Chapter 5

219 7 0
                                    

Her POV

It's been weeks since the last time I saw him. I always came in the office on time, hoping that I might see him again here. Nagtataka na nga si Papa kung ano ba daw ang nakain ko at bakit parang ganado akong magtrabaho. I just thought that he might pay a visit again.

Lunch time na kaya naisipan kong pumasok sa office ni Papa para tanungin kung anong gusto niyang pananghalian. May kausap siya sa telepono nang pumasok ako kaya naghintay muna ako. Mas lalo akong na-curious nang marinig ko ang apelyido ng lalaking matagal ko nang hinihintay.

"Pa, what do you want for lunch?" I asked when he put the phone down.

"Don't bother. I will eat lunch in a resto with Mr. Fortalejo later," he said while he was busy scanning something through the pile of papers.

"Mr. Fortalejo? Uhm, can I come with you Papa?" Natigil si papa sa ginagawa niya at kunot-noong tumingin sa akin.

"Why?"

Napakamot ako ng batok sa tanong niya. I didn't expect that!

"Because I'm your secretary?" I hesitantly replied. Nagkibit balikat lang si Papa at tinuloy ang ginagawa.

"What time are we going out, Pa?" I asked excitedly.

"I'll just give you a call."

Masaya akong lumabas sa opisina ni Papa. Naupo ako sa swivel chair ko at hinanap ang make-up kit ko. I traced my brows, put brown shade on my eyes, and applied a red shade on my lips. I combed my curly brown hair and let it loose. Chineck ko rin kung maayos ba ang damit ko.

Naiinip akong naghihintay sa tawag ni Papa. Mag-iisang oras na ata mula no'ng galing ako sa opisina ni Papa. Paulit-ulit ko ring tinitignan ang mukha ko sa salamin. Baka kasi na smudge yung lipstick ko or may something sa mukha ko.

Nakapalumbaba ako habang nag fa-facebook nang lumabas si Papa. Dali-dali akong tumayo.

Nagtataka namang tumingin sa akin si Papa. Tiningnan niya pa ako ng isang beses at kumunot na naman ang noo niya.

"What's with the make up?" he asked curiously. Eh?

"Para naman disente akong tingnan Pa," I said trying to convince him.

"Whatever you say little miss," he said.

Sumunod ako kay Papa sa paglalakad, pero syempre nauuna pa rin siya ng isang hakbang. I still have to act as his secretary for formalities. Si Papa ang sumakay sa front seat, katabi ng driver at ako naman ang napunta sa likod. We talked about his schedule for the following day, on our way.

Bumilis ang pagtibok ng puso ko at nakaramdam ako ng sobrang kaba nang tumigil ang kotse sa harap ng isang Italian restaurant. Nauna akong bumaba. Nararamdaman kong namamawis na ang mga kamay ko. Hindi naman ganito yung naramdaman ko nung nakita ko siya sa office ni Papa.
Maybe because I'm not aware that he was there while this is a different story.

Excited akong pumasok. Palinga-linga sa mga table, baka sakaling masilayan ko siya. Nilapitan kami ng isang waiter at tinanong ko kung saan nakabanda ba ang nireserba na table ni Calix. Hinatid naman niya kami sa second floor ng restaurant na sa palagay ko ay VIP section dahil naka-kuwarto ang mga ito. 'Di katulad nung sa baba na mga table lang. I should've expected this. I'm with the bosses, so it will be in a VIP room.

I excitedly turned the knob but to my disapoinment, Calix was not there.

Mr. Fortalejo, his dad, stood up and took my father's hand for a shake hands. I scanned the whole area and Calix wasn't really there. I heaved a sigh of disappointment.

His Legal and Illegal wife (COMPLETED)Kde žijí příběhy. Začni objevovat