CHAPTER 61: CAMPING

Start from the beginning
                                    

Maya maya pa, biglang nag unahan yung lahat sa pag sakay ng bus. Sympre hindi rin ako magpapahuli noh. Nakipag siksikan din ako. Ayoko kasi na maubusan ng upuan. Pero sa hindi inaasahang pag kakataon, nung paakyat na sana ako sa bus ng bigla akong hinatak nung isang estudyante at muntik pa akong mahulog. Buti nalang nasalo ako ni kendrix tapos bigla kaming nag katitigan. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko habang nakatingin ako sa mga mata ng mokong na to. Hanggang sa hindi ko nalang namalayan na nakatulala na pala ako.

"Okay ka lang ba Athena? Nasaktan ka ba?" Tanong ni Kendrix.
"Of course, IM YOURS..." nakatulalang sabi ko.

Bigla akong tinignan ni Kendrix na parang ewan. Agad naman ako bumangon at umiwas ng tingin sakanya.

"I mean.. Of course Im perfectly fine. Hehehe." Palusot ko.
"Hay bes! Buti nalang walang nangyare sayong masama. Kaloka ka! Akala ko nabagok na yang ulo mo eh makalimutan mo pa na mahal mo si...."

Agad kong tinakpan ang bibig ni Zoey bago niya pa matapos yung sasabihin niya. Nakakaloka! Ang tabil talaga ng dila ng babaeng to! Ang sarap putulin eh! -________-

"Sino mahal mo Athena si Kendrix ba? As if naman na magustuhan ka ni Kendrix at Calyx noh. Magaganda at sexy na babae yung gusto nila, yung para ako lang. PERFECT! Unlike you Athena....Hmm never mind. Anyway, malayong mangyare yun. In your wildest dream girl." sabat ni Angel.

Bigla akong napatingin kay Kendrix at Calyx ng dahil sa sinabi ni Angel.

"Alam ko naman yun eh." sabi ko.

Paalis na sana ako ng bigla akong hinatak ni Calyx.

"Athena, dun nalang tayo sumakay sa kotse ko. Nakapag paalam nandin ako kay Mr. Martinez, sabi niya okay lang daw. Kaysa naman makipag siksikan tayo diyan diba? Tara?" sabi ni Calyx.

Hindi na ako sumagot at sumunod nalang. Habang naglalakad kami papunta sa kotse ni Calyx ng bigla akong kinausap ni Zoey.

"Oy bes okay ka lang ba?" tanong ni Zoey.
"Ah oo naman bes. Okay lang ako." sagot ko.

She look at me so weirdly.

"Okay? Eh kitang kita ko sa mukha mo na hindi ka okay eh. Dahil ba yun sa sinabi ng Demonyitang Angel na yun?" Bulong niya.

I just look at her na may blankong reaction sa mukha.

"Alam ko naman yung sagot bes kahit hindi mo sabihin. Alam ko na iniisip mo parin rin yung sinabi nung babaeng pinaglihi sa KALAN." seryosong sabi ni Zoey.
"Ha? Kalan? Ano yun?" Pagtataka ko.
"Oo bes! Pinaglihi yung Demonyitang babaeng yun sa Kalan... KALAN-DIAN!" sabi niya.

Bigla akong natawa ng dahil sa sinabi ni Zoey. Nakakaloka! Ang dami alam ng babaeng to. Hahahaha!

"Yun oh! Finally tumawa kana din. Alam mo bes! Wag na wag kang mag papaapekto sa mga sinasabi ng babaeng yun. Takot lang siya na maagawan kasi alam niya na mas maganda ka sakanya." sabi ni Zoey.

Nang makarating na kami sa kotse ni Calyx, sabay na binuksan ni Calyx at ni kendrix yung pinto ng kotse.

"Athena dito kana maupo sa tabi ko." sabi nila ng sabay.

Bigla akong napa tingin kay Calyx at Kendrix. Hindi ko alam kung saan ba ako mauupo. Hay! Nako naman! Ang gulo! T_____T

"Thank you Kendrix! Your so gentleman talaga. That's why I like you so much eh." sabi ni Angel sabay upo sa backseat.

Bigla kami nagkatinginan ni Zoey ng dahil sa sinabi ni Angel.

"Ah Calyx dito nalang ako sa unahan ha? Dito kasi ako sanay maupo eh." sabi ni Zoey sabay kindat saakin.

Hindi ko alam kung para saan yung kindat na ginawa ni Zoey eh. But I really have no choice kundi maupo nalang sa tabi ni kendrix at ni Angel sa backseat. Buti nalang nasa gitna namin si kendrix nakaupo. Ayaw ko din naman kasing katabi si Angel eh. Pero looking at her right now, sobrang na aalibadbaran ako sakanya. Para kasi siyang linta kung makayakap kay Kendrix eh. Ano to? Ubusan na ba ng lalake sa mundo? Para magkaganyan siya? Para atang sobrang desperada na tong babaeng to eh. Nakakaloka! -______-

Habang nasa biyahe kami papunta sa camping site namin. Hindi ko nalang namalayan nakatulog na pala ako. Tapik sa balikat ko ang gumising saakin.

"Athena. Gising na. Nandito na tayo oh." sabi ni Kendrix habang tinatapik yung balikat ko.

Pagdilat ko ng mga mata ko, mukha agad ni Kendrix yung bumungad saakin. Nakakaloka! Hindi ko alam na nakatulog na pala ako sa balikat ni kendrix. Agad akong bumangon at inayos yung sarili ko.

"Sorry Kendrix. Hindi ko alam na nakatulog na pala ako sa balikat mo. Sorry talaga." sabi ko.

He just look at me and he smile.

"Nako wala yun. Okay lang." nakangiting sabi niya.

Hindi na ako sumagot at ngumiti nalang tapos nagkatitigan kami. Pakiramdam ko, biglang tumigil ang mundo ko habang nakatitig sakanya. NANG BIGLANG...

"ANO BES? MAG TITITIGAN NALANG BA KAYO DIYAN HA?" sabat ni Zoey.

Dahil sa sobrang gulat, nagmadali akong bumaba ng kotse.

Bigla nanlaki ang mga mata ko ng makita ko yung sobrang ganda nung lugar

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Bigla nanlaki ang mga mata ko ng makita ko yung sobrang ganda nung lugar. Ngayon palang ako nakarating sa lugar na to but I must say one day, gusto ko na dito ako ikasal sa beach na to. At tumanda kasama ang taong mahal ko.

Itutuloy...

MR. CELEBRITY MEETS MS. NOBODY (CHA EUN WOO FAN-FIC) [BOOK 1 COMPLETED]✓✓✓Where stories live. Discover now