Pagbangon

36 5 0
                                    



Ang nasabing pamilya Apollyon ang siyang magiging pinaka malakas sa araw na makuha nila ang naturang dalaga na magbibigay ng  buhay para sa lahat. Ang panahon hinintay ng iilan mga ka-panalig ang siyang magiging maingay sa lahat. Ang pagbangon ng kadiliman para sa mga umaasang mabuhay ang kanilang mga mithiin sa buhay na muli ang lahing bampira, ang mamayagpag, Kung saan sila'y mabibigyan ng pagkakataon makainom muli ng sariwang dugo na nagmula sa mga tao.



Ito ang hinihintay nilang muling pagbangon mula sa dilim. At muling maghasik ng kanilang binhi sa pamamagitan ng mga dalagang binihag nila sa school kung saan kumuha sila ng mga taga pagbuhay ng kanilang semilya buhat sa tao o mortal. Kanila itong gagawing bahay bata na iba baon sa mga sinapupunan ng mga birhen na mga dalaga. At Kung itoy maisakatuparan ng maayos mas mapapadali nilang ma parami ang kanilang lahi na di na kinakailangan ng tulong na nagmula sa mismong may dala ng buhay ang alpha ni Apollyon.


Kapag naging matagumpay ang naturang pag-aaral sa pagbuo ng semilya buhat sa bampira na lalaki at ang kanyang semilya ay iba baon sa sinapupunan ng Babaeng mortal ay maaring makabuo sila ng mahigit kumulang na isan daang libong bata sa isang babae na tao. Ibig sabihin para lamang isang inahing baboy na paanakin lamang ang magiging papel ng mga birheng dalaga na kanilang kinuha.






Hanggang ang proproblemahin na lamang nila ay kung paano bubuhayin ang kanilang pinuno sa pagkahimlay nito sa kanyang kinahihimlayan sa museleo ng sementeryo.  Kung saan ito naka libing at tanging solusyon lamang nito ay makuha ang nasabing takda na siya lamang ang dalagang may kakayanan na buhayin ang pinunong Apollyon  nais ma solusyonan sa oras na magawa sa lalong madaling panahon ang pagbuhay ng mga bagong bampira na nagmula sa mga babaing mortal. At ngayon para mapa bilis ang proseso, kailangan munang pag-aralan ang isang dalaga na nagmula sa isang bahay ampunan na kinilala lamang sa pangalan na Rosario isang mabining dalaga at kaakit-akit ang mga mata nito.





Isinalang siya sa isang pagsusuri ng mga siyentipiko upang pag-aralan ang kanyang katawan at dugo nito upang sa ganun ay magawa nila ng tama ang proseso makapag buhay ng nilalang na hindi ginagamitan ng pagtatalik ng dalawang nilalang magkaiba ang mundo. Ibig sabihin ang paglalagay lamang ng semilya sa sinapupunan ng babaeng mortal ang  magiging papel ng mga kadalagahan na nakuha sa ibat-ibang pagsalakay nito, nung nakaraang buwan, at ngayon nga binabalak ng iilang mga kasapi ng lahing pamilya Apollyon na iturok ang kanilang semilya sa mga dalaga na kanilang nakuha, at kung hindi man tanggapin ang semilya ng bampira sa loob ng katawan na mortal ng dalaga, ay kanila itong itutusok naman sa kapwa bampira na kanilang nakagat na upang makabuo sila ng maraming kalahi. Iyan ang mga nasa isip ng mga doktor para mapadali ang kanilang trabaho.




Hanggang sa.......



Ang bawat sinusuri nila ay nagbibigay ng reaksyon sa kanilang ginagawang eksperemento sa mga dalaga. Ang pagkuha ng dugo nito, tinitingnan nila kung malakas ang pangangatawan ng dalaga at kayang magdala ng supling sa loob ng sinapupunan ng hanggang 4 na bata sa loob ng sinapupunan nito.




Sa simula pa lamang kanila itong binibigyan ng kaunting pampalakas na nagbuhat sa mga mismong doktor na kasapi sa kanilang samahan ang alagaan ang mga dalaga tulad ng mga ordinaryong pasyente ng hospital, Kaya gayon na lamang nagnanais magkaroon ng anak. Ito ang kauna- unahang eksperemento ng kanilang lahi. Para malaman ang resulta sa kanilang ginagawa, gumagamit sila ng mga gamot na droga upang mapa payag lamang ang mga dalaga sa sinasabi ng mga doktor, kanila itong tinuturukan ng pang pakalma at magawa ng tama ang pagproseso ng kanilang eksperemento sa paggawa ng bahay bata ng semilya ng bampira upang sa gayon malaman nila, Kung kakayanin mag parami ang bawat dalaga na kanilang mabibigyan ng gamot at upang mapadali ang nasabing plano ng pamilya Apollyon.






Vampire FamilyWhere stories live. Discover now