Chapter 13

201 6 0
                                    

Her POV

Bababa na sana ako pero 'di ko nagawa dahil biglang pinaharurot ni bakla ang kotse niya.

"Bakit ka lumarga?!" naiinis na bulyaw ko sa kaniya. Pero imbes na sumagot ay nanahimik lang siya. Seryoso ang ekspresiyon ng mukha niya habang nakatingin ng derestso sa kalsada. Napansin ko rin ang mahigpit na paghawak niya sa manibela at ang pag-igting ng panga niya.

"Stop the car," mahinahon na sabi ko. Pero kagaya kanina, nanahimik lang ulit siya.

"I SAID STOP THE CAR!"

Nahugot ko ang hininga ko ng biglaan niyang iliko ang kotse at itinigil sa gilid. Ang bilis ng mga pangyayari. Akala ko ibabangga niya ang kotse. Naghalu-halo na tuloy ang emosiyong nararamdaman ko ngayon. Sakit, selos, inis, at kaba. Wala na naman akong nagawa ng magsimulang magsipatakan ang mga luha ko. Ang iyakin ko!

"Nakakainis ka! Gago ka! Haliparot na bakla ka!" Sunod-sunod na sigaw ko habang marahas na pinupunasan ang mga luha ko na kumakawala.

Napatigil ako sa pagsisigaw ng maramdaman kong niyakap ako ni Terrence.

"I'm sorry," marahang bulong niya habang mahigpit na nakayakap sa akin.

A hug, this is what I need at this moment.

I cried out loud at Terrence's shoulder. And he didn't utter any word. He's just kept on hushing and caressing my hair. Sa mga bisig ni Terrence, naramdaman ko kung paano yakapin ng isang kapatid.

"Now tell me. How can you be able to face him when you're in this kind of state?" Terrence's voice was so soft as he mutter every word. I felt him stiffened when I tighly hugged him back.

Ilang minuto rin kaming magkayap lang. Even if I was crying, I was able to notice his perfectly chiseled body, and his manly scent. 'Wag na kayong magtaka kung paano ko siya naamoy e barado ng sipon ang ilong ko. Believe it or not, matalas ang pang-amoy ko pagdating sa mga guwapong lalaki. Sayang nga lang si bakla.

"Hoy bakla! Nananatsing ka na ha!" pang asar ko. Humiwalay na ako sa yakap niya dahil nangangawit na ako.

Pinitik niya ang noo ko. "Akala mo naman kagandahan ka para chansingan kita," kutya niya. Umirap ako at nagpamaywang.

"Maganda ako hoy!"

"Mas maganda kapatid ko."

"Maputi lang siya pero mas maganda ako!"

"Weee?"

"Maganda ako!"

"Sa Lola mo 'yan sabihin, baka mauto mo pa."

"Buwisit ka! Maganda nga ako!"

"ASA ka pa!"

"BAKLA!"

He fell silent at my last word but he then came back to his senses and turned his attitude to 180°.

"Ba't ba bakla ka ng bakla ha?!" Sigaw din niya.

"Kasi bakla ka naman, 'di ba?" I mocked. How funny it is that the table had turned at my side. But the look on his face was funnier. His brows was now perfectly creased. He really looks hot when he's mad or irritated but sadly, just like what I've said, sayang siya kasi bakla siya. Hahaha.

"Hindi ako bakla!"

"Bakla ka!"

Umismid siya at umirap. "Bakla man sa iyong paningin, at least ako'y may pandesal na anim," he said and then leaned on to his car's chair and crossed his arms.

This time, I was the one who fell silent at his remarks. But then later on, I laughed out loud. I laughed so hard to the point na napapahawak na ako sa tiyan ko at naluluha-luha na rin ako.

His Legal and Illegal wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now