Prologue

779 12 0
                                    


"Jaimee. Hey baby please don't leave me," pagmamakaawa sa akin ni Calix habang nag-iimpake ako.

"Lix, what we did is wrong. Really wrong!"

"Ano bang mali doon? You love me and I love you more!" He persuasively said. Sinubukan pa niyang alisin ang mga damit na nailagay ko na sa maleta.

Tumigil ako sa pag-aayos dahil bawat lagay ko ay siya rin namang pagkuha niya ulit sa mga damit ko mula sa maleta. Huminga ako ng malalim para pigilan ang inis ko. Tumayo ako ng maayos at hinarap si Calix.

"Mga bata pa tayo, Calix! Marami pa tayong hindi alam. Kung hindi sana tayo nagpadalos-dalos edi sana hindi tayo naghihirap ngayon. Gosh, for damn's sake. I'm just 16 and you're 17!" I explained it to him.

"Age doesn't matter!" Naiiyak na sabi niya. Nanlambot ang tuhod ko sa nakikita ko. As far as possible ay ayaw kong saktan siya.

"That's not what I'm trying to say. What I mean is, we are underage. Hindi tayo handa sa situwasyong ganito. Hindi ko na kayang tagalan ang ganitong buhay, Calix. I badly missed my parents too. Sana maintindihan mo," mahinahon kong tugon sakaniya.

Calix and I got married in an early age. Actually, it's our 3rd week today as a husband and wife.
He's my boyfriend for 3 years kaya nong alukin niya akong makipagtanan ay hindi ako nagdalawang isip. Natakot kasi ako na baka mawala siya. Napag-alaman kasi naming balak siyang ipakasal sa iba pagkagraduate namin. We can't let go of each other kaya naging padalos-dalos kami. Pinangunahan kami ng emosiyon which I think was wrong.

Tago lang ang relasyon namin kasi pinagbabawalan ako ng parents kong makipagrelasyon. Ang bata-bata ko pa raw para sa mga ganoong bagay.

Nagtataka siguro kayo kung paano kami naikasal e underage pa kami. Naihanda na kasi ni Calix ang lahat nang magtanan kami. Matalino siya eh. Sa pag-ibig lang talaga nagiging tanga ang isang 'yon, parang ako lang.

Successfully, naikasal naman kami sa ibang bansa somewhere in middle east Asia. Pero WALA pang nangyayari samin ha! Sabi niya kasi gagawin lang namin yun pag nasa tamang edad na kami. Ayoko rin namang maging teenage mom noh!

After how many weeks, unting-unti ng nauubos yung perang dala namin. Wala namang tumatanggap saamin dito sa trabaho dahil di pa kami nakakagraduate ng highschool. Sa kangkongan na nga talaga kami pupulutin kung hindi pa kami babalik.

"Please jaimee don't leave. I-I don't know what to do without you. I-I promise, I'll work hard for us. Just b-believe in me," umiiyak na sabi ni Calix.

Nabigla ako sa bigla niyang pagluhod. Nasasaktan ako na nakikita siyang ganito. Pinantayan ko siya at marahang pinunasan ang mga luha niya.

"Babe naman. Wala namang magbabago e. Hindi naman tayo magdidivorce. Kailangan lang talaga nating umuwi na. We can keep this marriage secretly just like how we kept our relationship for years. I promise, pag nasa tamang edad na tayo, pagkaya na nating buhayin ang sarili natin at nang magiging pamilya natin, mag papakasal ulit ako sayo," mahinahon na sabi ko.

I kissed his forehead at tumayo na ako pero siya naluhod parin siya at tahimik na umiiyak habang nakatungo. Napabuntong-hininga na lang ako.

Naiiyak na ako pero pinilit kong huwag maiyak. Oo, ang swerte ko sa kanya. He's every girls dream. Para siyang fictional character sa mga libro. Yung tipong sobra magmahal.

He even told me once that he could be like Azi, who would f*cking beg, on his bending knees, for his chance. Or be like Parker, who is willing to get hurt just to save his Imogen from any danger.

Tumingin ako sa wrist watch ko. It's almost time.

I heaved a sigh again. I gazed at Calix, who was still on the floor crying. Pinilit ko siyang sumabay sa akin umuwi pero di siya pumayag. I was left with no choice but leave him here alone. I hope he would be fine here.

Kinuha ko na ang maleta ko at naglakad patungo sa pintuan. But before I could even step out of the house, I heard Calix's broken voice.

"Try to leave and you will never see me again."

Napahinto ako sa sinabi niya. Sobrang pagpipigil ang ginawa ko para huwag lumingon. Dahil alam ko na pag ginawa ko ay baka bumigay na ako. I can't afford to see him hurting.

I know him very well, and I knew that he was serious with his threat. Pero buo na ang desisyon ko, at sana tama itong gagawin ko. Sana hindi ko pagsisihan.

"There's always a right time for everything, Calix. I love you... But I have to say goodbye... for now."

***

A'sN:
My first story to be published here. I hope you'll like it. Don't mind the wrong grammar, typo, or any error.
It will be highly appreciated too if you hit vote and you let me know of your thoughts about the story.

So are you ready for the next chapter? Then you go! Enjoy reading!😊

His Legal and Illegal wife (COMPLETED)Where stories live. Discover now