Chapter 4

247 7 0
                                    

Her POV

Hindi ko alam kung ilang segundo o minuto akong nakatayo, basta bigla na lang akong natauhan at nakitang nakaupo na sila sa sofa ng office ni Papa.

"Jaimie? Are you okay?" Napabaling ako ng tingin sa papa ko at hindi ko maiwasang tapunan ng tingin ang lalaking katabi niya, na blangkong ekspresyon lang ang ibinalik sakin.

"A-ah, y-yes! O-of course, I'm okay! I'm fine!... I'm really okay."

My father's brow arched and he gave me a confused expression. Napatingin na naman ako sa lalaking katabi niya na gano'n pa rin ang ekspresyon, na parang wala lang sa kanya ang presensya ko.

Napatungo ako sa ideyang pumasok sa utak ko. Is he still my Calix?

"Jaimie? I think you're not okay." Napatingin ulit ako kay Papa.

"You can go home. You can rest for today. But we will talk later Ms. Jaimie Salcedo about you not going home last night," seryosong bigkas ni Papa.

"No Pa, I'm fine. I won't rest kasi... K-kasi  I still have work...Right! I have a work to do," malumanay kong sabi kay papa.

"No, you need to rest hija. Namumutla ka," nag-aalalang sabi ni papa.

"A-ah okay lang naman ako Papa. Nakulangan lang siguro ako ng araw---"

"Go home ,Ms. Salcedo. Try to listen to the people around you. Stop being stubborn."

Gulat akong napatingin sa kanya, sa lalaking katabi ng papa ko. Blangko pa rin ang ekspresiyon ng mga mata niya na dati'y punong-puno ng sigla.

Ako lang ba o talagang may iba pang ibig sabihin ang sinabi niya?

"Hindi ako stubborn, Mr. Fortalejo. Iniisip ko lang kung ano ang mas makakabuti, at mas makakabuti kong a-andito ako... p-para matapos ko 'yong... 'yong naiwan kong trabaho kahapon," inis na sagot ko. Mas lalo akong nainis nang makita ko ang nang-iinis niyang ngisi.

"Ah, talaga? Bakit mo pa babalikan kung iniwan mo na?" Kinuyom ko ang kamao ko sa inis at dahil na rin sa natamaan ako sa sinabi niya. I gritted my teeth. Pasalamat siya, mahal ko siya!

"Bakit mo nga ba iniwan yang trabahong iyan? Dahil ba may mas importante pa kaysa diyan?" Sarkastiko niyang tanong na may kasabay pang irap. Naikuyom ko na lang ang kamao ko.

My breathing hitched. Mas nagagalit ako sa sarili, 'di makapaniwala na mas nangingibabaw ang kagustuhan kong lapitan siya para suyuin kaysa sa pride ko na mukhang sumuko na rin.

"Saan ka nga-" Napabalik ang atensyon ko kay papa. He stopped midway when he realized that we were in front of a visitor. Anyway, you can just go home. May importante kaming pag-uusapan. We'll talk later."

"I just slept in a friend's condo, Pa. No need to worry." Nakita kong kumbinsido si Papa sa naging sagot ko. Siguro iniisip niyang si Kylie ang sinasabi kong friend. Siya lang naman kasi ang kilala nilang kaibigan ko, at nasanay na rin naman sila na parati akong nag-s-sleepover sa apartment ni Kylie.

Nanumbalik ang inis ko nang marinig ang sarkastikong halakhak ni Calix.
"You shouldn't just sleep in a friend's condo."

"Stop meddling in our business, Calix!"

"JAIMIE! Your behavior!" Galit na sigaw sa akin ni papa.

Malalalim ang hiningang pinapakawalan ko. Hah! Halata kong pinepersonal niya ako kanina pa. That fucking asshole!

"I'm sorry for my daughter's behavior."

"No need to be sorry, sir," magalang niyang sabi sa Papa ko. "Sanay na ako sa mga pag-uugali niya," malamig na sabi pa niya at tumingin sa akin. Parang hinaplos naman ang puso ko nang bahagyang sumilay sa kaniyang mga mata ang sakit... And just like that, my anger subsided. Bumalik ang pananabik, lungkot, at panghihinayang.

His Legal and Illegal wife (COMPLETED)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ