Chapter 3

239 9 2
                                    

Her POV

Kinabukasan, ang sobrang sakit na ulo ko ang bumungad sa akin. Umupo ako at hinilot ang sentido ko habang nakapikit pa rin. I slowly opened my eyes and fuck!

Where am I?!

Sinilip ko ang katawan ko na natatabunan ng comforter. Oh, thank God! Hindi naman ata ako narape ng kung sino dahil suot ko pa naman ang mga damit ko. I scanned the whole area. I think I'm in a condominium of--- wait! Napatingin ako sa tabi ko. Shit. May lalaki akong nakatabing matulog sa kama?! Waaah! Calix, hindi kita pinagtataksilan.

Pumikit ako at hinilot ang sentido. Sinisubukan kong may maalala. Pero tanging mga tawa lang ng hindi ko alam kung sinong mga baliw ang naririnig ko sa utak ko.

Nang mapagod sa kakaisip ay iginawi ko na lang ang aking tingin sa lalaking katabi ko ngayon sa kama. Wait, siya yung lalaki kahapon, a! The perverted playboy who was so full of himself!

Nakadapa siya sa kama habang nakatagilid ang ulo niya sa gawi ko. Pinagmasdan ko siya. Hindi maipagkakailang gwapo talaga siya. Kaya naman pala mayabang dahil may maipagmamayabang. Sa unang tingin ma-gu-gwapuhan ka sa kanya, pero pag tinitigan mo ay mas mangingibabaw ang ka-cute-an niya. Makinis ang kutis niya na parang babae. Baka nagpapaderma to every month.

Hinaplos ko ang pisngi niya upang madama kung gaano kalambot ito. Napabalikwas ako sa kaba nang bigla niyang hawakan ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya.

Ito na naman ang halikhik niya na nakakainis! Dinilat niya ang isang mata at tumingin sa 'kin nang nakangisi. "Ano? Sabi na eh. Wala talagang makakaangal sa kagwapuhan ko," inaantok na wika niya.

Hinapas ko nga ng unan. "Yung totoo? Pinaglihi ka sa electric fan, 'no? Ang hangin mo kasi!" Naiinis na sabi ko. Tumawa lang siya at umiling. Umupo siya at nagpadekuwatro.

"Uh-ow. I can see heaven from here," nakangising sabi niya. Sinundan ko kung saan siya nakatingin.

"Bastos!" Hinampas ko ulit siya ng unan nang buong lakas! Bwisit! Sa cleavage ko pala nakatingin ang manyakis na 'to! Mas lalo akong nainis nang tumawa lang siya kaya mas lalo ko siyang pinaghahampas, todo iwas naman ang gago.

"Hindi ko naman kasalanan na kusang ngumingiti sa akin yang---ARAY! Tama na. Ouch!"

"Bwisit ka! Manyak! Pervert! Rascal! Miscreant! Asshole! Bugger!" At lahat na ng masamang tawag sa isang tao ay ipinangalan ko sa kaniya habang hinahampas at sinasapak pa rin siya.

Nang mapagod na ako sa kakahampas at kakasapak sa kaniya ay tumayo ako at inayos ang damit ko na nalukot na.

"Uuwi kana?" Tanong sakin nang gago. Bwisit na payatot na 'to! Hindi ba siya aware na nasisilaw ako sa anim na pandesal niyang iyan?! At paano pa niya nagawang magtopless e may katabi siyang maganda sa kama? Hindi ba niya naisip ang possibility na mahalay ko siya kagabi? My God! Wala akong iniisip na masama. Wala talaga!

I shook my head to stop this disturbing thought.

"Obvious ba?" Inirapan ko rin siya.

"Hindi ka man lang ba maliligo?" Kinunot ko ang noo ko sa tanong niya. Biglang nagliwanag ang mukha niya at natawa.

"Oh, come on. Hindi kita bobosohan. I'm too handsome to stoop that low," mayabang na naman na sabi niya na ikinairap ko.

"Do you have spare towel and a toothbrush here?" I said as I raised my right brow.

"I have spare toothbrush at the cabinet of my washroom. About the towel, you can use mine." He winked at me as he finished his statement. Hindi ko na pinansin ang sinabi niya. Mapapagod lang kasi ako kung papatulan ko pa siya. I turned my back at him and started walking.

His Legal and Illegal wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now