Friday

64 53 51
                                    


You are the greatest thing that ever happened to me, Emma.” He said then hugged me the moment I gave him my ‘yes

And you are my greatest blessing, Calix.” I replied to him.

“You’re mine now right? Hindi naman ako nananaginip?” Sabi niya na hindi parin makapaniwala na sinagot ko na siya after a year of courting me.


I chuckled.

He's so cute.


“Yes, Calix. Hindi ka nananaginip.” I said to him.

“This day, the 3rd Friday of September, I am now officially yours and you’re mine.” I said as if I was declaring something phenomenal in the whole world.


He gave me his genuine smile then hugged me again.

We were so happy that day.

We were so happy on that Friday.




Bumalik ako sa ulirat nang marinig ko ang alarm clock ko.

Mariin kong ipinikit ang mga mata ko.

Buong gabi na akong umiiyak kaya’t ngayo’y nakatulala nalang ako sa kawalan.


Tiningnan ko ang cellphone ko na dati-rati’y may text ng natatanggap sa ganitong oras.

Pero ngayon ay wala na.


Pumunta ako sa messages at binasa ang huling mensahe namin sa isa’t isa kagabi.

Ayoko na” Basa ko sa mensahe niyang pinag-ugatan ng lahat ng ito.



Gusto ko mang umiyak pa pero sumuko na ang aking mga mata.

Gusto ko mang magwala pa pero sumuko na sa pagod ang aking katawan.

Gusto ko mang lumaban pa pero sumuko na siya.



The memories of him breaking up with me last night because his ex came back, flashed on my head again.



Napatulala nalang ulit ako sa kawalan at binalot ako ng katahimikan.

Wala ng magtatanong kung kumain na ako.

Wala naring magagalit kapag humindi ako.

Wala ng Calix ang bubuo ng bawat umaga ko.



Dapat masaya kami ngayon eh. Dapat magkasama kami ngayon because it’s the 3rd Friday of September again.

This should be the mark of another year of us being together.

And the day for our next journey together.




Napatingin ako sa picture frame sa side table ko. Kinuha ko ito at tinitigan ang napakagandang ngiti naming dalawa.

Rumagasa nanaman ang mga luhang akala ko ay naubos na.


I was never ready for our break-up last night.


I was never ready for him to leave.


I was never ready for his goodbye.


I was never ready to start another day without you Calix.


And I was never ready to end everything we've built together on this Friday.



Because this was supposed to be our wedding day.




END

A/N:

Gosh! Sana nagustuhan niyo itooo~
This was maybe the shortest oneshot I've ever made. I hope nagustuhan niyo and na-feel 'yong pighati ni Emma ehe.

Thank you for reading sunshines~☀🧡

EverydayWhere stories live. Discover now