Chapter 48

5K 184 18
                                    

Max's POV





I receive a call from Candice, 2 days raw syang walang pasok kaya gusto nyang bumisita sa amin.

"Bakit hindi kapa nagpapalit ng damit?" Tanong ni Angel. Kakauwi lang namin galing sa ob-gyne.

"Love, may sasabihin ako."

"Ano yun?"

"Pupunta raw si Candice dito." Alam ko na ang magiging reaksyon nya pero kelangan ko paring sabihin.

"What?" Sigaw nya. Sabi ko na. "Anong gagawin nya dito?"

"Gusto nya raw mamasyal."

"Napakalaki ng america, bakit dito pa sa atin?"

"Wala naman sigurong masama. Hayaan mo na." Kalmado kong wika. Kumuha ako ng damit at nagbihis. "Ipagluto na lang natin sya ng dinner. Kawawa naman kung tatanggihan ko."

"Hindi ba napag-usapan na natin to? Akala ko ba malinaw sayo na ayaw ko sa kanya."

"Oo alam ko, pero nakakahiya naman kasing tumanggi. Nakakahiya kung sasabihin ko sa kanya na hindi pwede kasi ayaw mo." Gusto ko lang maging patas sa kanilang dalawa. Unfair kay Candice dahil wala naman syang alam na pinagseselosan sya ni Angel.

Hindi sya sumagot at nakatingin lang sa akin.

"Love naman, pagbigyan mo na kahit ngayon lang." Hinawakan ko ang magkabila nyang balikat. "Wala ka bang tiwala sa akin?" Nasabi ko na lang dahil wala na akong ibang maisip para makombinsi sya.

"Meron, pero sa kanya wala." Taas kilay nyang sagot. "O sige papayag na ako, baka sabihin pa ni Candice na wala akong utang na loob." Tinalikuran nya ako at tinabihan si Luis.

"Bakit naman tayo umabot dyan?"

"Wag mo na akong tanungin. Sige na mag-grocery kana. Ipagluluto ko sya ng masarap mamaya."

Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o kakabahan sa pagpayag nya.

---

"Hi Angel, hi Luis." Nakangiting bati ni Candice pagkakita sa kanila. Ilang oras rin ang binyahe nya para makarating dito. "May dala akong pasalubong para sayo." Pinakita nya ang maliit na box kay Luis. "Here, this is for you."

"What is that?" Nasasabik naman si Luis. Kinuha nya ito at inabot kay Angel. "Open it mom."

"Later baby." Nilagay muna ni Angel ang box sa sofa. "Umupo ka. Mabuti at hindi ka naligaw papunta dito." Baling nya kay Candice.

"Salamat kay Max, ang galing kasi nyang magbigay ng direksyon kaya hindi ako nahirapan." Ngumiti si Candice sa akin kaya napangiti na rin ako.

"Oo nga, lahat naman magaling yan." Hinawakan ni Angel ang batok ko at hinimas ng madiin. Medyo masakit.

"He he." Napatawa ako ng hilaw. "Ahmm, dito kana magdinner. Tara kumain muna tayo."

"Ha? No, it's ok. Nakakahiya naman sa inyo."

"Ano ka ba wag ka ng mahiya, para sayo talaga ang mga niluto ko. Di ba Max?"

"Yeah, that's right." I know she's faking it, but it doesn't matter as long as she's being nice. Kahit ngayon lang maging ok ang pakikitungo nya kay Candice.

Naaawa parin ako sa kanya kapag naiisip ko ang mga pinagdaanan nya.

Napakaliit lang na bagay ang gusto nyang mangyari, maging kaibigan ako at maging malapit sa akin para sa puso ni Travis. Sa akin walang problema pero kay Angel napakalaking problema.

Labstory II (gxg) - SEQUELWhere stories live. Discover now