Flashback (Thana and Orfeo)

51 2 0
                                    

Sa mga nakaraan na mga taon nagbalik po tayo sa kwento ng haligi  at ilaw ng tahanan ng pamilya V.

Bakit?

May mga iilang tauhan na nagpapagulo sa mga sandaling ito.

Batid natin na lalong gumugulo kapag dumarami ang mga tauhan. (Ako may nalilito na din sa aking sarili parang kasama ko sila sa buhay. Iyon pala hindi naman kumbaga nanaginip lamang at nadadala, Hanggang sa pamamahinga ang iilang tauhan dito. Hm, hindi ko din alam. Kasi kapag sumasagi ang eksena dito sa pamilya V, parang may nakikita ako sa aking imahinasyon na ganito dapat ang mangyari. Hindi ko man sadya ang mga pumapasok sa aking isip, patuloy ko pang pinapaganda ang ilang tauhan at eksena sa kwentong ito.)

Pamilya Thana

Ang Pamilya ni Thana ay nagmula sa mga kasundaluhan at taga supil sa mga halang ang kaluluwa na pinapatay ang mga inosenteng tao. At ang iilan din na mga taga tugis sa mga nilalang may kaakibat na kapangyarihan maka patay sa kanilang lahi na maging isang halimaw at kinatatakutan ng lahat. Ang iilan nito ay lumalabas lamang pagsapit ng gabi, at sa kabilugan ng buwan.

Tinatawag itong bampira na PISHAACH, isang nilalang nagbuhat sa kadiliman na pinaniniwalaan bumangon sa hukay upang uminom ng sariwang dugo na nagmula sa katawan ng mga tao.

Pinaniniwalaan ng nakakarami na ang dugo ng tao ang siyang lakas ng mga bampira at buhay nito kapag nakainom ng dugo na nagmula sa buhay.

Naniniwala ang iilan sa mga naka saksi sa naturang pagkagat sa leeg ng kanilang biktima ang kanilang sipsipin na dugo nito. Hanggang sa tuluyang maging kalansay, kapag ang bampira naman ay nagka gusto sa isang mortal na nilalang at hindi kauri nito ang siyang simula ng pagbabago sa pananaw ng nakakarami ang paglaganap ng kanilang lahi. Sa pamamagitan na may maiaalay sa kanilang pinuno na isang birheng babae, na magiging kaisa nito, ang pinunong bampira. At maparami ang kanilang lahi.

Dito mag-umpisa ang kwento ng ating sinusundan na pamilya V. Sa katauhan ng pinagmulan nito. Ang mga magulang na si Thana at Orfeo.

Thyia

            Si Thyia ay nagmula sa isang tribu ng mga babaing amazona at prinsesa ng kanilang tribu. Ang ama ni Thyia ay maituturing na matapang at handang pumatay kung kinakailangan sa kanyang mga nasasakupan. Ang ama nito ang promuprotekta sa iba pang kalahi ng mga bampira sa lugar ng hangganan ng Russia.

NASA dulo ng masukal na kagubatan naninirahan ang lahi ni Thyia. Dito lumaki at nagkaisip ang dalaga na nagmula sa lahi ni Thana. Si Thyia ay isang masayahin na dalaga ng kanilang tribu maganda at kaakit-akit sa nakakarami ang prinsesa ng mga amazona ng bampira. Siya ay kinatatakutan ng lahat na kapwa bampira. Dahil siya ay may alam basahin ang iyong pagkatao. Batid din niya ang hinaharap. Kaya gayon na lamang ilag ang nakakarami maliban sa isa ding makapangyarihan na nilalang na si Massimo.

Massimo

               Siya ang pinaka prinsipe ng bampira na mga taga North at South ng Russia dahil isa siyang matalino at bihasa sa pagtugis sa mga kapwa kampon ng kadiliman. Maituturing na mabait sa kapwa kung kinakailangan at mabagsik na kaaway sa kanyang mga bumabatikos sa kanyang pamumuno. Iyan ang pagkakikilala sa taong nagngangalan na Massimo.

Solivan

              Isang maginoo na nagmula sa isang pamilya na angkan ng matatapang at isa din maituturing na pala kaibigan ang binata. Maituturing mapagmahal sa kanyang mga kababayan at higit sa pamilya. Isa din siyang may natatanging katangian at kakisigan katulad ng kanyang kaibigan si Massimo.

   

Dito nag-umpisa ang lahat ng pangyayari sa buhay ng pamilya ni Thana at Orfeo.

Vampire FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon