Chapter 2

258 8 0
                                    

Her POV

It's 11:25 PM and I'm here again in my favorite bar. Syempre dating gawi.

Nag-iinom ako ngayon mag-isa dahil hindi raw makakarating si Kylie. May date raw sila ng boyfriend niya. Tss. Nagkaboyfriend lang ang bruha, nakalimutan na ako.

Naka-limang baso na ako pero di pa ako tinatamaan. Sanay na ata ang katawan ko.

"Hey miss. Alone?" tanong sakin ng lalaking hindi ko kakilala.

Umupo siya sa katabi kong seat. Pinasadahan ko siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Inirapan ko nang magkatagpo ang aming mga mata. Alam ko naman kung anong gusto niya e. Ang magpabebe hanggang sa bumigay ang target niya. Ang lalandi talaga ng mga lalaki ngayon! Pero sorry siya dahil maling tao ang tinarget niya.

Sa ilang taon kong pagbalik-balik sa bar ay nakilala ko na ang iba't ibang uri ng tao na ma-me-meet mo rito.

Nangunguna sa listahan ang mga bad ass at social climber. May iba rin naman na tahimik lang sa gilid. Marami 'yong naghahanap ng ka-hook-up. Mayroon din namang naghahanap ng saya rito para makalimot. Hindi rin mawawala sa listahan ang mga jologs. But I don't give a damn about them as long as they wouldn't approach me. As for me, hindi ko alam kung saang class ako. Doon siguro sa grupo na nagba-bar lang para makalimot.

"Sungit mo naman miss. Anyway I'm Terrence, you are?" Sabay lahad nito ng kamay niya pero tinaasan ko lang siya ng kilay.

"Tinatanong ko ba?" I asked irritatedly. Bumaling ako sa basong hawak ko at tinungga ang laman nito.

I heard him chuckled. "Alam ko naman na itatanong mo rin ang pangalan ko. Kaya inunahan na kita. Baka gusto mo ring kunin ang number ko?" Ngumisi siya sakin at nag wink pa. Tss. What a playboy I have here! Inirapan ko na lang siya.

"You know what, hindi lang ako gwapo, magaling din akong listener. So what's your problem?" he said while wiggling his brows.

Hindi halatang mayabang to, 'no?

"Can you just leave me alone?"

Napupuno na talaga ako sa bwisit na 'to.

"Okay!" He raised his both hands as if he was accepting defeat.

"Mas gwapo naman siguro ako kaysa diyan sa ex mo na pinoproblema mo ngayon, 'di ba?" he asked boastfully while he was wiggling his brows. I groaned and rolled my eyes with his remarks. Mind you, this man is so full of himself too. Tss.

I heard him chuckled again and I frowned at him. "That groan was so sexy, dear," he mocked. My God! He's a total pervert as well!

Hindi ko na lang siya pinansin kaya nanahimik na lang din siya. Ilang ulit ko siyang pinapaalis pero ayaw niyang umalis kaya pinabayaan ko na siya. Nagiging comfortable na rin naman ako sakaniya. Nabigla na lang ako na dalawa na kaming tumatawa na parang baliw at umiinom na parang wala nang bukas.

Siguro isa o kalahating oras na kaming nag-iinuman. Tawa lang kami nang tawa tungkol sa mga bagay-bagay. Ewan ko kung ilang baso na ang natungga ko. Basta ang alam ko tinamaan na ako ng alcohol.

"Ahe he alam- *hik* -mo bang ang- *hik* -gwapo ko? Ha ha ha! *hik* Shempre 'lam mo hahahahaha." Tawang-tawa siya sa waley na joke niya habang ako naman ay kunot pa rin ang nuo. Kinurot ko siya, pero tawa pa rin siya ng tawa na para bang naiipit sa kung ano.

"M-may j- *hik* -joke ako," he said with wide smile. Hindi ko siya sinagot at tinungga na lang ang laman ng shot glass ko.

"Sig- *hik* -e, ano?" Siya pa rin yan.

"Ano- *hik* -nga b-ba 'yung shampoo? Hihihi," tinignan ko siya. Tsk, tsk. Wala ng pag-asa ang isang ito. Nang hindi ako sumagot ay siya na ang sumagot s sarili niya.

"Yun 'yung- *hik* -p-pag mag- *hik* - bibilang ka. Isa, dalawa,- *hik* -tatlo, apat, hanggang SHAMPOO! Ha ha ha,"

"Puta! Sobrang- *hik* -nakakatawa 'yung joke ko. Ha ha ha." Tiningnan ko siya at pulang-pula na ang buong pagmumukha niya sa kakatawa sa patay niyang joke. Napapailing na lang ako. Ang lakas ng amats ni tsong! Ang baba naman ng alcohol tolerance niya. Ako kasi nakapagsalita pa ako at nakakapag-isip ng matino.

Tumingin-tingin ako, naghahanap ng taong maidadahilan para maiwan ko na ang isang 'to rito. Nang mahinto ako dahil sa naramdamanang pagkahilo na dulot ng ininom ko at ng iba't ibang kulay ng ilaw dito sa loob ng bar. Mas dapat na umuwi na ako. Bahala na nga ang isang 'to sa buhay niya!

"Uwi na- *hik* -ko," sabi ko sakaniya. Tatayo na sana ako nang biglang magdilim ang paningin ko. Masusobsob na dapat ang mukha ko sa sahig nang may marahas na kamay ang pumulupot sa bewang ko para saluhin ako. Sinubukan kong aninagin at mukha ni Calix ang nakikita ko.

Inabot ko ang pisngi niya at marahan na hinaplos ito. "Miss na miss na kita," nakangiting sabi ko na biglang napalitan ng mga hikbi. Naramdaman ko na lang na binuhat niya ako, kaya niyakap ko siya at hinayaan ang sarili na mahulog sa kawalan. I'm with Calix naman.


*****
Sorry yan lang nakayanan ng nangangalawang kong utak.😁

His Legal and Illegal wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now