Chapter 11

12.6K 267 21
                                    

Max's POV

"Alam mo Kath kung ako rin naman siguro ang nasa sitwasyon mo gagawin ko rin yan. Syempre mahal mo yung tao eh. Bakit mo pa pahihirapan yung sarili mo di ba?" Sabi ko kay Kathy. Andito kami sa cafeteria at kumakain ng lunch.

"Yan rin ang iniisip ko habang pinapakinggan ko ang paliwanag nya kagabi. Mahal ko naman sya tsaka ayoko ng magpakipot. Ang importante nag-sorry na sya at nangakong hindi na ulit gagawin yun."

Nagkibit balikat lang ako at ngumiti. Hindi ko na rin kwenento ang ginawa ni Bel kagabi sa restaurant. Ayoko namang maging dahilan ulit ng pag-aaway nila lalo na ngayong nagkabalikan na ulit sila. Siguro iisipin ko na lang na nagselos lang talaga si Arabela sa akin kaya nya nagawa yun.

"Max sa tingin mo hindi ba ako nagmukhang easy to get or tanga?"

"Hindi naman. Bakit mo naman nasabi yan?"

"Wala naman. Naisip ko lang. Ang bilis ko kasing maniwala sa kanya."

Medyo natawa naman ako. "Kath nagmamahalan naman kayo kaya hindi mo yan dapat sabihin. Ganun naman talaga yan, away bati away bati away bati. Ang mahalaga nagkakaintindihan parin kayo sa huli."

"Kayo ba ng asawa mo ganyan rin?"

"Oo naman. Mas grabe pa nga dyan. Kung mag-away kami talagang away talaga. Pero at the end of the day naaayos naman namin, kasi wala namang ibang makakaintindi sa sitwasyon nyo kundi kayo lang naman di ba. Tsaka lahat ng away naaayos kung pinag-uusapan ng mabuti."

"Yeah I agree. Walang maidudulot na maganda yung puro sigawan."

"Tama." Oo naman wala talaga. Pero except for Angel. Sanay na akong nasisigawan nya.

"Pero Max infairness naman kay Arabela isang beses lang nya akong nasigawan. Nakipag-sigawan rin naman kasi ako eh."

"Sa tingin ko minsan kelangan rin ng sigawan para magkarinigan kayo." Biro ko.

Tumawa naman si Kathy. "Oo nga, lalo na kapag ayaw mong matalo sa away. Alam mo kapag naiinis ako sa kanya talagang tinatawag ko ang buong pangalan nya. Hoy Arabela Uy mukhang unggoy." Mas natawa pa ito. "Lalo tuloy syang napipikon."

"Grabe ka naman. Hindi naman sya mukhang unggoy."

"Pinipikon ko nga lang."

Natatawa naman ako. "Grabe ka."

"Minsan lang naman." Nag-sign ito ng 'wait' na parang may naalala. "Ai Max syanga pala birthday ko sa martes. Baka hindi kayo busy ng asawa mo ha punta kayo. Magpapaluto ako, dun na kayo magdinner."

"Uhm sure. Sasabihin ko mamaya kay Angel baka may lakad yun mabuti na yung nakapagsabi agad."

"Mabuti pa --"

"Hey baby." Hindi namin namalayan ang paglapit ni Arabela. Humalik ito sa pisnge ni Kathy at umupo sa tabi nito. "Bakit hindi mo'ko hinintay?" Nakangiti nitong wika. Mukhang maaliwalas yata ang mukha nito ngayon.

"Sorry be. Akala ko kasi hindi kapa pupunta dito." Tumayo si Kathy. "Wait, ibibili kita ng pagkain."

"Wag na be. Busog pa naman ako. Tapusin mo na lang ang pagkain mo." Malambing nitong wika sa nobya.

Umupo naman ulit si Kathy. Uminom ako ng tubig at patay malisyang ipinagpatuloy ang pagsubo.

Minsan nagtatama ang mga mata namin ni Arabela pero umiiwas agad ito ng tingin. Alam kong medyo naiilang ito dahil sa presensya ko. Ako naman hindi, wala naman akong dapat ikailang sa kanya. Kakalimutan ko na rin ang nangyari kagabi.

Biglang nag-ring ang cellphone ko. Si Julia tumatawag.

Tumayo ako at uminom ng tubig. "Guys mauuna na ako sa inyo ha. May tatapusin pa kasi ako."

Labstory II (gxg) - SEQUELWhere stories live. Discover now