CHAPTER 64: RESCUE

Start from the beginning
                                    

Bigla siya tinignan ni Angel ng masama ng dahil sa ginawa niya.

"How dare you to do that! Baka nakakalimutan mo na ako yung reyna ng S.H University. So wala kang karapatan na sabihan yan saakin okay? Tsaka ano naman masama sa sinabi ko? Im just stating the fact na baka kinain na ng mga pating ang kaibigan mo nung maamoy nila yung KALANDIAN niya." Pagtataray ni Angel.
"Aba'y loko to ah! Hoy babaeng labanos! Gusto mo talaga na INGUD-NGUD ko yang mukha mo sa buhangin ha?" sabi ni Zoey.

Papalapit na sana si Zoey kay Angel ng pinigilan siya ni Calyx.

"Isang beses pa na pagsalitaan mo si Athena ng masama kalimutan mo na kaibigan mo ako Angel." seryosong sabi ko.

Bigla siyang natahimik ng dahil sa sinabi ko. Hindi ko na kasi kayang marinig yung mga masamang sinasabi ni Angel tungkol kay Athena eh. Para ako din yung nasasaktan eh. At hindi parin maalis sa isip ko na si Angel yung dahilan kung bakit nangyayare ang lahat ng ito. Kung hindi ko lang talaga siya kababata, baka kung ano na yung nagawa ko sakanya.

"I think kailangan malaman na ito ni Mr. Martinez para matulungan nila tayo sa pag hahanap kay Athena Kendrix." sabi ni Calyx.

Pumunta kami sa direction kung nasaan si Mr. Martinez at kinausap siya.

"Excuse me sir. Pero mukhang nawawala po si Athena." sabi ko.

Biglang nanlaki ang mga mata ni mr. Martinez ng dahil sa sinabi ko.

"What? Paano nangyare to? Eh diba dapat kayo yung magkakasama and all of you are  supposed to protect and secure the safety of your groupmates. Sinubukan niyo na bang hanapin si Ms. Salvador?" Tanong ni mr. Martinez.
"Yes sir. Halos nalibot na namin  yung buong isla pero hindi namin makita si Athena. Sir sobrang nag aalala na ako para sakanya." sabi ko.

Nang biglang may lumapit saamin na isang estudyante.

"Excuse me sir. Nakita ko po kanina  si Athena na tumatakbo papunta po sa kabilang isla habang malakas po yung ulan." sabi nung lalake.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng marinig ko yung sinabi nung lalake. Nakaramdam ako ng sobrang kaba ng dahil sa sinabi niya. Agad naman tumawag si mr. Martinez sa coast guard pero unexpectedly, hindi macontact yung mga coast guard kasi walang signal dito.

"Sir kailangan natin puntahan si Athena doon sa lalong madaling panahon. Baka kung napano na siya dun eh." nag aalalang sabi ko.
"Wala na tayong magagawa Kendrix kung hindi ang mag hintay sa pagdating ng tulong. But for now kailangan na natin pumunta sa hotel bago pa tayo mapahak dito." sabi ni Mr. Martinez.
"Pero sir, baka kung  napano na doon si Athena. Hindi nalang ako basta basta tutunganga dito at maghihintay ng tulong ng coast guard. Hinding hindi ko mapapatawad yung sarili ko kapag may nangyareng masama kay Athena." sabi ko.
"So whats your plan now mr. Lee? Lalangoy ka sa dagat?" -Mr. Martinez.
"Kung yun ang kinakailangan po sir, bakit hindi?" sabi ko.

Bigla akong tinignan ni Angel, ni Zoey at ni Calyx na parang ewan.

"Seriously Kendrix? Ibubuwis mo lang  yung buhay mo para iligtas si Athena? Hell no Kendrix! Hindi! Hindi ka aalis dito. Baka kung ano pa yung mangyaring masama sayo noh. Paano na ako pag nangyare yun ha?  Hihintayin nalang natin yung pagdating ng coast guard okay?" sabi ni Angel.

Hindi na ako sumagot at nagmamadaling  tumakbo papunta sa dagat. Tinawag nila pero hindi ako lumingon at nagpatuloy nalang sa paglangoy papunta doon sa isla. Kahit medyo malakas yung alon hindi parin ako magpapatinag. Para kay Athena kakayanin ko ang lahat ng to. Hinding hindi ako susuko. Pero sa hindi inaasahang pag kakataon,  aksidenteng nakatama yung ulo ko sa haligi nung lumubog na tulay at nasugatan yung noo  ko. Pero hindi ko ininda yung sakit at nagpatuloy nalang sa paglangoy.

Nang makarating ako sa isla agad kong hinanap si Athena.

"ATHENA! NASAAN KA? ATHENA!" sigaw ko.

Makailang ulit akong sumigaw pero wala paring sumasagot. Hanggang sa nakarating ako sa isang maliit na kweba at nakita ko doon si Athena na walang malay. Nagmadali akong lumapit sakanya at binuhat siya papunta sa dalampasigan. Makalipas ang 30 minutes, dumating na yung coast guard para i-rescue kami. Agad nilang isinugod si Athena pinakamalapit na hospital para i-check yung lagay niya. Ginamot din ng nurse yung sugat sa noo ko ng dahil sa aksidente kong pag kakaumpog sa haligi nung tulay. Maya maya pa, after i-check ng doctor yung lagay ni Athena, lumapit ako sakanya at kinausap siya.

"Doc kamusta po yung lagay ni Athena? Okay na po ba siya?" Nag aalalang tanong ko.

The doctor look at me and he smile.

"Your girlfriend is stable now. Don't worry iho, she's fine. Nagkaroon siya ng traumatic stress kaya nawalan siya ng malay kanina. Lets just give her a time to rest and she will be better." sabi nung doctor.

Bigla akong napangiti ng dahil sa sinabi ni Doc. Finally I feel better now. Atleast kahit papaano nakahiya na ako ng maluwag ng malaman ko na okay na yung babaeng mahal ko. Hindi ko talaga alam yung gagawin ko kung may nangyaring masama sakanya. Baka mabaliw na ako ng tuluyan pag nangyari yun. Lumapit ako kay Athena at naupo sa tabi ng kama niya. Habang nakatitig ako sakanya ngayon, hindi ko nalang namalayan ang pagtulo ng mga luha sa mata ko. Kasalanan ko ang lahat ng to eh.

"Sorry Athena! Sorry talaga." Bulong ko habang umiiyak.

Hinawakan ko ang kamay niya at napayuko. Hanggang sa hindi ko nalang namalayan na nakatulog na pala ako sa tabi niya ng dahil sa sobrang pagod sa paglangoy.

*KINABUKASAN...*

Maaga akong nagising para banatayan si Athena. Gusto ko kasi na ako yung unang makita niya pag gising niya. Para makapagsorry na din ako. Maya maya pa, may dumating na doctor para i-check yung condition ni Athena. Nang biglang...

"Teka nga lang, mukhang pamilyar yung mukha niyong dalawa saakin,  nagkita na ba tayo?" tanong nung doctor.
"Ah siya po yung babaeng ginamot niyo dati. Yung nakaladkad ng riding in tandem." sabi ko.

He look at me and he smile.

"Ah yung babae na nakasakay sa  wheel chair. At ikaw naman yung love boyfriend niya. Kayo ulit. Anyway, nagkaroon ng traumatic stress yung girlfriend mo kaya nawalan siya ng malay. Kailangan niya lang ng sapat na pahinga para bumalik yung lakas niya. Tapos pag okay na siya mamaya, pwede na kayo umuwi. Sige mauna na ako."

Paalis na sana si doc ng bigla ko siyang tinawag.

"Doc sugurado po ba kayo na traumatic stress lang yung sakit niya? Eh bakit hindi parin siya nagigising?" Nag aalalang tanong ko.
"Oo naman. Siguradong sigurado ako. Wag kang mag alala iho, natutulog lang yung girlfriend mo. Kung mahal mo talaga yung girlfriend mo, ingatan  at pahalagahan mo siya okay?" nakangiting sabi niya.

Habang nag hihintay sa pag gising ni Athena ng aksidenteng nadulas yung nurse na may dalang mga gamot. Biglang nagliparan yung mga gamot na dala niya. Agad kong ihinarang yung libod ko para maprotektahan si Athena sa mga nahuhulog na gamot at tray. NANG BIGLANG...

"Kendrix?"

Bigla akong napalingon ng tinawag ni  Athena yung pangalan ko. Biglang bumilis yung tibok ng puso ko habang tinititigan ko ang mga mata ni Athena. Halos 3 inches lang yung layo ng mga mukha namin sa isa't isa hanggang sa nagkatitigan kami at ang sumunod nalang...
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.

Itutuloy...

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Where stories live. Discover now