Kinabukasan

65 5 6
                                    

               Bago pa tumilaok ang manok ng kapitbahay. Ang siyang gising ng ina ng mag-anak ng pamilyang v. Nakasanayan na niya ang mag prepara ng mga dalahin ng kanyang mag-aama sa pagpasok nito.
Hindi maiwasan ng ilaw sa tahanan ng pamilya V ang mangamba para sa kanyang mga anak. Batid niya na nalalalaman ng mga kaaway ng kanilang lahi. Ang mga naganap sa isa ng kanilang pamilya maging ang mga humahanting sa kanila. Alam niya na dapat sanayin ang kanyang mga anak pagdating sa pakikipag laban. At maturuan ng tamang paggamit ng sandata at mailagan ang mga bagay na maaring makasugat sa kanilang katawan.

            Batid niya na marami ang nakaka alam sa kanilang sikreto. At iyon ang ikinatatakot niya sa mga sandaling malaman ng lahat. Maging ng mga tao na isa sa mga humuhusga sa pagkatao na tulad nilang bampira.
Sa isip ni Thana  "dapat sana ay ipina batid ko sa aking mga anak ang aming sitwasyon. At ang bawat nangyayari sa kanilang katawan maging sa kanilang natatanging kapangyarihan taglay. Ngunit wala na akong magagawa kundi ang alalayan sila sa kanilang buhay ngayon at sa kanilang kapangyarihan taglay, na maturuan ng paggamit nito. Alam ko ang aking anak si Keres ang nauna naka batid sa kanyang kapangyarihan."

6:35 am

            "Draven, Keres bangon na may pasok pa kayo. Bilisan ninyo mahuhuli kayo, ano ba? Hey, Orfeo isa ka pa! Pasaway ka din alam mong sasamahan mo din si Angeni mag practice hindi ka pa bumabangon dyan. Oh, iha Angeni bihis ka na! Saan ang punta mo? Alam ko absent ka muna sa school mo. Nasabi ko na sa iyong guro na gagawin muna lamang ang mga project at lesson dito sa loob ng bahay." Hindi sumagot ang kanyang anak si Angeni, sa mga sinabi ng kanyang ina si Thana .


              "Iha, gusto mo bang pumasok sa school ng mga kapatid mo?Ni isang salita ay walang sagot na nagmula sa kanyang kausap. Tila tahimik ang kanyang anak sa mga sandaling iyon. Biglang pumasok ang matandang V sa loob ng kusina at kumuha ng maiinom na tomato juice.


            "Than, mukhang marami kang inihanda na mga pagkain. Mayroon bang salo-salo sa umagang ito?" Ani ng matandang V.

             "Ah, wala po dad nais ko lamang maghain ng agahan para sa aking mag-aama. At sa mga pagbabago na nagaganap sa amin. At higit sa lahat po, eh narito kayo. Para matikman po naman ninyo ang aking mga linutong mga pagkain." Thana

                "Hay salamat anak! Sa wakas eh, makakain din ako ng mga lutong bahay. Na miss ko to lalo na itong tomato juice na gawa mo, hindi tulad sa Russia na walang kamatayang tomato catsup. Ang aking naiinom bukod dun ay wala na diet ang mga pagkain ko. Salamat anak sa mga pagkain. Na saan na ba ang mag-aama mo? Baldassare


              "Orfeo mukhang maganda ang ating pangangatawan ngayon, ano ang mga sikreto sa magandang hubog ng katawan mo iho." Baldassare

                "Wala naman po dad! Dating gawi lamang kaunting mga pagkain at exercise palagi." Orfe

                  "Ganun ba! Maka sabay nga sa iyong exercise na yan." Baldassare

                  Hanggang sa bumaba na ang dalawa estudyante sina Keres at Draven. Nakita nila si Angeni na naka suot ng kanilang uniform tulad ng mga kapatid niya. Alam ng dalawa kung ano ang nasa isip ng nakakabatang kapatid nito. Ang magpanggap na isa ding estudyante ng kanilang school ang Mash.

Vampire FamilyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon