga bampira may kanya-kanyang hawak na mga pamalo tulad ng baseball bat, ang iba ay kahoy na nagmula sa mga silya na nasira.

           Sa pagkakataon iyon, nakita ni Dennis ang kanyang guro na nakikipag-buno sa isa din guro sa mga sandaling iyon, habang ang binata ay hindi malaman, kung ano ang gagawin niya sa mga oras na iyon? Batid niya na kaunting lapit ng bampira sa kanyang guro ay tiyak nito na makakagat sa leeg, habang pinipigilan ng kanyang guro na hindi makagat ng naturang bampira sa mga oras na iyon, habang natakasan naman ng binata ang isang estudyante na kagaya na humahabol sa kanya. Hanggang sa hindi niya mapigilan na tulungan ang kanyang guro na mailigtas sa kagat ng bampira.  Sa pagkakataon iyon ang kanilang teacher sa Christian Living si Mr. Tan. Unti-unting lumalapit ang bampira sa leeg ng kanilang guro, ang siya naman paghampas sa ulo nito na bagay nakuha niya sa gilid ng faculty room. Kung saan may mga nasira na mga kagamitan, at iyon ang kanyang ginamit sa pagpukpok sa ulo nito.

             Bago pa man hampasin ng binata ng kahoy ang bampira. Ang siya naman nasa isip ng binata "kelangan kong matulungan si sir. At kailangan mapatulog ang bampirang ito, kailangan malakas ang paghampas ko dito. Kapag hindi na saktan ang bampira na ito, ako ang mapa patay ng animal na nakikita ko ngayon. Kaya please lang lord iligtas ninyo kami sa oras na ito."

             Hanggang sa napag desisyunan niyang ihampas ang bagay na hawak niya sa mismong ulo nito at upang makatiyak na makakatulog ng sandali ang kalaban.

                          *Tsug*

                 Sa lakas ng pag hampas ng binata sa ulo ng bampira na kalaban tila napa lingon lamang sa kanyang gawi ang  naturang bampira na nanlilisik ang mga mata nito, at handang sagpangin siya ng mga sandaling iyon, tila nasambit ng binata "sorry dude, hindi ko sadya ang akala ko, kasama kita, mali pala, naku po lagot na 'ko nito."  Na isa tinig na lamang ang huling sinabi nito.

                Habang paatras ng paatras ang binata, ang siya palapit ng palapit ng bampira sa kanyang kinatatayuan nito, hanggang sa wala ng makitang aatrasan ang binata at tanging nausal lamang nito "pls, help me my guardian! angel" ang siya naman pag saklolo ng dalaga na kawangis ng isang anghel na nakita niya kanina.

                  Agad na dinamba ng sandata ng dalaga ang bampira sa harap ng binata at hindi na pinaharap ito sa kanya. Sinunggaban nito ang  bampira, may inusal na isang dasal para sa taong dilim. Agad na nanghina ang naturang bampira at unti-unting nauupos na kandila ang naturang binata na bampira sa kamay ng isang dalaga na kawangis ng isang anghel.

                 Tanging na sambit ng binata si Dennis sa kanyang kaharap "maraming salamat sa iyo, sa pag saklolo mo sa akin ngayon. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kanina."

                  At tanging naisagot ng dalaga "walang anuman, Pero sa susunod na atakihin ka ng bampira siguraduhin mong tamaan siya sa bahagi na mahina siya, ang puso o di kaya'y may gamit ka na pilak na maaring makasugat sa kanila." Ani ni Ageni sa binatiiyo.

Vampire FamilyWhere stories live. Discover now