Unknown Character

21 2 0
                                    


               Sa mga nagdaang araw tila nakikinita ng isang hindi nakilalang tauhan ng storya na pamilya vampire na may mga nilalang na ngayon ay pagala-gala sa mga kalsada na hinihinala ng mga kapulisan na mga bampira ang mga ito.

                 Dahil sa kakaiba ang kilos at galaw nito, habang kanila itong sinusundan ang mga kilos. Kayat ang isa sa mga namumuno ng PHKAV na alertuhin ang mga kasama na paigtingin ang pagbabantay dito. At hanggat maari na huwag alisin ang paningin dito.

UC

                 Hindi ko akalain na matalino na pala ang mga mortal, pag-aralan ang kilos at gawi namin. Habang abala kami na sundan ang mga kapwa namin bampira na pag-aralan ang kanilang ginagawa, na hindi nila napapansin ang aming kilos. Kahit alam ko na ang iilang paksyon na iba pang bampira namin ay ganun din ang kanilang ginagawa.

                  Sinusundan  pa din nila ang mga anak ng kalaban upang masila nila ang mga magulang nito, mapatalsik sa tungkulin bilang namumuno bilang Hari ng mga Bampira.

                   Batid ko na naglevel up na din ang mga kasangga na mga mortal,  na aralin ang aming ginagawa. Hindi ko akalain na may itinatag na pala ng samahan ang mga tulad kong bampira at tao na maging isa ang kanilang samahan. Hindi ko na isip iyon, ang alam ko mahigpit na magka-away ang dalawang nilalang mababang uri ng aming lahi. At ngayon ay mortal na kaaway namin ngayon.

                     Habang narito ako sa isang tahanan na naging tahanan ko na din ng mahigit 20 taon na ang nakakalipas ay naging tahanan.

                     Sa mga taong dating naninirahan dito ngayon ay wala na at namatay dahil sa sakit. Walang ibang kamag-anak na magiging taga pagmana ng mga ari-arian nito. Sa akin napunta ang lahat naiwan ng kayamanan ng mag-asawa.

                
                      At aking ipinagyayaman ang lahat ng pag-aari ng mag-asawa, at ngayon ay balak kung magpakita na sa aking ka partner sa negosyo na pamahalaan ang isang branch na itinayo namin sa isang kilalang lugar. Kung saan centro ng negosyo ang iilan na naroon. Nais kong makilala ang pamilya na aking partner na malaman ang kanilang sikreto na pinakakatago sa mahabang panahon. Nais kong tuklasin ang sikreto nito upang malaman ang buong pangyayari sa buhay ko.

                      Alam ko, na sila ang may alam sa lahat ng nangyari nang panahon na buo ang pamilya ng aming lahi. At kung paano nagkawatak-watak ng walang iniwan na dahilan. At kung paano nasira ang samahan ng aming pamilya at pamilya na sinusundan ko matagal ng nakakalipas. At balak ko ng magpakita sa kanila.

                At makita ang kanilang reaksyon. Kapag nagkaharap-harap kami sa mga sandaling ibigay ng pagkakataon na masilayan ang mga nilalang na naging bahagi ng buhay ko.

-------

Draven

                Hindi ko alam kung ano ang aking magiging reaksyon sa mga sandaling ito. Kasama namin ngayon ang kaibigan ng aming mga magulang. Ang nais ko lamang na makaalis sa harap ng bisita namin ngayon. Ayaw ko ang presensiya na ipinapakita niya sa aming magkakapatid.

                   May lihim na itinatago ang aming bisita sa oras na kaharap namin siya sa aming hapagkainan kasama ang aking mga mahal sa buhay. Hindi ko batid ang nais niyang sabihin sa amin lalo na sa aking nakakabatang kapatid na si Anggeni may nais siyang sabihin. Ngunit nagiging tiklop ang kanyang bibig kapag napadako ang mata ng aking kapatid na si Keres.

                   Alam kong nagmamasid lamang sa amin ang bisita ng aking mga magulang. Kung anuman ito sana'y matuklasan namin ng maaga, kung itoy may dalang panganib sa aming pamilya o sa aming mga kasama.

Vampire FamilyWhere stories live. Discover now