Chapter 25

253 5 0
                                    

Her POV

Napakurap pa ako ng ilang ulit. Hindi pa rin makapaniwala sa taong nakaupo sa harap namin ngayon. Sitting in the adjacent sofa, from where my parents and I were sitted, was Calix's mother, Madam Celestine. She was all glamorised, from her elegant dress up to her prim and proper behavior. Nagsusumigaw ng pagkakalma ang kaniyang ekspresyon, but everything about her is intimidating. 'Yung tipong pati paglunok ng laway na nakabara sa lalamunan ay 'di mo magawa sa harap niya. No wonder Calix has that kind of aura. Both of his parents have it.

"Wag mo sanang mamasamain, Mrs. Fortalejo, but what brought you here?" I looked at Papa after he fired that question at her. He was emotionless. His eyes were hawk like.

I returned my gaze at Madam Celestine when I heard her hemmed. "I heard what my husband did. I'm not here to cause a fight," her voice was laced with seriousness. I can't help but feel cold creeping my nape. "I just want to apologize for all the pain my family had brought to yours," napatingin siya sa akin habang binigkas ang mga huling salita. I was taken aback for a little bit.

"Uhm-"

Napabaling kaming tatlo ng tingin kay Papa nang siya ang sumagot.

"I don't think there's a need for that, but thank you. 'Wag kayong mag-alala, I'll make sure to send my daughter as far away as possible. Sisiguraduhin kung hindi na kami makakagambala pa ulit sa inyo."

Napanganga ako sa sinabi ni Papa. I've sensed anger lacing his voice.

"B-baka naman pwede pa natin itong pag-usapan." Gone was Madame Celestine's calm poise. Napatuwid siya ng upo at tumingin sa akin... pagkatapos ay sa banda ng tiyan ko.

I looked down. Hindi ko kayang makipagtinginan man lang sa kaniya. Napahawak na lang ako sa kaliwang kamay ko. Namamasa na sa pawis ang mga palad ko at may pakanang pag-nginig ang mga ito. Dahil siguro sa tensyong namumuo sa pagitan naming apat ngayon.

"Oo nga naman, Javier. Anak din naman ni Calix ang dinadala ni Jaimee. Kaya baka naman pwede nating idaan sa mabuting usa-"

"My decision is final, Martha." Tumindig ang balahibo ko sa takot na naramdaman sa boses ni Papa.

"Huwag kayong mag-alala. Sisiguraduhin kong lalaki ang anak ni Jaimee ng desente at may disiplina. I won't make the same mistake twice." Sa kay Madame Celestine sinabi ni Papa ang mga iyon. Pero hindi ko maitaboy ang kirot na umatake sa puso ko. "Kalimutan na lang natin na minsang naglandas ang ating mga palad."

Walang naka-imik sa aming tatlo, pagkatapos ng huling mga salitang binitawan ni Papa. Tanging tikhim lamang ang naisagot ni Madame Celestine.

"Jaimee! Jaimee, mag-usap tayo!"

Sabay-sabay kaming napabaling sa pinanggalingan ng boses. It was coming from outside, probably near the gate.

"Kausapin mo ako, please! Ayusin natin 'to!"

Napatigil ako sa pagtangkang pagtayo nang hawakan ni Papa ng mahigpit ang aking palapulsuhan. Kaya wala akong nagawa kundi sundan ng tingin si Madame Celestine nang tumayo siya at naglakad papalabas.

"Jaimee, please!" may paghihinagpis na sigaw ni Calix sa labas.

"Papa!" gulat na sigaw ko kay papa nang tumayo siyang bigla. "Huwag kang lalabas. Huwag mo kong susubukan, Jaimee." Banta sa akin ni Papa bago nagtungo palabas.

"Go home, Calix! Stop making a scene." That was papa. Natakot ako sa galit na narinig sa boses niya. Natakot ako para sa maaari niyang gawin kay Calix. My father is always calm. But he can be violent at some times.

"Mama." I cried at my mom. Walang nagawa si Mama kundi hagurin ang likod ko.

"Just listen to your papa na lang anak," pang-aalo ni Mama. Pero hindi niya ako napigilan. I got away from her hold and ran towards the doubledoor leading outside of our house.

His Legal and Illegal wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now