Chapter 22

178 2 0
                                    

Her POV

Nakaroba pa rin ako nang bumaba ng building. Hindi ko na inalintana ang mga malisyoso at kuryusong tingin ng mga nadadaanan ko. I was just so engrossed with the pain I was feeling. A little part of me hoped na sana hinabol ako ni Calix. But nothing happened.

Humahagulhol ako patungong parking. Napasabunot ako sa sarili nang marealize na naiwan ko pala sa kuwarto ang susi ng sasakyan ko. Kahit na nanghihina na ay pinili ko pa ring bumalik sa taas.

Oh, shut up Jaimee! I know that a part of you wanted to go back.

Yeah. I was a little bit hopeful. Habang nasa loob ng elevator, napag-isip-isip ko na baka pwede pa naman. I can just accept that and let it be.

We have gone this far, ngayon pa ba ako susuko?

I rubbed my arms to ease the cold creeping in my skin. I can't also help but to think how shameless I am. I am smart, but why can't I fucking think straight?!

Marahan ang bawat tapak na ginawa ko papalapit sa pintuan ng penthouse namin. The door was left open. Pinunasan ko ang mukha at huminga ng malalim. We should talk. That's right. I can't lose him now. It's not just me anymore.

"I have told her already," mahinang sabi ni Calix sa katawagan. Hindi niya alam na andito ako. He was facing the glass wall, looking at the skyscrapers. His back was facing me. Hinilot niya ang kaniyang sentido gamit ang isang kamay. Para bang problemadong-problemado ang kaniyang tono.

"I can't take it back, Therry. We have to split up. Nothing can change my mind."

Parang ilang daang punyal ang tumarak sa puso ko nang marinig iyon galing kay Calix. I hold my mouth, trying to stop my sobs.

I wanted so bad to shout at him, right at that moment. I wanted to ask him if he really loved me. O baka ang lahat ng ito ay para lang makapaghiganti siya sa akin?

Right! Why didn't I think of that? Kung iisipin nga naman, it was so unlikely for him to have business with Papa. Their company doesn't need ours. Ours can't compare to theirs, kaya bakit pa nga ba naman sila makiki-sosyo sa amin? Ang bobo ko talaga!

Bago pa niya malaman na andoon ako ay pinili kong umalis na roon. Parang tanga na naman ako na umiiyak habang tinatahak ang daan paalis ng building na iyon. I haven't gotten my car keys, kaya nag-Grab na lang ako.

Paano na ako ngayon? Paano na kami ng anak ko ngayon?

"Iniwan na tayo ng papa mo anak. Tayo na lang ngayon," I sobbed. I caressed my womb. Wala pa namang umbok pero ramdam ko ang buhay na naroroon.

Yes. I'm pregnant. I was 2 weeks pregnant according to my OB. Kaya ako nahihirapang mag-desisyon. Kaya kahit nagmumukha ng tanga ay hindi ko pa rin magawang bumitaw kay Calix.

It's not that I can't nurse my child on my own. I just don't want him to grow without a father on his side.

I was thinking of informing Calix. That's why I've been trying to contact him for the past days. I thought I would surprise him.

Ako pala itong nasorpresa.

Ngayon, hindi ko na alam kong gugustuhin ko pa bang malaman niya. Therry is pregnant. My child has a rival for his father's love. Kikilalanin ang anak ko bilang anak sa labas. Kahit ilapag ko pa lahat ng patunay na ako ang legal na asawa, walang maniniwala sa akin. We were married secretly, but his marriage with Therry was well-known. Aside from that, sa kaniya na mismo nanggaling na walang makakapagbago ng isip niya.

I tried to fix myself when the car I grabbed has parked in front of me. Nong una ay duda pa ang driver. Dahil siguro sa ayos ko.

"Daan po muna tayo sa isang drive thru manong, bago sa Greenwood Subdivision po." Tumango lang ang driver. Balak ko sanang dumaan muna sa hospital para mangamusta, but I realized that I look like a mess right now. Kailangan ko ring magpahinga muna. Masama sa anak ko ang magpagod ako ng sobra.

His Legal and Illegal wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now