Wednesday

111 79 93
                                    

“Okay, good morning to our dear students and faculties.” Paunang bati ni sir Steph sa aming lahat na nandito sa Audio Visual Room ng Liberal Arts Department sa University namin.

“Thank you for accepting our invitation for this meeting for the rules and regulations and other concerns for our upcoming Debate Competition 3 weeks from now.”


After the greetings from sir Steph, we all clapped our hands. Pero ako lang yata yung may alanganing palakpak. Bakit ba kasi ako nandito?

I groaned in my head as I remember how all of this started.


“Sheen! Hanap ka ni ma’am Kim.” Sabi sa akin ng kaibigan kong si Tere.

Dali-dali naman akong nagpunta sa faculty office ng department naming para puntahan si ma’am Kim.

Pagkapasok ko ay pinaupo naman ako agad ni ma’am malapit sa table niya.

“Ma’am ano po ‘yon?” Agad kong tanong.

“Sheen, may upcoming Debate Competition 3 weeks from now.” Paunang sabi ni ma’am na agad nagpakaba sa akin.


Oh fudge! I think I know where this is going. Iiyak na ba ako?


“As you can see, busy yung mga seniors. Ang maaasahan lang talaga naming ngayon is kayong mga freshmen kasi wala pa kayong duty sa hospitals.” Dugtong ni ma’am Kim.


Waaahhh! Iyak na talaga ako.


“And, kailangan na kasi ngayon yung list for the debaters sa iba’t-ibang departments. Tayong Nursing nalang ang wala pang naisusubmit.”

“Ma’am, hindi naman po ako magaling sa mga ganyan. Baka po mangatog lang ako doon tapos walang masabi.” Sabi ko kay ma’am.


Huwaah! Ayoko talaga!


“Nilista na kita together with Alex and Tere.” Pagkarinig ko non ay parang bigla kong narinig si Moira na kumanta ng, “At tumigil ang mundo..”

“Igguide ko naman kayo and pati narin ng mga previous debaters ng department natin.” Sabi agad ni ma’am.

“Ma’am pero..”

“May incentives naman—“

“Okay ma’am!” Sabi ko agad.

Oh shoot! Um-oo ako!!


After akong kausapin ni ma’am ay balisa akong lumabas ng faculty room.


Noon lang ako talaga humiling na sana umandar yung hyperacidity ko ng ilang weeks para hindi ako makasama. Kasi para lang naman yun sa mga matatalino, mga brainy, mga matataba ang utak, mga may madaming stellate cells sa noo eh. Hindi ako belong sa mga ‘yon!


Gusto ko lang namang magenjoy sa Foundation Month naming eh! Bakit pa kasi may debate debate pa silang nalalaman.


Pero ayun nga, wala na akong nagawa. During the 3 weeks preparation before the day of the competition, I was just sighing heavily everywhere and crying in my thoughts kasi wala na akong magawa. Nadale lang talaga ako don sa magic word na incentives eh!




The day of the preliminaries of the competition went good, I guess kasi nga nagawa naming makapasok sa semifinals.

Also, may naisagot naman ako bukod sa “What?” and “Yes”. Syempre lumaban din naman ako kahit papano kahit labag sa kalooban ko lahat ng ‘to. Nakakahiya rin naman kapag wala akong nasabi doon.

EverydayDove le storie prendono vita. Scoprilo ora