Black God

19 2 0
                                    

             Siya ang hari ng kadiliman na tinatawag ng kanilang lahi ay si CHERNOBOG o mas kilala na Black God. Isang masamang nilalang ng mabuti at kilalang mapanganib na nilalang buhat sa lipi ng mga bampirang pula.

Isang pinuno na puno ng galit at poot sa mga nilalang may buhay lalo na ang tao. Kinamumuhian niya ang mga tao at kapwa bampira na kumampi sa mga taong mahihina.

Galit na galit ang hari ng kadiliman sa mga taong lumampastangan sa kanyang pinakamamahal na babae sa mundo ng mga tao. Minahal niya ang mortal na taga lupa at binigay niya ang lahat sa babaeng iniirog niya. Sa kabila ng lahat na karangyaan nito na ipinagkaloob niya. Nakuha pa nitong umibig din sa kapwa mortal.

Ito ang hinanakit ng isang nilalang ipinagpalit sa isang taga lupa na walang ginawa ay ang pahirapan at saktan lamang siya.

Bago pa man nakilala ng prinsipe ang babaeng taga lupa, ipinagkasundo na siya sa kapwa bampira din. Ngunit tumututol ang prinsipe sa naging desisyon ng kanyang amang si Dracula na sapilitang maikasal sa kapwa bampira at may lahing aswang. Sa panahon na iyon, naglayas ang prinsipe at namuhay sa mundo ng taga lupa. Namuhay siya bilang isang tao. Nakikihalubilo siya sa mga taga lupa at lumalabas din siya kung saan tirik ang araw. At ang mga tao ay abala sa kanilang mga ginagawa.

At hanggang sa nahinto ang mundo ng prinsipe na iyon, na makita niya ang babaing nakabihag ng kanyang puso sa mga sandaling iyon. Marahil sa lahat na kanyang nakasalamuha na mga kababaihan sa pook na iyon.

               Masasabing ang dalagang si Bianca lamang ang nakabihag nito. At sa paningin ng Prinsipe na Chernobog o mas kilala na Chris sa mundo ng mga taga lupa. Ito ang naging dahilan na mahumaling sa isang nilalang magkaibang mundo ang ginagalawan nito. Batid niyang itinadhana silang dalawa ng pagkakataon na iyon.

(Sa isip ng binata si Chris na "hulog ng mga bituin sa langit para sa kanya ang babaing nakikita niya sa pagkakataong iyon. Habang abala ang lahat sa kasayahan na nagaganap ng mga sandaling iyon. Batid niyang pagkakataon na ang nagbigay ng senyales na makilala nito ang dalaga si Bianca.)

           Bagamat naroon ang kanyang agam-agam na hindi mapansin ng dalaga sa mga oras na iyon, dahil sa abala ito sa mga kaibigan nito na kausap habang ang iilang mga nasa paligid nito na mga kalalakihan ay nakikita niyang nais ayain ang dalaga na magsayaw sa malawak na bulwagan ng mansyon sa pag-aari ng isang kaibigang taga lupa na nakilala lamang na Sebastian.

Marahil nasa isip ng iilang mga kaibigan nito na may natatanging panauhin ng kinikilalang si Sebastian na nais ipakilala sa lahat ng mga tao nasa malawak na bulwagan.

Sebastian

              Mga mahal kong mga kaibigan, nagagalak akong makita kayo sa mga sandaling ito, na nakarating sa aking kasiyahan. Nais ko lamang magpasalamat sa isang kaibigan na naging bahagi ng aking pagkatao at pamilya. Dahil sa taong ito naging makabuluhan ang aking buhay. Buhat ng makasama siya at lubos na makilala bilang isang kaibigan, kapatid at kapamilya.

              Ipinapakilala ko po sa inyo ang taong tinutukoy ko sa mga oras na ito. Ang aking pinaka matalik na kaibigan si Chris isang iskultor at isang tanyag sa larangan ng paglilok ng mga magagandang imahe na ating nakikita sa museum at  kilala sa  unibersidad sa ating lipunan. Bigyan po natin siya ng masigabong palakpan si Christopher Samuel.

            Lahat ng naroon ay namangha sa kanilang nakikita na mga oras na iyon. Lahat na nakikita nila ay mga gawa ng iskultor na si Sebastian. Lalo't ang babaing nakalilok sa isang yakal na kahoy na mala dyosa ang katawan, maging mukha nito ay nasa maayos ang pagka gawa dito. Hindi mo aakalain na isang kagaya nilang tao ang gumawa nito at tila paghanga ng iilan ang naging bukang bibig ng iilan naroon sa loob ng bulwagan.

Vampire FamilyNơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ